Shinto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Shinto (神道) ay ang katutubong relihiyon ng Hapon at dating naging relihiyon ng estado. Ito ay kinapalolooban ng pagsamba sa kami(神), o mga diyos. Ang ibang kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu/ o ang henyo ng isang partikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay na natural at proseso: halimbawa, si Amaterasu, ang Diyosa ng araw, o ang bundok Fuji. Ang shinto ay isang sistemang may paniniwalang animistiko. Ang salitang Shinto ay nabuo sa dalawang pinagsamang kanji: "神" (Shin) na ang kahulugan ay mga diyos at espiritu (kung babasahin ito ng mag-isa, ito ay binibigkas bilang "kami") at "道" (tō), na ang kahulugan ay isang paraang pilosopikal (tulad ng panulat ng mga Intsik na sa salitang Tao). Sa madaling salita, ang Shinto ay kadalasang sinasalalin bilang "Ang Paraan ng mga Diyos".

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Ang katayuan ng Shinto bilang relihiyon ng estado ng Hapon ay nawala; ang mga kasanayan at pangaral, na minsang naging prominente noong kasagsagan ng digmaan, ay hindi na itinuturo at sinasanay sa ngayon, at ang iba naman ay makikita na lamang sa mga gawaing tulad ng omikuji (isang uri ng pang-huhula) at sa Bagong Taon ng mga Hapones.[kailangan ng sanggunian]



Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.