Ikalawang Sulat ni Pedro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bagong Tipan ng Bibliya

Ang kahong ito: tingnan · usapan · baguhin

Ang Ikalawang Sulat ni Pedro o 2 Pedro ay isang aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Apostol San Pedro. Kasama ng Unang Sulat ni Pedro, nakalaan ang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor na nakaranas ng panliligalig ng ibang mga kababayan dahil sa bago nilang relihiyon, ang Kristiyanismo, na ayon kay San Pedro ay ang "tunay na relihiyon".[1] Isinulat ito ni San Pedro sa loob ng taong 66 at 67, habang nakabilanggo sa Sinaunang Roma.[1]

Paglalarawan[baguhin]

Ang ikalawang sulat na ito ni San Pedro ay nagbibigay ng diin sa moralidad bilang isang mahalagang pagpapahalaga na pangkristiyano.[2] Ito ay bumabanggit ng tungkol sa mga sinungaling na mga guro ng pananampalataya, na nagpapalaganap ng mga erehiya o mga kamalian upang makapanlinlang ng unang mga Kristiyano. Pinasisigla ni San Pedro ang unang mga Kristiyano at pinananatili niya ang mga ito sa Kristiyanismo sa pamamaraang pagbibigay diin sa diwa na ang mga aral at pangaral ni San Pedro ay nagmumula sa Diyos at si San Pedro ang saksi ng mga aral at pangaral na ito.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C.. (2000). "Mga Sulat ni Pedro". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1772.
  2. "II Peter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., New Testament, Bible}}, tomo ng titik B, pahina 162.

Mga panlabas na kawing[baguhin]