Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonica

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bagong Tipan ng Bibliya

Ang kahong ito: tingnan · usapan · baguhin

Ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonika ay ang pangalawang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Tesalonica o mga Tesalonisense. Kasama ng Unang Sulat sa mga taga-Tesalonika, tinatawag ang mga aklat na ito bilang Mga Sulat sa mga taga-Tesalonika. Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya, ang mga ito ang pinakauna sa mga naisulat na liham ni San Pablo, na naturang "Apostol ng mga Hentil".[1]

Paglalarawan[baguhin]

Kasama ng unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Tesalonika, ang pangalawang sulat na ito ay nakatuon sa mga paksa ng suliraning teolohikal at moral na naganap sa Tesalonika (bilang paghahambing, ganitong mga paksa rin ang naging tuon sa Una at Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto).[2]

Balangkas[baguhin]

Ang ikalawang sulat na ito ay binubuo ng sumusunod na mga bahagi:[1]

  • A. Tungkol sa Paghatol ng Diyos (1, 1-12)[1]
  • B. Mga Tanda sa Ikalawang Pagparito ni Kristo (2, 1-17)[1]
  • C. Mga Tagubilin (3, 1-18)[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C.. (2000). "Mga Sulat sa mga Tesalonicense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1726.
  2. ""Pauline Epistles"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., New Testament, Bible, tomo ng titik B, pahina 161.


Mga panlabas na kawing[baguhin]