Sinaunang Ehipto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga piramide o tagilo ang pinakakilalang simbolo ng kabihasnan ng lumang Ehipto.
Mapa ng lumang Ehipto, pinapakita ang pangunahing mga lungsod at lugar sa panahon ng Dinastiya (mga 3150 BC hanggang 30 BC)

Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang makabagong bansa ng Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC[1] kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo.[2] Naganap ang isang sunod-sunod na matatag na panahon, na tinatawag na mga kaharian, na nahahati sa mga kaugnay na hindi matatag na panahon na tinatawag na mga Panahong Nasa Pagitan (Intermediate Periods). Pagkaraan ng matapos ang huling kaharian, kilala bilang Bagong Kaharian, pumasok ang kabihasnan ng lumang Ehipto sa isang panahon ng mabagal, walang pagbabagong paghina, noong mga panahon na sinasakop ng sunod-sunod ang Ehipto ng banyagang kapangyarihan. Opisyal na natapos ang paghahari ng mga paraon noong 31 BC nang sakupin ng naunang Imperyong Romano ang Ehipto at ginawang isang lalawigan.[3]

Nagtagumpay ang kabihasnan ng lumang Ehipto mula sa kakayanang umangkop sa mga kalagayan ng Lambak ng Ilog Nilo. Pinamahalaan ang patubig ng mayabong na lambak na nagbubunga ng labis na pananim, na nagpaalab sa pag-unlad ng lipunan at kultura. May mga yamang maitatabi, tinaguyod ng mga namamahala ang pagpapaunlad ng mga mineral sa lambak at mga nakapaligid na rehiyon ng ilang. Pinaunlad din ang isang malayang sistema ng pagsusulat (ang hyeroglipo), ang pabuo ng isang pinagsama-samang proyekto ng pagtatayo at pagsasaka, pagkalakal sa mga napapaligirang mga rehiyon, isang militar na tumalo sa mga banyagang kaaway at ipinahayag ang pangingibabaw ng Ehipto. Inuudyukan at binubuo ang mga gawaing ito ng isang burokrasiya ng mga elitistang eskriba, mga relihiyosong pinuno, at mga tagapamahala sa ilalim ng paraon na tinitiyak ang pakikipagdamayan at pagkakaisa ng taong-bayan ng Ehipto sa pamamagitan ng isang masalimuot na sistema ng paniniwalang pang-relihiyon.[4][5]

Kabilang sa mga maraming mga nakamtan ng lumang Ehipto ang isang sistema ng matematika, pagtibagan, pagtilingin at pamamaraan sa pagtatayo na napagaan ang paggawa ng dakilang tagilo o piramide, mga templo, mga obelisk, porselana at teknolohiya ng salamin, isang praktikal at epektibong sistema ng medisina, mga bagong uri ng panitikan, mga pamamaraan sa sistema ng patubig at produksiyon ng pagsasaka, at unang kilalang kasunduan sa kapayapaan.[6] Nag-iwan ang Ehipto ng isang nanatiling pamana: kinokopya ang sining at arkitektura at pinaparada ang kalumaan sa buong mundo, at nagbibigay-sigla ang mga panghabang-panahon na guho sa mga imahinasyon ng mga turista at manunulat sa nagdaang daang-taon. Nagdulot ang isang bagong respeto sa lumang panahon at mga paghuhukay sa unang makabagong panahon ng isang siyentipikong pagsisiyasat ng kabihasnan ng Ehipto at isang mas malaking pagkalugod sa pamanang pang-kultura nito para Ehipto at sa buong daigdig.[7]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Noong pagkatapos ng 664 BC ang matatag na petsa"Chronology". Digital Egypt for Universities, University College London. http://www.digitalegypt.ucl.ac.uk/chronology/index.html. Hinango noong 2008-03-25. 
  2. Dodson (2004) p. 46
  3. Clayton (1994) p. 217
  4. James (2005) p. 8
  5. Manuelian (1998) pp. 6–7
  6. Clayton (1994) p. 153
  7. James (2005) p. 84