Alejandro ang Dakila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Alejandro ang Dakila
Basileus ng Macedon, Hegemon ng Ligang Heleniko Hellenic League, Shahanshah ng Persia, Paraon ng Sinaunang Ehipto, Panginoon ng Asia
BattleofIssus333BC-mosaic-detail1.jpg
Si Alejandro na nakikipaglaban sa haring Persa (Persian) na si Dario III. Mula sa Alexander Mosaic, Naples National Archaeological Museum
Hari ng Macedonia
Paghahari 336–323 BCE
Hinalinhan Felipe II
Kahalili Alexander IV
Philip III
Paraon ng Ehipto
Reign 332–323 BCE
Hinalinhan Darius III
Kahalili Alexander IV
Felipe III
Hari ng Persia
Paghahari 330–323 BCE
Hinalinhan Dario III
Kahalili Alexander IV
Felipe III
King of Asia
Reign 331–323 BCE
Hinalinhan New office
Kahalili Alexander IV
Philip III
Spouse Roxana of Bactria
Stateira II ng Persia
Parysatis II of Persia
Isyu
Alejandro IV
Buong pangalan
Alejandro III ng Macedon
Dynasty Dinastiyang Argead
Ama Felipe II ng Macedon
Ina Olympias ng Epirus
Ipinanganak 20 o 21 Hulyo 356 BCE
Pella, Macedon
Namatay 10 o 11 Hunyo 323 BCE (edad 32)
Babilonya
Relihiyon Politeismong Griyego

Si Alejandro III ng Macedon (20/21 Hulyo 356 – 10/11 Hunyo 323 BCE) na kilala bilang Alejandro ang Dakila o Dakilang Alejandro (Griyego: Ἀλέξανδρος ὁ Μέγας, Aléxandros ho Mégasiii[›] from the Greek ἀλέξω alexo "ipagtanggol, tulungan" + ἀνήρ aner "man") ang hari ng Macedon na isang estado ng hilagaang Sinaunang Gresya. Siya ay ipinanganak sa Pella noong 356 BCE. Siya ay inaralan ni Aristoteles hanggang sa edad na 16. Sa edad na 30, kanyang nilikha ang isa sa pinakamalaking imperyo sa sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa Dagat Ionian hanggang sa mga Himalaya.[1] Siya ay hindi natalo sa digmaan at itinuturing sa kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander.[2]

Hinalinhan sa trono ni Alejandro ang kanyang amang si Felipe II ng Macedon noong 336 BCE pagkatapos paslanging si Felipe II. Sa kamatayan ni Felipe, namana ni Alejandro ang isang malakas na kaharian at may karanasang hukbo. Siya ay ginawaran ng pagkaheneral ng Gresya at gumamit sa kapangyarihang ito upang ilusan ang mga planong pagpapalawig na pang-hukbo ng kanyang ama. Noong 334 BCE, kanyang sinakop ang pinamunuan ng Persia na Asya Menor at nagpasimula ng mga sunod sunod pakikidigma na tumagal ng 10 taon. Binali ni Alejandro ang kapangyarihan ng Persia sa sunod sunod na nagwaging digmaan na kinabibilangan ng Labanan sa Issus at Labanan sa Gaugamela. Kalaunan niyang pinatalsik ang haring Persa (Persian) na si Dario III at sumakop sa kabuuan ng Imperyong Akemenida. Sa puntong iyon, ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula sa dagat Adriatiko hanggang sa Ilog Indus. Sa paghahangad niyang maabot ang "mga dulo ng mundo at ang dakilang panlabas na dagat", kanyang sinakop ang India noong 326 BCE ngunit kalaunang napaurong sa paghiling ng kanyang mga hukbo. Namatay si Alejandro sa Babilonya sa edad na 32 noong 323 BCE nang hindi nagsagawa ng sunod sunod na planadong mga pakikidigma na nagsimula sa kanyang pananakop ng Arabia. Sa mga sumunod na taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang sunod sunod na mga digmaang sibil ang naghati sa kanyang imperyo na humantong sa ilang mga estadong pinamunuan ng Diadochi na mga natitirang heneral ni Alejandro at mga tagapagmana. Ang kanyang pamana ay kinabibilangan ang pagkalat ng kultura na dinulot ng kanyang mga pananakop. Kanyang itinatag ang mga 20 siyudad na ipinangalan sa kanya na ang pinakakilala ang Alehandriya sa Ehipto. Ang pagtira ng ng mga kolonistang Griyego ni Alejandro at ang nagresultang pagkalat ng kulturang Griyego sa silangan ay nagresulta sa isang bagong kabihasnang Helenistiko na ang mga aspeto ay makikita pa rin sa mga tradisyon ng Imperyong Bizantino noong gitnang ika-15 siglo CE. Si Alejandro ay naging maalamat bilang isang klasikong bayani sa molde ni Achilles. Siya ay prominenteng makikita sa kasaysayan at mitong Griyego at mga kulturang hindi Griyego. Siya ay naging sukatan na pinaghahambingan sa sarili ng mga pinunong militar at ang mga akademiyang militar sa buong mundo ay nagtuturo pa rin ng kanyang mga taktika. [3]ii[›]

Mga sanggunian[baguhin]

Alejandro ang Dakila
Dinastiyang Argead
Kapanganakan: 356 BCE 323 BCE
Regnal titles
Sinundan:
Felipe II
Hari ng Macedon
336–323 BCE
Susunod:
Felipe III at Alejandro IV
Sinundan:
Dario III
Dakilang Hari (Shah) ng Persia
330–323 BCE
Paraon ng Ehipto
332–323 BCE
Bagong gawa Hari ng Asya
331–323 BCE