Menes

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Menes
Africanus: Mênês
Eusebius: Mênês
Paraon ng Sinaunang Ehipto
Sinundan -
Kahalili Hor-Aha?
Ang hiroglipo ni Menes.

Si Menes, Mena, Meni, Min, o Narmer ay isang pinuno ng pang-itaas na bahagi ng Sinaunang Ehipto. Naghari siya sa buong Ehipto sa loob ng 62 mga taon. Asawa niya si Neith-hetep.[5][6]

Ukol sa pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang pansarili o personal na pangalan ang Menes. Bilang pinuno, gumamit si Menes ng ibang pangalan. Kabilang dito ang Narmer, Panginoon ng Dalawang mga Lupain.[5]

Pananakop at paghahari[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinakop niya ang delta o patatsulok na bahagi ng Nilo ng Pang-ibabang Ehipto noong mga 2850 BK o 2925 BKE.[5][6] Sa pamumuno niya ng Pang-itaas na Ehipto, nagsuot si Menes ng isang puting koronang kahugis ng koniko o binaligtad na apa ng sorbetes. Bilang paghahambing, kulay pula ang putong na korona sa ulo ng mga namahala ng Pang-ibabang Ehipto. Pagkaraang masakop ni Menes ang Pang-ibabang Ehipto, dalawa ang sinuot niyang korona: nakapaloob ang puting korona sa loob ng kulay pulang korona. Siya ang unang hari sa kasaysayan ng Ehipto na nakapag-isa ng Ehipto.[5]

Mga ginawa bilang hari[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang hari ng buong Ehipto, nagtatag siya ng isang kabiserang lungsod para sa kanyang dalawang kaharian. Itinatag niya ito sa Memphis na nasa timog-kanluran ng Cairo. Napapaligiran ang sitadela o pook-tanggulan (kuta o moog) nito ng puting pader.[5]

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Namatay siya dahil sa pagkakapaslang sa kanya ng isang hipopotamus. Pagkaraang sumakabilang buhay ni Menes, itinuring siya bilang isang diyos.[5]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Edwards 1971: 13
  2. Lloyd 1994: 7
  3. Cervelló-Autuori 2003: 174
  4. Edwards 1974: 22
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Which King First United Egypt?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 12.
  6. 6.0 6.1 "Menes, King of Egypt". Encyclopædia Britannica. (2008). Encyclopædia Britannica Online. Nakuha noong 2008-03-27.