Parthenon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Mga koordinato: 37°58′13″N 23°43′21″E / 37.97025°N 23.72247°E / 37.97025; 23.72247

Parthenon
Παρθενών (Greek)
Ang Parthenon
Gusali
Uri templong Griyego
Estilong arkitektural Klasiko
Kinaroroonan Atenas, Gresya
May-ari Pamahalaang Griyego
Kasalukuyang gumagamit Museo
Konstruksiyon
Sinimulan 447 BCE[1][2]
Natapos 432 BCE[1][2]
Sinira Isang bahagi noong 26 Setyembre 1687
Sukat 69.5 by 30.9 m (228 by 101 ft)
Taas 13.72 m (45.0 ft)
Iba pang mga dimensiyon Cella: 29.8 by 19.2 m (98 by 63 ft)
Nagdisenyo
Arkitekto Iktinos, Kallikrates
Iba pang mga tagapagdisenyo Phidias (sculptor)
Night view

Ang Parthenon (Griyego: Παρθενών) ay isang templong Sinaunang Griyego sa Acropolis ng Atenas, Gresya na inalay sa diyosang si Athena na itinuring ng mga mamamayan ng Atenas na kanilang patron. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong 447 BCE nang ang Imperyong Ateniano ay nasa tugatog ng kapangyarihan nito. Ito ay nakumpleto noong 438 BCE bagaman ang pagpapalamuti ng gusali ay nagpatuloy hanggang 432 BCE. Ito ang pinakamahalagang nakaligtas na gusali ng Gresyang Klasiko na pangkalahatang itinuturing na kulminasyon ng orden na Doriko. Ang mga iskulturang pagpapalamuti ang itinuturing na ilang mga matataas na punto ng Sining sa Sinaunang Gresya. Ang Parthenon ay itinuturing na tumatagal na simbolo ng Sinaunang Gresya, demokrasyang Ateniano, kabihasnang kanluranin[3] at isa sa pinakadakilang mga monumentong pangkultura. Ang Kalihim ng Kultura at Turismo ng Gresya ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang programa ng selektibong pagbabalik at muling pagtatayo upang masiguro ang katatagan ng parsiyal na nagibang istruktura.[4]

Ang mismong Parthenon ay pumalit sa mas matandang templo ni Athena na tinatawag ng mga historyan na pre-Parthenon o mas matandang Parthenon na nawasak sa pananakop na Pesiano noong 480 BCE. Ang templo ay arkeoastronomikal na nakalinya sa Hyades.[5] Gaya ng karamihan ng mga templong Griyego, ang Parthenon ay ginamit bilang tesorerya. Sa isang panahon, ito ay nagsilbi ring isang tesorerya ng ligang Deliano na kalaunang naging Imperyong Ateniano. Noong ika-5 siglo CE, ang Parthenon ay ginawang simbahang Kristiyano. Pagkatapos ng pananakop na Ottoman, ang Parthenon ay naging isang moske sa mga simulang 1460. Noong Setyembre 26, 1687, ang tapunan ng munison sa gusali ay pinag-apoy ng pambobombang Veneciano. Ang nagresultang pagsabog ay masidhing pumisala sa Parthenon at mga iskultura nito. Noong 1806, inalis ni Thomas Bruce, ika-7 earl ng Elgin ang ilan sa mga nakaligtas na iskultura sa pahintulot ng Imperyong Ottoman. Ang mga iskulturang ito na kilala bilang mga marmol na Elgin ay ipinagbili noong 1816 sa Museong British sa London kung saan ito ngayon nakatanghal.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 http://academic.reed.edu/humanities/110Tech/Parthenon.html
  2. 2.0 2.1 http://www.ancientgreece.com/s/Parthenon/
  3. Beard, Mary (2010). The Parthenon. Profile Books. p. 118. ISBN 1847650635. 
  4. Ioanna Venieri. "Acropolis of Athens". Hellenic Ministry of Culture. http://odysseus.culture.gr/h/3/eh351.jsp?obj_id=2384. Hinango noong 2007-05-04. 
  5. E. Boutsikas and R. Hannah (February 2012). Aitia, Astronomy and the timing of the Arrhephoria. The Annual of the British School at Athens, pp.1-13.