Gresya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Helenika
Ελληνική Δημοκρατία
Ellinikí Dimokratía
Pambansang Kasabihan: Ελευθερία ή θάνατος
Eleftheria i thanatos  (transliterasyon)
"Kalayaan o Kamatayan"
Pambansang Awit: Ύμνος εις την Ελευθερίαν (Ímnos is tin Eleftherían) Hymn to Freedom
Kinaroroonan ng  Gresya  (kahel)

– sa Europe  (kamelyo & puti)
– sa the European Union  (kamelyo)  —  [Gabay]

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Atenas
38°00′N 23°43′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Griyego (Griyego)
Pamahalaan Parlamentoary republika
 -  Pangulo Karolos Papoulias
 -  Punong Ministro Georgios Papandreou
 -  Pangulo ng Parlamento Philippos Petsalnikos
Pagkabuo
 -  Unang nakilalang sibilisasyong Griyego[1] c.3000 BC 
 -  Huling malayang estado[2] 1461 
 -  Kalayaan mula sa Imperyong Ottoman 25 Marso 1821 
 -  Kinilala 1829 
Lawak
 -  Kabuuan 131,990 km2 (ika-96)
50,944 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.8669
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2006 11,125,179[3] (ika-74)
 -  Senso ng 2001 10,964,020[3] 
 -  Kakapalan 84/km2 (ika-108)
218/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007 IMF
 -  Kabuuan $305.595 bilyon (ika-37)
 -  Per capita $27,360 (ika-27)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2007 IMF
 -  Kabuuan $341.826 bilyon (ika-27)
 -  Per capita $30,603 (ika-24)
Gini (2000) 35.44 (low
TKT (2004) Increase 0.921 (high) (ika-24)
Salipi Euro ()[4] (EUR)
Pook ng oras EET (UTC+2)
 -  Tag-araw (DST) EEST (UTC+3)
Internet TLD .gr[5]
Kodigong pantawag 30

Ang Gresya[6] (Ingles: Greece), opisyal na Republika ng Elenika (Griyego: Ελληνική Δημοκρατία, Ellinikí Dimokratía; tingnan din Talaan ng mga tradisyunal na mga Griyegong lugar), ay isang bansa sa katimugang Europa sa dulo ng Balkans.

Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman. Tinaguriang "Duyan ng Sibisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.

Sa ngayon, ang Gresya ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong 1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras, Heraklion, Bolos, at Larisa.

  • napapaligiran ng mga dagat:Dagat Egeo sa silangan, Dagat Jonico sa kanluran, Mediterraneo sa timog.
  • klima: katamtaman at maaliwalas.
  • likas na kagandahan ng bansa: bughaw na kalangitan, kumikinang na karagatan at magagandang tanawin.

Ang mga Griyego[baguhin | baguhin ang batayan]

Indo-Europeano - ninuno ng mga Griyego na mula sa Lambak ng Danube.

Apat na pangunahing tribong Griyego:

  1. Achaean
  2. Ionian - kinakatawan ng makasining na Athenian.
  3. Dorian - mandirigmang Spartan.
  4. Aetolian

Puwersa ng Pagkakaisa:

  1. Ibinibilang nilang sila'y mga griyego at ang ibang tao ay hindi griyego o mga barbarian.
  • Hellenes - ang kanilang sarili
  • Hellas - ang kanilang Bansa
  • Hellenic - ang kanilang sibilisasyon
  1. Nagsasalita sila ng iisang wika
  2. Meron silang klase ng pagsusulat
  3. Sumasamba sila sa iisang diyos at nagsasama-sama sa mga pangrelihiyong kapistahan.
  • Bundok Olympus - pinaniniwalaang dito nakatira ang kanilang mga diyos at diyosa
  1. Nagdaos sila ng Palarong Olimpiko.

Kabihasnang Helenistiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamahalaan: Polis - independenteng estadong lunsod na nilikha ng sinaunang Hellas

Iba't ibang porma ng gobyerno na nilikha ng Greece:

  1. Monarkiya - pamumuno ng isang hari
  2. Aristokrasya - pamumuno ng maharlikang pamilya
  3. Oligarkiya - pamumuno ng kakaunti
  4. Diktatoryal o tyranny - pamumuno ng ilegal na lider.
  5. Demokrasya - pamumuno ng mamamayan.

Ang Republika - isinulat ni Plato

Politika - isinulat ni Aristotle

Relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Mitolohiyang Griyego

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Sibilisasyong Minoe at Sikladiko.
  2. Imperyo ng Trebizond
  3. 3.0 3.1 http://www.statistics.gr
  4. Bago ang 2001: Griyegong Drachma
  5. Ginagamit din ang .eu na ginagamit din ng ibang kasapi ng Unyong Europeo.
  6. Gaboy, Luciano L.. "Gresya". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



GresyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.