Olanda

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Disambig colour.svg Nakakarga ang "Dutch" dito. Para sa paglilinaw, tingnan ang Mga Pangalan ng Olanda.
Lokasyon

Ang Olanda[1][2][3][4] o kung minsan ay kilala bilang mga Mabababang Lupain[5] ay isang bansa sa hilagang Europa. Ang Olanda ay isang demokrasyang parliamentaryo sa ilalim ng isang monarkang konstitusyonal na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Europa. Napapaligiran ito ng Dagat Hilaga (North Sea) sa hilaga at kanluran, Belgium sa timog, at Alemanya sa silangan.

Pangalan[baguhin]

Kadalasang tinatawag ang Netherlands na Olanda (mula sa Holland), ngunit ito ay may kamalian. Olanda ay nakakakuha ng pagsasarili mula sa Espanyol panuntunan sa 1648. Ay isang kapangyarihang pang-ekonomiya noong panahon ng Mga Lalalawigang Nagkakaisa (1581–1795). Pagkaraan ng panahong Napoleoniko, ang Olanda ay naging lalawigan lamang ng Kaharian at nahati sa Hilaga at Timog Olanda noong 1840. Gayumpaman, Olanda ang nakagawiang katawagan sa Tagalog, ayon sa mga makalumang sanggunian;[6] ito rin ang naging katawagan sa marami pang wika. Tinatawag na Olandes[4] (lalaki) at Olandesa[4] (babae) ang mga taga-Olanda o mamamayan ng Olanda.

Sa mga Pilipinong nagsasalita ng Espanyol, tinawag nila itong Paises Bajo o kung minsa'y Batavia. Sa nakararami, tawag nila sa bansang ito ay Republikang Batabyana.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. De Dios, Reynaldo [Tagalog] at Afenir [Ilokano]. (2005). "Olanda". English-Tagalog-Ilokano Vocabulary.
  2. Panganiban, Jose Villa.. (1969). "Olanda". Concise English-Tagalog Dictionary.
  3. Sagalongos, Felicidad T.E.. (1968). "Olanda". Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles.
  4. 4.0 4.1 4.2 "Olanda, Olandes, Olandesa". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  5. Nederland (Olandes), Países Bajos (Kastila), Netherlands (Inggles), "[mga] bansang ma[ba]baba"
  6. Kahit sa ngayon, hindi pa rin tinatanggap ang katawagang Mga Bansang Mabababa o katumbas.