The Hague

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga gusali ng Haya, mula sa Plein.
Watawat ng Lungsod ng Haya.

Ang The Hague (Olandes: Den Haag; Ingles: The Hague) ay ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Olanda, kasunod ng Amsterdam at Rotterdam, na may populasyong 485,818[1] (1.0 milyon kasama ang mga karatig-pook), at may sukat na kulang-kulang 100 km2. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng bansa, sa lalawigan ng Timog Olanda, at siya ring kabisera nito. Kasama ng Amsterdam, Rotterdam, Utrecht at Almere, Ang Haya ay bahagi Kalakhang Randstad na umaabot sa populasyong 6.6 milyong katao.

Ang The Hague ay ang himpilan ng pamahalaang Olandes at ng hukumang pangkaharian (ngunit ito ay hindi kabisera ng Olanda, isang katangiang ibinukod ng Saligang Batas para sa Amsterdam). Si Reynang Beatiz ng Olanda ay nakatira at naghahanapbuhay sa Haya. Lahat ng mga dayuhang embahada at mga sangay ng pamahalaan ay matatagpuan sa lungsod na ito, pati na rin sa Hoge Raad der Nederlanden ("Kataas-taasang Hukuman ng Olanda"), Raad van State ("Konsilyo ng Estado") atbp.

Ang The Hague rin ang de facto na kabisera ng Mga Nagkakaisang Bansa, at sa gayon dito matatagpuan ang Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan.

Talasanggunian[baguhin]



Olanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Olanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.