Mga Nagkakaisang Bansa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mapa ng mga kasaping estado sa United Nations
Tandaan na hindi kinakatawan ng mapang ito ang pananaw ng mga kasapi nito o ng Mga Bansang Nagkakaisa hinggil sa legal na katayuan ng kahit anumang bansa.[1]
Punong Himpilan International teritoryo sa Manhattan, Lungsod ng Bagong York
Opisyal na wika Arabo, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso, Espanyol
Kasapi 193 miyembrong estado
Pinuno
 -  kalihim-Panlahat Ban Ki-moon
Pagkakatatag
 -  United Nations Charter 26 Hunyo 1945 
 -  Ratification of Charter 24 Oktubre 1945 
Website
http://www.un.org/

Ang Mga Nagkakaisang Bansa[2] na mayroong opisyal na pangalan na Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations, Organization of the United Nations; dinadaglat bilang UN) ay itinatag noong 24 Oktubre 1945 sa San Francisco, Estados Unidos, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinakamalaking organisasyong pandaigdig sa mundo na nagsisilbi para sa kapayapaan ng mga bansa.

Pinagmulan[baguhin]

Ang huling yugto ng mga sesyon ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ay pinagdiwang noong 10 Enero 1926 sa Central Hall Westminster sa Londres. Ang kanyang aktuwal na himpilan ay matatagpuan ngayon sa Lungsod ng New York. Ito ang sumunod sa yapak ng Liga ng mga Bansa, isang organisasyon na nalikha taong 1910 noon namang Unang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan ng Tratado ng Versalles, "para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at makamit ang kapayapaan at seguridad". Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miembro ng United Nations, maliban sa Lungsod ng Batikano, na isa lamang tagamasid, at ang Republika ng Tsina (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang organisasyon ay mayroon 191 mga bansang kalahok.

Isa sa mga bukod tanging nagawa ng United Nations ang pagproklama sa Deklarasyong Unibersal ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights) noong 1948.

Ang Organisasyon ng United Nations ay ang pinakaimportanteng poro para sa diplomasyang multilateral. Kasalukuyan nilang ginaganap ang Durban Review Conference sa Geneva, Switzerland.

Kasaysayan[baguhin]

Punong himpilan ng UN sa Lungsod ng New York

Ang ideya sa likod ng United Nations ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo ng Estados Unidos na si Franklin Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations".

Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng bagong organisasyon noong 25 Abril 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga pamahalaan, inimbitahan rin ang mga nongovernmental organization. Noong Hulyo 26, nilagdaan ng 50 bansang kinatawan ng kumperensiya ang Karta ng United Nations. Ang bansang Poland, na walang kinatawan sa pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 Estado.

Ang tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng 24 Oktubre 1945, pagkatapos ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga permanenteng miembro ng Kapulungang Panseguridad (ang Republika ng Tsina, Pransiya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika) kasama ang malaking mayoriya ng natitirang 46 na miembro.

Sa katunayan, ang natatanging may veto sa mga desisyon ng organisasyon ay itong limang permanenteng myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng Amerika, Federasyon ng Russia, Pransiya, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Republika Popular Tsina.

Ang mga tagapagtatag ng mga Bansang Nagkakaisa ay umaasa dito na maiiwasan ang mga bagong giyera sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin natupad sa maraming kaso. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak ng Berlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob ng tinatawag na Cold War ay nagpahirap sa pagkamit sa obhetibong ito, lalo pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto.

Mga Wikang Opisyal[baguhin]

Ang mga United Nations ay may anim na wikang opisyal: Arabo, Espanyol, Ingles, Pranses, Ruso at Tsino. Halos lahat ng mga opisyal na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, at Espanyol.

Sistema ng United Nations[baguhin]

United Nations. Mga bansang may pinakamalaking partisipasyon sa badyet ng Organisasyon (2003)
Estados Unidos 22 %
Hapon 19.51 %
Alemanya 9.76 %
Pransiya 6.46 %
Nagkakaisang Kaharian 5.53 %
Italya 5.06 %
Kanada 2.55 %
Espanya 2.51 %
Brasil 2.39 %
Timog Korea 1.85 %
Olanda 1.73%
Australya 1.62 %
Tsina 1.53 %
Suwisa 1.27 %
Rusya 1.20 %
Belhika 1.12 %
Mehiko 1.08 %
Suwesya 1.02 %

Ang mga organ ng mga Bansang Nagkakaisa ang mga sumusunod:

Ang Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa ay organisado sa mga sumusunod:

Mga Programa at Organo[baguhin]

  1. UNHCR, Tanggapan ng Mataas na Komisyon ng mga Bansang Nagkakaisa para sa mga Nanganganlong (United Nations High Commission for Refugees).
  2. ITC, Sentro ng Pandaigdigang Kalakalan (UNCTAD/WTO)
  3. WFP, Pandaigdigang Programa sa Pagkain.
  4. UN-Habitat, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pabahay (Human Settlements).
  5. UNDP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagunlad.
  6. UNDCP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagkontrol ng Droga.
  7. UNEP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kapaligiran.
  8. UNCTAD, Kumperensiya ng mga Bansang Nagkakaisa tungkol sa Komersyo at Pagunlad.
  9. UNICEF, Pondo ng mga Bansang Nagkakaisa para sa mga Bata.
  10. UNIFEM, Pondo ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kababaihan.
  11. UNV, Mga Boluntaryo ng mga Bansang Nagkakaisa.

Iba pang organo ng mga Bansang Nagkakaisa[baguhin]

  1. UNHCHR, Tanggapan ng Mataas na Komisyon ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Karapatang Pantao.
  2. UNAIDS, Programa Konhunto ng mga Bansang Nagkakaisa tungkol sa HIV/AIDS.
  3. UNOPS, Tanggapan ng mga Bansang Nagkakaisa ng Serbisyo para sa mga Proyekto.
  4. UNSSC, Paaralang Superior ng Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa.
  5. UNU, Pamantasan ng mga Bansang Nagkakaisa

Mga Surian ng Pagsisiyasat at Kapasitasyon[baguhin]

  1. INSTRAW, Pandaigdigang Suriang Pagsisiyasat at Pagtuturo para sa Pagpapaunlad ng mga Babae
  2. UNICRI, Interrehiyonal na Suriang Pagsisiyasat ng Krimen at Katarungan ng Mga Bansang Nagkakaisa.
  3. UNIDIR, Suriang Pagsisiyasat ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagdidisarma.
  4. UNITAR, Surian ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagsisiyasat at Pagtuturo.
  5. UNRISD, Suriang Pagsisiyasat ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Panlipunang Pagpapaunlad.

Mga Komisyong Kumikilos[baguhin]

  1. Komisyon ng Agham at Teknolohiya para sa Pag-Unlad
  2. Komisyon sa Karapatang Pantao
  3. Komisyon para sa Panlipunang Pag-unlad
  4. Komisyon ng Estadistika
  5. Komisyon sa Kalagayang Panlipunan ng mga Babae
  6. Komisyon sa Populasyon at sa Pag-unlad
  7. Komisyon sa Pagsugpo sa Krimen at sa Katarungang Kriminal
  8. Komisyon sa mga Gamot Narkotiko

Mga komisyong pangrehiyon[baguhin]

  1. CECE, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Europa.
  2. CEPA, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Aprika.
  3. CEPAL, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Amerika Latina at sa Karibe.
  4. CESPAC, Komisyong Ekonomiko at Panlipunan ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kanlurang Asya.
  5. CESPAP, Komisyong Ekonomiko at Panlipunan ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Asya at sa Pacipiko

Mga Organisasyong Nakaugnay[baguhin]

  1. CTBTO, Organisasyong Tratado para sa Komprehensibong Pagbabawal sa mga Gawaing Nukleyar.
  2. IAEA, Organisasyong Pandaigdig ng Enerhiyang Atomika
  3. WTO, Organisasyon ng Pandaigdigang Pangangalakal.
  4. OPAC, Organisasyon para sa Pagbabawal ng mga Kimikong Armas.

Mga organisasyong espesyal[baguhin]

  1. FAO, Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura.
  2. IMF, Pandaigdigang Pondong Pananalapi.
  1. Pangkat ng Bangkong Pandaigdig
    1. IDA, Pandaigdigang Samahan sa Pagpapaunlad.
    2. IBRD, Pandaigdigang Bangko para sa Muling Pagsasaayos at Pagpapaunlad.
    3. IFC, Pandaigdigang Korporasyong Pananalapi.
    4. ICSID, Pandaigdigang Sentro para sa Pagsasaayos ng mga Pagtatalong Pampamuhunan.
  1. ICAO, Organisasyong Pandaigdig ng Abyasyon Sibil
  2. ILO, Organisasyong Internasyonal sa Paggawa.
  3. IMO, Pandaigdigang Organisasyong Maritima.
  4. WMO, Organisasyong Pandaigdig sa Meteorolohiya.
  5. WIPO, Organisasyong Pandaigdig ng mga Pag-aaring Intelektwal.
  6. WHO, Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan.
  7. UNIDO, Pandaigdigang Organisasyon ng United Nations para sa Pang-industriyang Pagpapaunlad.
  8. ITU, Unyong Pandaigdig ng Telekumunikasyon.
  9. UNESCO, Organisasyon ng United Nations para sa Edukasyon, Agham, at Kultura.
  10. UPU, Unyong Pangkoreong Unibersal.

Kaugnay na pahina[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

UN Press Release petsang 3 Hulyo 2006
  1. "The World Today" (PDF). http://www.un.org/Depts/Cartographic/map/profile/world00.pdf. Nakuha noong 2009-06-18. "The designations employed and the presentation of material on this map do not imply the expression of any opinion whatsoever on the part of the Secretariat of the United Nations concerning the legal status of any country" 
  2. Ito ang nasa letterhead ng Permanenteng Misyon ng Pilipinas sa mga Nagkakaisang Bansa.

Lingks palabas[baguhin]