Republikang Tseko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Tseko
Česká republika
Pambansang Kasabihan: "Pravda vítězí" (Tseko)
"Nananaig ang katotohanan"
Pambansang Awit: Kde domov můj? (Tseko)
"Nasaan ang aking tahanan?"

Kinaroroonan ng  Republikang Tseko  (kahel)

– sa lupalop ng Europa  (maputing kahel & puti)
– sa Unyong Europeo  (maputing kahel)  —  [Gabay]

Kabisera Praga, wikang Ingles: Prague, wikang Tseko: Praha
(at pinakamalaking lungsod)
50°05′N 14°28′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Tseko
Pamahalaan republikang parliamentaryo
 -  Pangulo Miloš Zeman
 -  Punong ministro Bohuslav Sobotka
Pagkabuo
 -  Samo´s Realm 623 
 -  Principality of Bohemia 870 
 -  Kaharian ng Bohemya 1198 
 -  Tsekoslobakya Octubre 28, 1918 
 -  Pagkatatag ng Republikang Tseko 1 Enero 1993 
Lawak
 -  Kabuuan 78 866 km2 (116th)
30 450 sq mi 
 -  Katubigan (%) 2
Populasyon
 -  Pagtataya ng 20091 Increase10 476 543 (78th)
 -  Senso ng 2001 10 230 060 
 -  Kakapalan 132/km2 (77th)
341/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $262 169 billion[1] (39th²)
 -  Per capita $25 395[1] (33rd)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $217 077 bilyon[1] (36th)
 -  Per capita $21 027[1] (36th)
Gini (1996) 25.4 (low) (5th)
TKT (2006) Increase0.897 (high) (35th)
Salipi Czech koruna (CZK)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .cz³
Kodigong pantawag +4204
1 31 Disyembre 2008 (See Population changes).
2 Rank based on 2005 IMF data.
3 Also .eu, shared with other European Union member states.
4 Shared code 42 with Slovakia until 1997.

Ang Tsekya (Ingles: Czechia; wikang Tseko: Česko, pinakamalapit na bigkas [ˈt͡ʃɛsko]) / ang Republikang Tseko[kailangan ng sanggunian] (Ingles: Czech Republic; wikang Tseko: Česká republika, pinakamalapit na bigkas [tʃɛskaː ˈrɛpuˌblɪka]) ay isang bansa sa gitnang Europa. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).

Napapaligiran ito ng mga bansang Polonya sa hilaga, Eslobakya sa silangan, Austria sa timog at Alemanya sa hilagang-kanluran. Ang teritoryo ng Republikang Tseko ay sumasaklaw sa 78 866 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 10 milyong mamamayan.

Politika[baguhin]

Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.

Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.

Pagkakahati[baguhin]

Tatlo na estado (historical lands) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani-kaniyang kabisera:

  1. Bohemya, wikang Tseko: Čechy (kabisera Praga)
  2. Morabya, wikang Tseko: Morava (kabisera Brno)
  3. Silesya, wikang Tseko: Slezsko (kabisera Ostrava)

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj (rehiyon), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod:


Rehiyon    Capital Populasyon
(2009)

hlavní město Praha Praga 1 233 211
Středočeský kraj Praga 1 230 691
Jihočeský kraj Budweis 636 328
Plzeňský kraj Pilsen 569 627
Karlovarský kraj Karlovy Vary 308 403
Ústecký kraj Ústí nad Labem 835 891
Liberecký kraj Liberec 437 325
Královéhradecký kraj Hradec Králové 554 520
Pardubický kraj Pardubice 515 185
kraj Vysočina Jihlava 515 411
Jihomoravský kraj Brno 1 147 146
Olomoucký kraj Olomouc 642 137
Zlínský kraj Zlín 591 412
Moravskoslezský kraj Ostrava 1 250 255

Tignan din[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]