Polonya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa isang bansa. Para sa elemento, pumunta sa Polonyo (elemento).
Republika ng Polonya
Rzeczpospolita Polska
Watawat
Pambansang Kasabihan: wala[1]
Pambansang Awit: Mazurek Dąbrowskiego
Kinaroroonan ng  Polonya  (kahel)

– sa lupalop ng Europa  (kamelyo & puti)
– sa Unyong Europeo  (kamelyo)

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Warsaw
52°13′N 21°02′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Polako[2]
Pamahalaan Republikang parlamentaryo
 -  Pangulo Bronisław Komorowski
 -  Punong Ministro Donald Tusk
Pagkabuo
 -  Kristiyanisasyon Abril 14, 966 
 -  Muling ipinahayag Nobyembre 11, 1918 
Lawak
 -  Kabuuan 312,685 km2 [d](ika-69)
120,696.41 sq mi 
 -  Katubigan (%) 3.07
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2010 38,502,396 (2013) [3][4] (ika-34)
 -  Senso ng 2011 38,501,000 
 -  Kakapalan 120/km2 (ika-83)
319.9/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2011
 -  Kabuuan $771.658 bilyon[5] 
 -  Per capita $20,334[5] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2011
 -  Kabuuan $513.821 bilyon[5] 
 -  Per capita $13,540[5] 
TKT (2011) Increase 0.813[6] (napakataas) (ika-39)
Salipi Złoty (PLN)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Internet TLD .pl
Kodigong pantawag 48

Ang Republika ng Polonya[7] (Polako: Rzeczpospolita Polska, Ingles: Republic of Poland) ay isang bansang matatagpuan sa gitnang Europa, sa pagitan ng Alemanya sa kanluran, ang Republikang Tseko at Eslobakya sa timog, Ukranya at Belarus sa silangan, at ng Dagat Baltiko, Litwaniya, at ng Oblast ng Kaliningrad ng Rusya sa hilaga. Ang kabisera at gayundin ang pinakamataong lungsod nito ay ang Warsaw.

Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa Kristiyanisasyon nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 siglo sa pagkatatag ng Komonwelt ng Polonya at Litwaniya hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng Imperyong Ruso, Austria-Unggarya at ang Kaharian ng Prusya noong ika-19 siglo, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, na kilala bilang Ikalawang Republika.

Etimolohiya[baguhin]

Maaaring nagmula ang pangalang "Polonya" sa mga Polano (Polako: Polanie), isang tribong Kanlurang Eslabo. Hindi alam ang etimolohiya nito, pero maaaring nagmula ito sa salitang "pole" (parang):[8] nagsisimula ang mga kaparangan sa mga lupaing Polako mula sa dalampasigan ng Dagat Baltiko hanggang sa paanan ng Carpatos sa timog.

Sa ibang mga wika, nagmula naman ang mga eksonimo para sa Polonya mula sa pangalan ng ibang tribo, ang mga Lekito (Polako: Lechici, Ingles: Lechite).

Maaari ring nagmula ang pangalang "Polonya" sa isang alamat ng mga Hudyo, kung saan naghanap sila ng isang ligtas na lugar kung saan maaari silang manirahan. Narinig nila umano ang salitang Ebreong "po-lin" ("dito kayo magpahinga") mula sa langit, at dito umano nagmula ang pangalan ng bansa.[9]

Politika[baguhin]

Isang demokrasya ang Polonya, ayon sa saligang batas na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang pangulo bilang pinuno ng estado, ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang punong ministro (Polako: premier) bilang pinuno ng pamahalaan, na nakasentro sa Konseho ng mga Ministro bilang gabinete nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.

Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si Bronisław Komorowski, na inihalal noong 2010 makatapos namatay ang nanguna sa kaniya, si Lech Kaczyński, sa pagbagsak ng kaniyang eroplano sa Rusya noong siya'y papunta roon upang ipagdiwang ang masaker sa Katyń. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si Donald Tusk, na itinanghal sa tanggapang ito noong 2007 nang manalo ang kaniyang partido, ang Platapormang Makabayan (Platforma Obywatelska, PO), sa halalan. Inihalal muli ang PO noong 2011, at si Tusk ay ang kauna-unahang Punong Ministro sa kasaysayan ng Polonya na inihalal muli sa puwesto.

May dalawang kapulungan ang Asambleang Pambansa (Zgromadzenie Narodowe), ang tagapagbatas ng Polonya: ang Sejm, na may 460 kinatawan (poseł, literal na "sugo"), at ang Senado, na binubuo ng 100 senador. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.

Talababa[baguhin]

  1. Tingnan din ang mga di-opisyal na pambansang kasabihan ng Polonya.
  2. Ginagamit ang Belaruso, Kasubyo, Aleman, at Ukranyano sa 5 gmina (Litwano). Gayumpaman, hindi sila itinuturing na mga opisyal na wika sa antas pang-estado.
  3. Główny Urząd Statystyczny, dane na dzień 30.06.2013 [1]
  4. "GUS – Population as of 30.06.2010". Stat.gov.pl. http://www.stat.gov.pl/gus/5840_655_ENG_HTML.htm. Hinango noong 26 Mayo 2011. 
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Poland". Pandaigdigang Pondong Pananalapi. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2012/01/weodata/weorept.aspx?pr.x=25&pr.y=3&sy=2009&ey=2012&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=964&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=. Hinango noong 20 Abril 2012. 
  6. "Table 1 – Human Development Index and its components" (sa Ingles). Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao 2010. Human Development Reports. http://hdr.undp.org/en/media/HDR_2010_EN_Table1.pdf. Hinango noong 4 Nobyembre 2010. 
  7. Oficina de Educación Iberoamericana. (1972). "Polonia". Hispanismos en el tagalo (Mga Hispanismo sa Tagalog), pahina 476.
  8. "fr. pal, pele, altd. pal, pael, dn. pael, sw. pale, isl. pall, bre. pal, peul, it. polo, pole, pila, [in:] A dictionary of the Anglo-Saxon languages. Joseph Bosworth. S.275.; planus, plain, flat; from Indo- Germanic pele, flat, to spread, also the root of words like plan, floor, and field. [in:] John Hejduk. Soundings. 1993. p. 399"; "the root pele is the source of the English words "field" and "floor". The root "plak" is the source of the English word "flake" [in:] Loren Edward Meierding. Ace the Verbal on the SAT. 2005. p. 82
  9. The Museum of the History of Polish Jews: Asking, Exploring, Discovering (Ang Museo ng Kasaysayan ng mga Hudyong Polako: Nagtatanong, Naghahanap, Nagtutuklas)