Sining

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang sining, bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa sining biswal, ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito – tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at pagsusupling. Mula sa isang malawak na pagpapalagay, isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging malikhain, na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng agham sa pamamagitan ng alkimiya, at relihiyon sa pamamagitan ng shamanismo.

Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain. Kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at teatro.

Uri ng sining[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang sining ay nahahati sa mga plastikong sining, kung saan ang isang bagay ay ginagawa, at sa isinasagawang sining (nilapat na sining), kung saan ang isang bagay ay ginagawa ng mga tao sa pamamagitan ng pagkilos. Ang isa pang paghahati ay sa pagitan ng dalisay na sining, na ginawa para sa kanilang mga sarili, at ang praktikal na sining, na ginawa para sa isang praktikal na layunin, subalit mayroong masining na nilalaman.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]