Digmaang Malamig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang dating Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan (nasa kaliwa) at ang dating Pangulo ng Unyong Sobyet na si Mikhail Gorbachev.
Flag of the USA Flag of the USSR

Parte ng sa
Digmaang Malamig

Pinagmulan ng Digmaang Malamig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Komprehensyang Digmaan
Silangang Harang
Kurtinang Bakal
Digmaang Malamig (1947–1953)
Digmaang Malamig (1953–1962)
Digmaang Malamig (1962–1979)
Digmaang Malamig (1979–1985)
Digmaang Malamig (1985–1991)

Ang Digmaang Malamig (Ingles: Cold War, Ruso: Холодная война) ay isang digmaan na nangyari pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ang digmaan dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng mga politiko, at tensiyong militar, ang digmaang ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasama ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasama ang mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang Digmaan Malamig ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong si Bernard Baruch[kailangan ng sanggunian] sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.

Ang paghihirap ng Digmaang Malamig ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanan ito ng ideolohiya at tinawag na Digmaang Malamig dahil walang naganap na putukan sa pagitan ng dalawang bansa.

Simula ng Digmaang Malamig[baguhin]

Nabuo ang Digmaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito at sa kabilang panig ang mga pangkat ng mga Bansa sa pamumuno ng Unyong Sobyet. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa. Sa halip, umiral ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa.

Sa simula, nakasentro ang Digmaang ito sa paggamit ng lakas-militar ng Unyong Sobyet at ang pagtatatag ng komunistang pamahalaan sa Silangang Europa. Nagdulot ito ng takot at pangamba sa marami na baka gawing komunista ang Kanlurang Europa pagkatapos makontrol ang Silangang Europa.

Pagkasangkot ng Estados Unidos[baguhin]

Lumawak ang pagkakaiba sa politika ng dalawang panig dahil sa hidwaan sa ideolohiya. Naniniwala ang mga pinunong Marxist-Lennist na wawasakin ng kapitalismo ang sistemang Sobyet. Ang Estados Unidos naman ay may paniniwala at hinala na magpapalawak ng teritoryo at sasakupin ng Union of Soviet Socialist Republic (USSR) ang mundo.

Pagkatapos ng mahabang panahong pagkakaibigan, nag-away ang Estados Unidos At Rusya tungkol sa mga suliranin sa Asya. Nagsimula ang kanilang alitan noong 1917 nang agawin ng mga komunista ang kapangyarihan at itinatag ang Unyong Sobyet at nagpahayag ng digmaang ideolohikal laban sa mga kapitalistang bansa sa kanluran.

Nakialam ang Estados Unidos sa Unyong Sobyet sa pagpapadala ng 10,000 tropa sa pagitan ng 1918 at 1920 at tumanging kilalanin ang bagong Estado hanggang noong 1933. Nagtulong ang dalawang bansa laban sa Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong ika-4 hanggang 11 Pebrero 1945, nagpulong sina Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos. Punong Ministro Winston Churchill ng Britanya at Josef Stalin ng USSR sa dating palasyo ni Czar Nicholas II sa Crimea sa timog dalampasigan ng Black Sea upang pag-usapan ang kapalaran ng daigdig.

Napagkasunduan na mananatili ang impluwensiya ng USSR sa mga pook na sinakop ng Red Army sa Silangang Europa. Bukod doon, mahahati ang Germany sa apat na sona na nasa pangangasiwa ng United Kingdom, United States at France sa kanluran at ang USSR sa silangan. Hinati rin ang Berlin na nasa loob ng sona ng Soviet sa ganitong paraan.

Sakop ng Unyong Sobyet
! Para sa karagdagang impormasyon: Eastern Bloc at Cominform

Nakakapangyari ang Komunismo sa mga pangangasiwa sa East Germany, Romania, Bulgaria, Poland, Czechoslovakia, Hungary, at Albania. Naging komunista na rin ang pamahalaan ng Yugoslavia. Subalit tiniwalag ito ni Stalin noong 1948. Sa bagong Silangang Europa, pinigilan ang lahat ng kontra sa komunismo at nabawasan ang maraming kalayaang tinatamasa ng mga mamamayan. Dito nahati ang Europa at sinimulan ang pagtatayo ng Iron Curtain.

Nagwakas ang pagtutulungan ng United States at USSR sa pagitan ng 1944-1945 nag gamitin ni Stalin ang Red Army upang kontrolin ang Silangang Europa. Tinutulan ni Pangulong Harry S. Truman ang patakaran ni Stalin. Kumilos siya upang pagisahin ang Europa sa pamumuno ng America. Nawalan ng tiwala sa isat-isa ang dalawa nang hindi nila tinupad ang kasunduan sa Digmaan. Hindi sinunod ni Stalin ang pangakong magkakaroon ng Halalan sa Silangang Europa. Hindi naman tinupad ni Pangulong Truman ang pangakong Reparasyon upang itayong muli ang Unyong Sobyet na nasira noong digmaan.

Nagsimula ang labanan ng United States at Unyong Sobyet sa pagkontrol sa Germany at ibang estratehikong lugar tulad ng Dardanelles at ang mga kipot na magkakarugtong sa Black Sea, Dagat Aegean, at Dagat Mediterranean. Noong Marso 1946, ipinahayag ni Pangulong Truman na magbibigay ang United States ng tulong pangkabuhayan at militar sa mga bansa na susuporta sa mga mamamayan na nakikipaglaban sa pagtatangka ng mga armadong minorya na supilin nila. Tinawag ang patakarang ito na Truman Doctrine. Sa taong din ito ginawang popular ng mamamahayag na si Walter Lippman ang terminolohiyang Cold War.

Paglawak ng Digmaan[baguhin]

Noong 1948 inlunsad ang 13 bilyong dolyar na Marshall Plan na naglalayong itayong muli ang kanlurang Europa. sinagot ito ni Stalin sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Europa. Dahil dito, nanganib ang kalagayan ng Kanluranin sa Germany. Kumilos naman si Pangulong Truman at tumulong sa pagtatatag ng alyansang militar, ang North Atlantic Treaty Organization(NATO), at sa pagtatatag ng malayang West Germany. Nang iminungkahi ng mga makakapanalig sa Kanluran ang pagbabago sa pananalapi sa sinakop na Germany, hindi sumangayon ang USSR. Gayunpaman, sinimulan ito ng West Germany sa mga sinakop nilang Sona. Bilang ganti, isinara ng Unyong Sobyet ang lahat ng daanang lupa patungong Kanlurang Berlin noong Hunyo 1948. Subalit nagpadala ang United States at United Kingdom ng mga suplay sa Kanlurang Berlin sa pamamagitan ng eroplano. Nagwakas ito noong Mayo 1948.

Hanggang 1989, tanging Romania, Albania, Yugoslavia lamang ang nakawala sa kamay ng Moscow.Kapag nagtangka ang ibang mga bansa sa silangang Europa na ipatupad ang malayang patakaran, kaagad iginigiit ng USSR ang kanyang sariling patakaran. Dalawang halimbawa nito nang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan ng Hungary noong 1956 at sa Czechoslovakia noong 1968. Nilusob ang mga ito ng militar at noong 1981 ideneklara ang Batas Militar upang masawata ang malayang kalakalang unyon.

Lumawak ang Digmaang Malamig noong 1949-1950 nang pinasabog ng Unyong Sobyet ang kanyang unang Bombang Atomika. Pinaalis ng mga komunista sa China sa pamumuno ni Mao Zedong ang pamahalaang Nasyonalista ni Chiang Kai-shek at nagtatag ng bagong pamahalaan Sila ay nakipagalyansa kay Stalin. Samantala, hindi kinilala ng Estados Unidos ang pamahalaan ni Mao. Sa Japan, pinabilis ang pagunlad ng ekonomiya upang salungatin ang komunismo sa Asya.

Digmaan sa Korea[baguhin]

Para sa detalyadong impormasyon, puntahan ang Digmaan sa Korea

Humantong ang unang bahagi ng Digmaang Malamig sa paglusob ng Hilagang Korea sa Timog Korea noong 26 Hunyo 1950. Dito nasangkot ang Estados Unidos sa Digmaan sa Asya. Nahati ang Korea sa 38th parallel sa dalawa noong 1948. Nagtatag ang bawat panig ng pamahalaan- komunista sa Hilaga at maka-Estados Unidos naman sa Timog. Noong Hunyo 1950, nilusob ng Hilagang Korea ang Timog Korea. Nagpadala ang United Nations ng hukbong sandatahan upang tulungan ang Timog Korea. Tumulong din ang Estados Unidos at lumaban kasapi ng Timog Korea, sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Itinaboy ng magkasanib na pwersa ang mga taga-Hilagang Korea sa hangganan ng China. Dito kumilos kaagad si Mao Zedong.

Gumawa ng surpresang paglusob ang China hanggang maitaboy ang hukbo ng United Nations at maibalik ang lumang hangganan noong 1951. Nagpatuloy pa ang labanan sa loob ng dalawang taon. Nang magbanta ang Estados Unidos ng Sandatang Nuklear, saka lamang nilagdaan ang tigil putukan. Naibalik sa Korea ang dating kalagayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit nagpatuloy ang Digmaang Malamig at pumasok sa bagong anyo. Namatay si Stalin at natapos ang panunungkulan ni Pangulong Truman subalit nagpatuloy ang dalawang panig sa kanilang pakikipaglaban tungkol sa Europa.

Labanan Sa Dalawang Panig[baguhin]

Sinikap ng USSR na bigyan ng proteksiyon ang nababawasang populasyon ng komunistang East Germany sa pamamagitan ng pagtatayo ng Berlin Wall noong 1961. Sinikap din ng bawat panig na maimpluwensiyahan ang mga bagong bansa sa Asya, Africa, Central America, South America at Latin America.

Pag-anib ng Cuba Sa USSR[baguhin]

Nagkaroon ng krisis noong 1962 nang maglagay ang USSR ng mga missile sa Cuba, ang bago nilang kaanib. Nagbanta si Pangulong John F. Kennedy ng ganting nuclear. Inalis ng Sobyet ang mga missile kapalit ng pangako ni Pangulong Kennedy na hindi lulusubin ang Cuba. Humina ang Unyong Sobyet nang humiwalay ang China sa Moscow. Kasabay pa nito ang lumalaking impluwensiya ng Nasyonalismo kaysa Komunismo.

Digmaan Sa Vietnam[baguhin]

Para sa detalyadong impormasyon, puntahan ang Digmaang Biyetnam

Isang NLF activist na inaresto habang nagaganap ang pagatake ng mga Amerikano sa isang base ng Amerika malapit sa Cambodian Border.

Sa kabilang dako, nakipaglaban ang Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam kung saan 57,000 Amerikano ang namatay sa layong mapanatili ang South Vietnam. Nariyan pa ang Estados Unidos sa pangunguna sa ekonomiya na sinundan ng Japan at West Germany.

Mga Estratehiya ng Dalawang Panig[baguhin]

Upang mahirapan ang bawat hamon, gumamit ng mga estratehiya ang Unyong Sobyet at Estados Unidos. Tinawag na Containment ang estratehiya ng Estados Unidos kung saan sinasagot ang pang-aapi o pagpipilit ng Unyong Sobyet saanman ito nagaganap. Gumamit naman ang Kremlin ng estratehiyang pangganti laban sa Containment ng Estados Unidos.

Noong dekada-50, gumamit ng lakas-militar ang Estados Unidos upang mahadlangan ang komunismo. Nagtatag ito ng mga bagong alyansa tulad ng Southeast Asian Treaty Organization(SEATO) at sa Gitnang Silangan, ang Central Treaty Organization(CENTO) at nagbigay ng tulong militar at pangkabuhayan sa anumang bansa na nasa panganib ng paglusong ng pwersang komunismo.

Noong 1956, gumamit ang USSR ng dalawang bagong istratehiya. Ang una ay pangkabuhayan at militar na kompetisyon laban sa Estados Uinidos. Ang pangalawa ay ang paghahati ng mga makapangyarihang bansa sa kanluran sa pamamagitan ng pagpupumilit ng Unyong Sobyet na paalisin ang mga kanluranin sa Berlin. Noong 1955, itinatag ang Kasunduan ng Varsovia bilang kasagutan sa pag-aarmas ng Kanlurang Germany. Dahil dito, nagkaroon ng bagong komprontasyon ang Estados Unidos at USSR. Naging mas mapanganib ang mundo dahil kapwa may mga Sandatang Nuklear ang dalawang panig. Higit na naging mapanganib nang magkaroon ng krisis sa Berlin at Cuba.

Karakterisasyon ng Digmaang Malamig[baguhin]

Sa panahon ng digmaan, kakaiba ang kalagayan ng mundo. Sa dalawang panig, may paulit-ulit at dumarami silang away nagbabantaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paniniktik gamit ang intelligence agencies, elektronikong kasangkapan, matataas na lipad ng eroplano at spacecraft. Naapektuhan din ang mga mamamayan dahil sinisira ang karapatan nila sa pamamagitan ng pahayagan, propaganda, radyo at telebisyon.

Talababa at malayuang pagbabasa[baguhin]

  • Davis, Simon, and Joseph Smith. The A to Z of the Cold War (Scarecrow, 2005), encyclopedia focused on military aspects
  • Friedman, Norman (2007). The Fifty-Year War: Conflict and Strategy in the Cold War. Naval Institute Press. ISBN 1591142873. 
  • Gaddis, John Lewis (1990). Russia, the Soviet Union and the United States. An Interpretative History. McGraw-Hill. ISBN 0075572583. 
  • Gaddis, John Lewis (1997). We Now Know: Rethinking Cold War History. Oxford University Press. ISBN 0198780702. 
  • Gaddis, John Lewis (2005). The Cold War: A New History. Penguin Press. ISBN 1594200629. 
  • Garthoff, Raymond (1994). Détente and Confrontation: American-Soviet Relations from Nixon to Reagan. Brookings Institution Press. ISBN 0815730411. 
  • Haslam, Jonathan. Russia's Cold War: From the October Revolution to the Fall of the Wall (Yale University Press; 2011) 512 pages
  • Hoffman, David E. The Dead Hand: The Untold Story of the Cold War Arms Race and Its Dangerous Legacy (2010)
  • Hopkins, Michael F. "Continuing Debate and New Approaches in Cold War History," Historical Journal, Disyembre 2007, Vol. 50 Issue 4, pp 913–934, historiography
  • Johnston, Gordon. "Revisiting the cultural Cold War," Social History, Agosto 2010, Vol. 35 Issue 3, pp 290–307
  • Lüthi, Lorenz M (2008). The Sino-Soviet split: Cold War in the communist world. Princeton University Press. ISBN 0691135908. 
  • LaFeber, Walter (2002). America, Russia, and the Cold War, 1945-2002. McGraw-Hill. ISBN 0072849037. 
  • Leffler, Melvyn (1992). A Preponderance of Power: National Security, the Truman Administration, and the Cold War. Stanford University Press. ISBN 0804722188. 
  • Leffler, Melvyn P. and Odd Arne Westad, eds. The Cambridge History of the Cold War (3 vol, 2010) 2000pp; new essays by leading scholars
  • Lewkowicz, Nicolas (2010). The German Question and the International Order, 1943-48. Palgrave Macmillan. ISBN 9780230248120. 
  • Lundestad, Geir (2005). East, West, North, South: Major Developments in International Politics since 1945. Oxford University Press. ISBN 1412907489. 
  • McMahon, Robert (2003). The Cold War: A Very Short Introduction. Oxford University Press. ISBN 0192801783. 
  • Lüthi, Lorenz M (2008). The Sino-Soviet split: Cold War in the communist world. Princeton University Press. ISBN 0691135908. 
  • Malkasian, Carter (2001). The Korean War: Essential Histories. Osprey Publishing. ISBN 1841762822. 
  • Mastny, Vojtech. The Cold War and Soviet insecurity: the Stalin years (1996) online edition
  • Fedorov, Alexander (2011). Russian Image on the Western Screen: Trends, Stereotypes, Myths, Illusions. Lambert Academic Publishing,. ISBN 978-3843393300. 
  • Miller, Roger Gene (2000). To Save a City: The Berlin Airlift, 1948-1949. Texas A&M University Press. ISBN 0890969671. 
  • Njolstad, Olav (2004). The Last Decade of the Cold War. Routledge. ISBN 071468371X. 
  • Nolan, Peter (1995). China's Rise, Russia's Fall. St. Martin's Press. ISBN 0312127146. 
  • Pearson, Raymond (1998). The Rise and Fall of the Soviet Empire. Macmillan. ISBN 0312174071. 
  • Plokhy, S.M. (2010). Yalta: The Price of Peace. Penguin?. ISBN 0670021415. 
  • Porter, Bruce; Karsh, Efraim (1984). The USSR in Third World Conflicts: Soviet Arms and Diplomacy in Local Wars. Cambridge University Press. ISBN 0521310644. 
  • Puddington, Arch (2003). Broadcasting Freedom: The Cold War Triumph of Radio Free Europe and Radio Liberty. University Press of Kentucky. ISBN 0813190452. 
  • Roberts, Geoffrey (2006). Stalin's Wars: From World War to Cold War, 1939–1953. Yale University Press. ISBN 0300112041. 
  • Stone, Norman (2010). The Atlantic and Its Enemies: A History of the Cold War. Basic Books Press. ISBN 0465020437. 
  • Taubman, William (2004). Khrushchev: The Man and His Era. W. W. Norton & Company. ISBN 0393324842. ; Pulitzer Prize
  • Tompson‏, William J (1997). Khrushchev: A Political Life. Palgrave Macmillan. ISBN 0312163606. 
  • Tucker, Spencer, ed. Encyclopedia of the Cold War: A Political, Social, and Military History (5 vol. 2008), world coverage
  • Walker, Martin. The Cold War: A History (1995), British perspective
  • Wettig, Gerhard (2008). Stalin and the Cold War in Europe. Rowman & Littlefield. ISBN 0742555429. 
  • Zubok, Vladislav; Pleshakov, Constantine (1996). Inside the Kremlin's Cold War: From Stalin to Khrushchev. Harvard University Press. ISBN 0674455312. 
  • Zubok, Vladislav M. A Failed Empire: The Soviet Union in the Cold War from Stalin to Gorbachev (2008)

Primaryang pinagkuhanan[baguhin]

  • Andrew, Christopher; Mitrokhin, Vasili (2000). The Sword and the Shield: The Mitrokhin Archive and the Secret History of the KGB. Basic Books. ISBN 0585418284. 
  • Dobrynin, Anatoly (2001). In Confidence: Moscow's Ambassador to Six Cold War Presidents. University of Washington Press. ISBN 0295980818. 
  • Hanhimaki, Jussi and Odd Arne Westad, eds. The Cold War: A History in Documents and Eyewitness Accounts (Oxford University Press, 2003). ISBN 0-19-927280-8.
  • Sakwa, Richard (1999). The rise and fall of the Soviet Union, 1917-1991. Routledge. ISBN 0415122902. 
  • Cardona, Luis (2007). Cold War KFA. Routledge. 

Mga kawing panlbas[baguhin]

Arkibo
Bibliyograpiya
Balita
Edukasyonal na pinagkuhanan
Terminolohiya