Komunismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Simbolo ng Sobyet.

Ang komunismo ay isang ideolohiya na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki o height sa gamit ng produksiyon. Maaring isa itong sanga ng kilos sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa iba't ibang tao at kultura. Mga halimbawa ay ang Maoismo, Trotskismo, at Luxemburgismo.

Si Karl Marx ang nagbuo ng isip ng komunismo sa libro niyang Manipestong Komunista na tinapos ng taong 1848.

Sa isang komunistang bansa, hindi pinapayagan ang mga mamamayan na makilahok sa pamamahala. Hindi sila nagtataglay ng mga karapatan at itinuturing silang walang kalayaan. Higit na tinatangkilik ng mga bansang hindi umuunlad ang komunismo. Marahil, naiimpluwensyahan sila ng paniniwalang sa lipunang komunismo, pantay-pantay ang mga tao.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng ilang pagbabago sa kaisipang komunismo, lalo na sa larangang pangkabuhayan at paggawa. Ilan sa mga pagbabagong ito ang pagbibigay ng iba't-ibang pasahod batay sa matratrabaho ng bawat manggagawa at pinapayagan din ang mga tao na magkaroon ng sariling negosyo. Halimbawa, sa Yugoslabya at Unggarya, pinapayagan na ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga propesyonal at ang may-angking kakayahan na magtayo ng mga industriya at negosyo upang magkaroon ng kompetisyon.

Mga katangian ng komunismo[baguhin]

Ang komunismo ay lipunan na walang mga uri, walang pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at walang anumang indibidwal o kolektibong pag-aari. Ang tanging posibleng dulo ng sosyalisasyon ng produksiyon ng kapitalismo ay panlipunang pag-aari, ng buong lipunan, sa mga kagamitan ng produksiyon. Tanging sa pagwasak ng makauring mga prebilihiyo at indibidwal na pag-aari ang makaresolba sa umiiral na mga kontradiksiyon sa pagitan ng panlipunang katangian ng produksiyon at sa kapitalistang kalikasan ng panlipunang mga relasyon.

Ang panlipunang pag-aari na ito ng lahat ng produktibong pwersa at sa mga kagamitan ng produksiyon ay tanging ang proletaryado lamang ang makagagawa: isang pinagsamantalahang uri, na walang pang-ekonomiyang pag-aari, at kumikilos bilang isang produktibong kolektibidad.

Kaya ang komunistang lipunan ay nakabatay sa pagpawi ng kasalatan at sa produksiyon ng pangangailangan ng sangkatauhan. Ang komunismo ay lipunan ng kasaganaan, na magbibigay satispaksiyon sa lahat ng iba't-ibang pangangailangan ng sangkatauhan. Ang antas ng pag-unlad ng produktibong pwersa, ng siyensiya ng tao, teknolohiya at kaalaman, ang magbigay-daan sa emansipasyon ng tao mula sa dominasyon ng bulag na ekonomikong mga pwersa.

Tingnan din[baguhin]