Karl Marx

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Karl Marx
Marx in 1875
Ipinanganak Karl Heinrich Marx
5 Mayo 1818(1818-05-05)
Trier, Kingdom of Prussia
Namatay 14 Marso 1883 (edad 64)
London, United Kingdom
Tirahan Germany, United Kingdom
Nasyonalidad Prussian, German
Panahon 19th-century philosophy
Rehiyon Western Philosophy, German philosophy
Relihiyon Protestantism; later, none (atheist)
Eskwela ng pilosopiya Marxism, Communism, Socialism, Materialism
Mga pangunahing interes Politics, economics, philosophy, sociology, labour, history, class struggle,
Mga kilalang ideya Co-founder of Marxism (with Engels), surplus value, contributions to the labor theory of value, class struggle, alienation and exploitation of the worker, The Communist Manifesto, Das Kapital, materialist conception of history
Lagda

Si Karl Heinrich Marx (Mayo 5, 1818, Trier, AlemanyaMarso 14, 1883, London, Inglatera) ay Prussian-Aleman na pilosopo, ekonomista, sosyologo, historyan, hornalista, at rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga ideya ay gumampan ng isang malaking papel sa pagkakatatag ng mga agham panlipunan at pagkakabuo ng kilusang sosyalista. Itinuturing rin siyang isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa kasaysayan. [4][5][6][7] Siya ay naglimbag ng maraming mga aklat sa kanyang buhay na ang pinakakilala ang Manipestong Komunista (1848) at Capital (1867–1894). Malapit siyang nakipagtrabaho sa kanyang kaibigan at kapwa rebolusyonaryong sosyalistang si Friedrich Engels.[8]

Siya ay ipinanganak sa isang mayamang gitnang-klaseng pamilya sa Trier sa Prussian Rhineland. Siya ay nag-aral sa University of Bonn at University of Berlin kung saan siya naging interesado sa mga ideyang pilosopikal ng mga Batang Hegelian. Noong 1836, siya ay nakipagkasundong magpakasal kay Jenny von Westphalen na kanyang pinakasalan noong 1843. Pagkatapos ng kanyang mga pag-aaral, sumulat siya para sa isang radikal na diyaryo sa Cologone at nagsimulang buoin ang kanyang materyalismong dialektikal. Pagkatapos lumipat sa Paris noong 1842, nagsimula siyang sumulat para sa mga ibang radikal na diyaryo. Kanyang nakilala si Engels sa Paris at silang dalawa ay nagsamang gumawa sa isang serye ng mga aklat. Siya ay ipinatapon sa Brussels at naging isang pangunahing pigura ng Ligang Komunista bago muling bumalik sa Cologone at nagtatag ng kanyang sariling diyaryo. Noong 1849, siya ay muling ipinatapon at lumipat sa London kasama ng kanyang asawa at mga anak. Sa London kung saan ang kanyang pamilya ay naghirap, patuloy na sumulat si Marx at nagpormula ng kanyang teoriya tungkol sa kalikasan ng lipun at kung paano pinaniniwalaang mapapabuti ito. Nangampanya siyap para sa sosyalismo at naging mahalagang pigura sa International Workingmen's Association.

Ang mga teoriya ni Marx tungkol sa lipunan, ekonomika at politika na sama samang nakilala bilang Marxismo ay naniniwalang ang lahat ng mga lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng dialektiko ng pakikibaka ng klase. Ito ang alitan sa pagitan ng klase nag-aari na kumokontrol ng produksiyon at isang mas mababang klase na lumilikha ng paggawa para sa mga kalakal. Siya ay mabigat na bumatikos sa kasalukuyan sa kanyang panahong anyong sosyo-ekonomika ng lipunan na kapitalismo na kanyang tinawag na "diktadurya ng bourgeoisie". Naniwala siyang ang kapitalismo ay pinapatakbo ng mga klaseng mayayaman para sa kanilang kapakinabangan at kanyang hinulaan na tulad ng mga nakaraang sistemang sosyo-ekonomiko, ang kapitalismo ay hindi maiiwasang lilikha ng mga alitang panloob na hahantong sa sarili nitong pagkawasak at pagpapalit ng isang bagong sistema na Sosyalismo. [9] Ikinatwiran niyang sa ilalim ng sosyalismo, ang lipunan ay pamamahalaan ng klaseng manggagawa sa kanyang tinatawag na diktadurya ng proletariat", "estado ng mga manggagawa" o "demokrasiya ng mga manggagawa".[10][11] Naniwala siya na ang sosyalismo ay kalaunan namang papalitan ng lipunang walang estado na lipunang walang klase na tinatawag na komunismo. Kasama ng kanyang paniniwala sa pagiging hindi maiiwasan ng sosyalismo at komunismo, aktibo niyang ipinaglaban ang pagpapatupad ng komunismo na nangatwirang ang mga teoristang panlipuunan at mga taong walang kalamangan sa lipunan ay parehong dapat magsagawa ng mga organisadong rebolusyonaryong aksiyon upang pabagsakin ang kapitalismo at magdulot ng pagbabagong sosyo-ekonomiko.[12]

Ang mga pamahalaang rebolusyonaryong sosyalista na sumusunod sa mga konseptong Marxista ay umakyat sa kapangyarihan sa iba't ibang mga bansa noong ika-20 siglo. Ito ay humantong sa pagkakabuo ng mga gayong estadong sosyalista gaya ng Unyong Sobyet noong 1922 at People's Republic of China noong 1949. Ang maraming mga unyong manggawa at mga partido sa buong mundo ay naimpluwensiyahan rin ng mga ideyang Marxista samantalang ang iba't ibang mga anyong teoretikal nito gaya ng Leninismo, Stalinismo, Trotskyismo, at Maoismo ay nabuo mula sa mga ito. Si Marx ay tipikal na binabanggit kasama nina Émile Durkheim at Max Weber bilang isa sa tatlong mga pangunahing arkitekto ng agham panlipunan. as one of the three principal architects of modern social science.[13] Marx has been described as one of the most influential figures in human history.[14][15]

Samantalang may kumentaryo si Marx sa maraming isyu, pamoso siya sa kanyang pagaanalisa sa kasaysayan lalu na sa labanan ng mga uri. Sinasalamin ang labanang ito sa pambungad na pananalita sa Communist Manifesto : "Ang kasaysayan ng lahat lipunan ay kasaysayan ng labanan ng mga uri."


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Mehring, Franz, Karl Marx: The Story of His Life (Routledge, 2003) pg. 75
  2. John Bellamy Foster. "Marx's Theory of Metabolic Rift: Classical Foundations for Environmental Sociology", American Journal of Sociology, Vol. 105, No. 2 (September 1999), pp. 366-405.
  3. Allen Oakley, Marx's Critique of Political Economy: 1844 to 1860, Routledge, 1984, p. 51.
  4. Roberto Mangabeira Unger. Free Trade Reimagined: The World Division of Labor and the Method of Economics. Princeton: Princeton University Press, 2007.
  5. Hick, The American Economic Review (1974) p. 307-316
  6. Joseph Schumpeter Ten Great Economists: From Marx to Keynes. Volume 26 of Unwin University books. Edition 4, Taylor & Francis Group, 1952 ISBN 0-415-11078-5, 9780415110785
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Karl_Marx_to_John_Maynard_Keynes); $2
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang sep); $2
  9. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang wk); $2
  10. Karl Marx: Critique of the Gotha Program (Marx/Engels Selected Works, Volume Three, pp. 13–30;)
  11. In Letter from Karl Marx to Joseph Weydemeyer (MECW Volume 39, p. 58; )
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Calhoun2002-23-24); $2
  13. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang plato.stanford.edu); $2
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Manchester); $2
  15. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang The_100:_A_Ranking_of_the_Most_Influential_Persons_in_History); $2


PilosopiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.