Mehiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko
Estados Unidos Mexicanos[1][2]  (Español)
Pambansang Awit: "Himno Nacional Mexicano"
Pambansang Awit ng Mehiko
Pambansang tatak:
Tatak ng mga Nagkakaisang Estadong Mehikano Seal of the Government of Mexico.svg
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Lungsod ng Mehiko
19°03′N 99°22′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Espanyol [1]
Kinikilalang rehiyonal na wika 62 Mga Katutubong wika[3]
Pangalang-
turing
Mehikano
Pamahalaan Pederal republikang pampanguluhan (presidential)
 -  Pangulo Enrique Peña Nieto
Batasan Kongreso
 -  Mataas na kapulungan Senado
 -  Mababang kapulungan Kamara ng mga Deputado
Independence mula sa Espanya 
 -  Inihayag 16 Setyembre 1810 
 -  Kinilala 27 Setyembre 1821 
Lawak
 -  Kabuuan 1,972,550 km2 (15th)
761,606 sq mi 
 -  Tubig (%) 2.5
Populasyon
 -  Pagtataya ng Hulyo 2009 111,211,789[4] (Ika-11)
 -  Senso ng 2005 103,263,388 
 -  Kakapalan 55/km2 (142nd)
142/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $1.563 trillion[5] (11th)
 -  Bawat kapita $14,534[6] (Ika-55)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $1.143 trilyon[7] (Ika-13)
 -  Bawat kapita $10,212[8] (Ika-46)
Gini (2008) 46.1[9] (high
TKT (2007) Green Arrow Up Darker.svg 0.854[10] (high) (53rd)
Pananalapi Peso (MXN)
Pook ng oras Official Mexican Timezones (UTC-8 to -6)
 -  Tag-araw (DST) varies (UTC-7 to -5)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .mx
Kodigong pantawag +52

Ang Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko (Kastila: ), na mas kilala bilang Mehiko ay isang bansa sa Hilagang Amerika na hinahanggan sa hilaga ng Estados Unidos ng Amerika at sa timog-silangan ng Guwatemala,Belis at Dagat ng Karibe; at sa silangan ng ng Look ng Mehiko.[11][12] Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat (mahigit 760,000 sq mi),[13] kaya ito ang naging ika-limang pinakamalaking bansa sa Amerika ayon sa kabuuang sukat nito, at ika-14 sa buong mundo. May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito,[14], kaya ito ang ika-11 pinakamataong bansang sa buong mundo, at pinamalaking bansa na nagsasalita ng Espanyol. Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlongpu't isang mga estado at isang Distritong Pederal, ang Lungsod ng Mehiko, na nagsisilbi ding bilang kabiserang lungsod.

Etimolohiya[baguhin]

Larawan ng Mexico-Tenochtitlan mula sa Codex Mendoza

Pagkatapos matamo ng Bagong Espanya ang kalayaan mula sa Espanya, napagpasyahan na ang bagong bansa ay pangalanan ayon sa kabiserang lungsod nito, ang Lungsod ng Mehiko, na naitatag noong 1524 sa taas ng sinaunang kabiserang Aztec ng México-Tenochtitlan. Ang pangalan ay mula sa Wikang Nahuatl, subalit ang kahulugan nito ay hindi batid. Iminumungkahi na ang pangalan ay hango sa Mextli or Mēxihtli, isang lihim na pangalan para sa diyos ng digmaan at tagapagtaguyod ng mga Aztec, na si Huitzilopochtli, na kung saan ang Mēxihco ay nangangahulugang "pook na kung saan si Mēxihtli ay nakatira".[15]

Isa pang teorya ang nagpapahiwatig na ang salitang Mēxihco na nakuha mula sa mētztli ("buwan"), xictli ("pusod", "sentro" o "anak"), at ang mga panlapi -co(lugar), kung saan ang ito ay nangangahulugan na "pook sa gitna ng ang buwan" o "pook sa gitna ng Lawa ng Buwan", sa pagsangguni sa Lawa ng Texcoco.[16] Ang sistema ng magkakadugtong na mga lawa, kung saan ang Texcoco ay nasa gitna, ay may hugis ng isang kuneho, ang parehong imahen na nakita ng mga Aztecs sa buwan. Ang Tenochtitlan ay matatagpuan sa gitna (o pusod) ng lawa (o kuneho / buwan).[16] Subalit isa paring teorya ang nagpapahiwatig na ito ay nagmula sa Mēctli,ang diyosa ng maguey.

Ang pangalan ng lungsod ay naisalin as Kastila bilang México na may ponetikong x sa medyebal na Espanyol, na kinakatawan ng walang tinig na postalveolar fricative /ʃ/. Ang tunog na ito, pati na rin tininigan postalveolar fricative /ʒ/, na kinakatawan ng j, ay nagbago bilang walang tinig na belar fricative na /x/ noong ika-labing anim na dantaon.[17] Ito ang naging dahilan ng paggamit ng iba sa Méjico sa maraming pahayagan sa Espanyol, lalo na sa Espanya, subalit sa Mehiko at sa ibang mga bansang nagsasalit ng Espanyol, México ang kadalasang ginagamit. Sa mga kamakailang mga taon, ang Real Academia Española, na namamahala sa Wikang Espanyol, ay nagsabi na ang dalawang salita ay katanggap tanggap sa wikang Espanyol, ngunit ang normatibo iminumunghkahi pagbaybay ay ang México.[18] Ang karamihan sa mga palimbagan sa lahat ng bansang nagsasalita ng Espanyol ay sumusunod na sa bagong pagbabaybay na ito, subalit ang olternatibong pagbabaybay ay paminsan minsan ding ginagamit.[19]

Ang opisyal na pangalan ng bansa ay nabago kasabay ng pagbabago ng uri ng pamahalaan nito. sa dalawang okasyon (1821–1823 at 1863–1867), ang bansa ay kilala bilang Imperio Mexicano. Ang lahat ng tatlong saligang batas na pederal (1824, 1857 at 1917, ang kasalukuyang saligang batas) ay ginagamit ang pangalang Estados Unidos Mexicanos[20] o ang isa pa nitong pangalan Estados Unidos mexicanos[21] at Estados-Unidos Mexicanos,[22] kung saan lahat ito ay may salin na "Nagkakaisang Estado ng Mehiko". Ang salitang República Mexicana, ay ginamit sa Saligang Batas ng 1836.[23]

Kasaysayan[baguhin]

Bago pa dumating ang mga Europeo, marami nang Katutubong Amerikano ang nakabuo ng kanilang sariling kultura. Ang pinakauna sa lahat ay ang Kultura ng mga Olmec. Sa tangway ng Yucatan, nanirahan naman ang mga Mayan. Ang mga Mayan ay nakatira sa mga lungsod na pinamumunuan ng hari. Ang mga Mayan ay makapangyarihan sa pagitan ng 200 hanggang 900. Isa pang makapangyarihan ay ang mga Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay naging pinakamalaking lungsod noong panahon nila. Pagkatapos ng mga Teotihuacan ang mga Toltec ang naging makapangyarihan. Isang pamosong pinuno ng Toltec at si Quetzalcoatl. Ang kultura ng mga Toltec ay unti-unti rin nawala at napalitan ito ng mga Aztec. Pinangalanan ng mga Aztec ang kanilang Imperyo bilang Mehiko. Isang bantog na pinuno ng Aztec ay si Moctezuma II.

Pagkakahating Administratibo[baguhin]

Mehiko mula sa kalawakan

Ang Nagkakaisang Estadong Mehikano ay isang kalipunan ng 31 malalaya at mga estadong soberanya, na bumuo nang isang unyon na nagbibigay kapangyarihan sa Distritong Pederal, at sa mga teritoryo nito. Ang bawat estado ay may sariling saligang batas at kapulungan ng mga kinatawan, pati sariling hudikatura, at ang mga mamamayan nito ang direktang naghahalal ng kanilang sariling gubernador na maglilingkod ng anim na taon[24]

Ang mga estado ay nahahati din sa mga bayan, ang pinakamaliit na sangay ng pamahalaan sa bansa, na pinamumunuan ng isang alkalde o Presidente municipal, The states are also divided into municipalities, the smallest administrative political entity in the country, governed by a mayor or municipal president (Presidente municipal), na hinahalal ng mayorya ng kanyang nasasakupan[25]

Pagkakahating Administratibo ng Mehiko
Estado Kabisera Estado Kabisera Estado Kabisera Estado Kabisera
Watawat ng Aguascalientes Aguascalientes Aguascalientes Watawat ng Mexico City Federal District Mexico City Watawat ng Morelos Morelos Cuernavaca Watawat ng Sinaloa Sinaloa Culiacán
Watawat ng Baja California Baja California Mexicali Watawat ng Durango Durango Durango Watawat ng Nayarit Nayarit Tepic Watawat ng Sonora Sonora Hermosillo
Watawat ng Baja California Sur Baja California Sur La Paz Watawat ng Guanajuato Guanajuato Guanajuato Watawat ng Nuevo León Nuevo León Monterrey Watawat ng Tabasco Tabasco Villahermosa
Watawat ng Campeche Campeche Campeche Watawat ng Guerrero Guerrero Chilpancingo Watawat ng Oaxaca Oaxaca Oaxaca Watawat ng Tamaulipas Tamaulipas Ciudad Victoria
Watawat ng Chiapas Chiapas Tuxtla Gutiérrez Watawat ng Hidalgo (state) Hidalgo Pachuca Watawat ng Puebla Puebla Puebla Watawat ng Tlaxcala Tlaxcala Tlaxcala
Watawat ng Chihuahua Chihuahua Chihuahua Watawat ng Jalisco Jalisco Guadalajara Watawat ng Querétaro Querétaro Querétaro Watawat ng Veracruz Veracruz Xalapa
Watawat ng Coahuila Coahuila Saltillo Watawat ng State of Mexico Mexico State Toluca Watawat ng Quintana Roo Quintana Roo Chetumal Watawat ng Yucatán Yucatán Mérida
Watawat ng Colima Colima Colima Watawat ng Michoacán Michoacán Morelia Watawat ng San Luis Potosí San Luis Potosí San Luis Potosí Watawat ng Zacatecas Zacatecas Zacatecas

Pamahalaan at Politika[baguhin]

Mehiko

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Mexico



Other countries · Atlas
Politics portal
Ang Pambansang Palasyo, simbolikong luklukan ng Ehekutibo

Ang Nagkakaisang Estado ng Mehiko ay isang pederasyon na ang pamahalaan ay kinakatawan, demokratiko at republikano batay sa sistemang pampanguluhan (presidential) ayon sa konstitusyon ng 1917. Ang konstitusyon ay nagtatatag ng tatlong antas ng pamahalaan: ang unyong pederal, ang mga pamahalaan ng estado, at ang mga pamahalaan ng mga bayan. Ang lahat ng opisyal nang tatlong antas ay inihahalan ng mga botante sa pamamagitan ng paramihan ng boto, representasyong proporsyunal o ang pagtatatalaga ng sa iba ng mga hala na opisyal.

Ang pamahalaang pederal ay hinirang ng Kapangyarihan ng Unyon, ang tatlong magkakahiwalay na sangay ng pamahalaan ay:

Pangbatasan[baguhin]

Legislatura: ang batasan ng Mehiko ay nahahati sa dalawang kapulungan, binubuo ito ng Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan, na gumagawa ng mga batas pederal, nagdedeklara ng digmaan, nagpapataw ng buwis, nagpapasa ng pambansang badget at mga kasunduang panlabas, at nagpapatibay ng mga diplomatikong tipanan.[26]

Tagapagpaganap[baguhin]

Tagapagpaganap: ang Pangulo ng Nagkakaisang Estado ng Mehiko, ay ang pinuno ng estado at pamahalaan, at pati ang commander-in-chief ng sandatahang lakas ng Mehiko. Nagtatalaga din ang Pangulo ng Mehiko ng mga Gabinete at iba pang mga opisyal. Ang pangulo ay responsable sa pagpapairal at pagpapatupad ng mga batas, at may kapangyarihang mag-veto ng mga panukalang batas.[27]

Panghukuman[baguhin]

Panghukuman: Ang Kataastaasang Hukuman ng Katarungan, na binubuo ng labing isang hukom na itinalaga ng Pangulo na pinagtibay ng Senado, ay ang nagpapaliwanag ng mga batas at naghahatol sa mga kasong pampederal. Ang iba pang institusyon ng hudikatura ay ang hukumang elektoral, hukumang pang-unibersidad, unitaryo at mga hukumang pandistrito, at ang Lupon ng mga Hukumang Pederal.[28]

Demograpiya[baguhin]

Ayon sa pinakabagong opisyal na tantiya, nai-ulat na ang populasyon ay nasa 111 milyon, at ang Mehiko ang naging pinakamataong bansa na nagsasalita ng Espanyol sa buong mundo.[29] Malaki ang ibinaba ng taunang pagdami ng populasyon ng Mehiko, mula sa pinakamataas nitong 3.5% noong 1965 hanggang 0.99% noong 2005.

Ang antas ng pagkamatay noong 1970 ay nasa 9.70 bawat isang libo katao, ang antas na ito ay bumaba sa 4.9 sa bawat 1000 lalaki at 3.8 sa bawat 1000 babae. Ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkamatay noong 2001 ay mga problema o sakit sa puso (14.6% sa lalaki 17.6% sa babae) at kanser (11% sa lalaki at 15.8% sa babae).

Ang populasyon ng Mehiko ay papataas na urban, na malapit sa 75% ay naninirahan sa mga kalungsuran. Ang limang pinakamalaking lungsod sa Mehiko ay ang (Greater Mexico City, Greater Guadalajara, Greater Monterrey, Greater Puebla at Greater Toluca), kung saan 30% ng populasyon ng bansa ay nakatira dito.

Relihiyon[baguhin]

Silipin din: Relihiyon sa Mehiko

Walang opisyal na relihiyon ang Mehiko, ang konstitusyon ng 1917 at ang mga batas laban sa klerigo ay nagpapataw ng mga limitasyon sa simbahan. Ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng tulong pananalapi sa simbahan, at hindi rin sumasali ang simbahan sa pampublikong edukasyon.

Ayon sa ulat ng huling senso, ayon sa sariling pagpapalagay, na ang 95% ng populasyon ay mga Kristiyano. 89% ng kabuuang populasyon ay Katoliko Romano,[30] 47% dito ay lingguhan na nagsisimba.[31] Sa kabuuan, ang Mehiko ay ang ikalawang bansang pinakamaraming Katoliko sa buong mundo pagkatapos ng Brazil.[32]

Nasa 6% ng populasyon (mahigit sa 4.4 milyon katao) ay mga Protestante[30], at ang mga Pentecostal at Karismatiko (tinatawag na Neo-Pentecostals sa senso) ang pinakamalaking pangkat (1.37 milyon katao).[30] May mangilan-ngilan ding bilang ng Adbentista ng Ika-pitong Araw (0.6 milyon katao).[33] Ang pambansang senso noong 2000 ay nabilang ang mahigit sa isang milyong mga Saksi ni Jehovah.[30] Ang Simbahan ng mga Mormon ay inihayag na mayroong higit sa isang milyong rehistradong kasapi noong 2009.[34] Nasa 25% ng rehistradong mga kasapi ay nadalo ng lingguhang paglilingkod sa sakramento subalit ito ay maaaring tumaas at bumaba.[35]

Noong 1992, inalis ng Mehiko ang lahat ng restriksiyon sa Simbahang Katoliko at sa ibang relihiyon, kasama na ang pagbibigay sa lahat ng relihiyon ng estadong legal, pagpapayag na sila ay magkaroon ng limitadong karapatang mag-ari, at ang pag-alis sa restriksiyon sa dami ng pari sa bansa.[36] Hanggang kamakailan lang, ang mga pari ay walang karapatang humalal, at hanggang ngayon ay hindi sila maaaring tumakbo sa pamahalaan.

Talasanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Presidency of Mexico - Offical Name of the Country
  2. CIA World Fact Book. See Country Name-Local Long Form under Government. Retrieved 22 Pebrero 2010.
  3. However, the General Law of Linguistic Rights for the Indigenous Peoples recognizes all Amerindian minority languages, along with Spanish, as national languages and equally valid in territories where spoken. The government recognizes 62 indigenous languages, and more variants which are mutually unintelligible.Comisión Nacional para el Desarrollo de los Pueblos Indígenas. CDI. México (Español)
  4. "CIA - The World Factbook - Mexico". Cia.gov. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/mx.html. Hinango noong 2009-11-04. 
  5. C.I.A. World Factbook
  6. "Mexico". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2009/02/weodata/weorept.aspx?sy=2006&ey=2009&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=273&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=&pr.x=27&pr.y=2. Hinango noong 2009-10-01. 
  7. "CIA - The World Factbook - Field Listing :: GDP (official exchange rate)". Cia.gov. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/fields/2195.html. Hinango noong 2009-11-04. 
  8. http://ddp-ext.worldbank.org/ext/DDPQQ/member.do?method=getMembers&userid=1&queryId=135
  9. Human Development Report 2007/2008
  10. Human Development Report 2009. The United Nations. Retrieved 5 Oktubre 2009.
  11. Merriam-Webster's Geographical Dictionary, 3rd ed. Springfield, MA: Merriam-Webster, Inc.; p. 733
  12. "Mexico". The Columbia Encyclopedia, 6th ed. 2001–6. New York: Columbia University Press.
  13. "Mexico — Geography". CIA The World Factbook. CIA. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/mx.html#Geo. Hinango noong 2007-10-03. 
  14. "Mexico — People". CIA The World Factbook. CIA. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/mx.html#People. Hinango noong 2007-10-03. 
  15. Aguilar-Moreno, Manuel (2006). Handbook to Life in the Aztec World. Facts of Life, Inc.. p. 19. ISBN 0-8160-5673-0. 
  16. 16.0 16.1 (Español) "Nombre del Estado de México". ng Gobyerno ng Estado ng Mexico. http://www.edomexico.gob.mx/identidad/civica/htm/NomMexico.htm. Hinango noong 2007-10-03. 
  17. "Evolution of the pronunciation of "x"". Real Academia Española. http://buscon.rae.es/dpdI/SrvltGUIBusDPD?lema=x.  (Español)
  18. "Diccionario Panhispánico de Dudas". Real Academia Española. http://buscon.rae.es/dpdI/SrvltGUIBusDPD?lema=M%E9xico.  (Español)
  19. "Mexico". Online Dictionary. Merriam-Webster. http://www.m-w.com/dictionary/Mexico. 
  20. "El cambio de la denominación de "Estados Unidos Mexicanos" por la de "México" en la Constitución Federal". Ierd.prd.org.mx. http://ierd.prd.org.mx/coy128/hlb.htm. Hinango noong 2009-11-04. 
  21. Federal Constitution of the United Mexican States (1824) Tarton Law Library. Jamail Center for Legal Research
  22. Constitución Mexicana de 1857 (Español)
  23. Leyes Constitucionales de 1836. Cervantes Virtual (Español)
  24. "Article 116". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12. Hinango noong 2007-10-07. 
  25. "Article 115". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12. Hinango noong 2007-10-07. 
  26. "Articles 50 to 79". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12. Hinango noong 2007-10-03. 
  27. "Articles 80 to 93". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12. Hinango noong 2007-10-03. 
  28. "Articles 90 to 107". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12. Hinango noong 2007-10-03. 
  29. "Spanish Language History". Today Translations. http://www.todaytranslations.com/index.asp-Q-Page-E-Spanish-Language-History--13053095. Hinango noong 2007-10-01. 
  30. 30.0 30.1 30.2 30.3 "Religión" (PDF). Censo Nacional de Población y Vivienda 2000. INEGI. 2000. http://www.inegi.gob.mx/prod_serv/contenidos/espanol/bvinegi/productos/censos/poblacion/2000/definitivos/Nal/tabulados/00re01.pdf. Hinango noong 2 Agosto 2009. 
  31. "Church attendance". Study of worldwide rates of religiosity. University of Michigan. 1997. http://www.ns.umich.edu/htdocs/releases/print.php?Releases/1997/Dec97/chr121097a. Hinango noong 2007-01-03. 
  32. "The Largest Catholic Communities". Adherents.com. http://www.adherents.com/largecom/com_romcath.html. Hinango noong 2007-11-10. 
  33. Religious Liberty Thriving, Government Official Tells Adventist Leaders
  34. "Mexico, Country profile". The Church of Jesus Christ of the Latter-Days Saints Newsroom. http://newsroom.lds.org/ldsnewsroom/eng/contact-us/mexico. Hinango noong 2009-04-20. 
  35. Ludlow, Daniel H. (1994). Encyclopedia of Mormonism. pp. 4:1527. 
  36. "Mexico". International Religious Report. U.S. Department of State. 2003. http://www.state.gov/g/drl/rls/irf/2003/24499.htm. Hinango noong 2007-10-04.