Christopher Columbus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Christopher Columbus
Posthumong larawan ni Christopher Columbus na iginuhit ni Ridolfo Ghirlandaio.
Kapanganakan Agosto o Oktubre 25-31 1451
Kamatayan Mayo 20, 1506
sa labas ng Valladolid, Espanya
Kabansaan Henoves
Iba pang pangalan Cristoforo Colombo
Cristóbal Colón
Pagkamamamayan Italya
Pamagat Admiral ng Karagatang Dagat;
Biseroy at Gobernador ng Kaindiyahan (Indies)
Pananampalataya Katolikong Romano
Asawa Filipa Moniz (c. 1476-1485)
Anak Diego
Fernando
Mga kamag-anak Giovanni Pellegrino, Giacomo at Bartolomeo Columbus (mga kapatid na lalaki)

Si Christopher Columbus (1451 - 20 Mayo 1506) (Cristòfor Colom sa Catalan, Cristoforo Colombo sa Italyano, Cristóbal Colón sa Kastila, Cristóvão Colombo sa Portuges) ay pinaniniwalaang mula sa Genoa, bagaman pinaniniwalaan din na mula siya sa ibang lugar, mula sa Imperyo ng Aragon o sa mga Kaharian ng Galicia o Portugal. Isa siyang eksplorador at mangangalakal na tinawid ang Karagatang Atlantiko at nakarating sa Amerika noong 12 Oktubre 1492 sa ilalim ng watawat ng Espanya. Naniwala siyang ang daigdig ay isa lamang maliit na bilog, at tinaya na ang isang barko ay makakarating sa Malayong Silangan kung tatahakin ang pakanlurang direksiyon.

Ang malawakang paniniwala na kinalaban ni Columbus ang ideya na ang daigdig ay patag ay isa lamang kathang isip ni Washington Irving. Sa katotohanan, maraming nang tao noong panahon niya ang naniniwalang bilog ang mundo. Ngunit ang tunay na debate ay kung maaari nga bang maglayag palibot sa buong mundo nang hindi nauubusan ng rasyong pagkain o maligaw sa mga lugar na walang hangin. Bagaman hindi siya ang unang nakarating sa Amerika, ang kanyang eksplorasyon ang nagtatag ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga Luma at Bagong Mundo.



KasaysayanItalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.