Karapatang pantao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Magna Carta o "Dakilang Kasulatan" ay isa sa mga unang dokumento ng Inglatera na naglalaman ng mga pangako ng isang namumuno sa kaniyang mga mamamayan para igalang ang mga partikular na karapatang legal.

Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao."[1][2] Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampolitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon.

Tingnan din[baguhin]

Ang Panukalang Batas ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas.[1] Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog (pagbabago) sa Konstitusyon ng Estados Unidos, na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya (sumasagot o nangangako) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita, pagpupulong, at pagsamba. Isa pang halimbawa ay ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689, na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon (pagkatanggal sa tungkulin) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon (pagtatalaga sa tungkulin o trono) nina William at Mary ng Inglatera, na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante, at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Salin mula sa Ingles na: "basic rights and freedoms to which all humans are entitled."
  2. Houghton Miffin Company (2006)


Mga kawing panlabas[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.