Malasya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Malaysia)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Malaysia
Pambansang Kasabihan: 
Bersekutu Bertambah Mutu
(Malay: “Ang Pagkakaisa ay Kalakasan”)
Pambansang Awit: Negaraku(Bayan Ko) official_languages = Bahasa Malaysia (Malay)
      Malaysia sa       ASEAN
Kabisera Kuala Lumpur[a]

Putrajaya (Sentrong administratibo)
Pinakamalaking lungsod Kuala Lumpur
Pamahalaan Monarkiyang konstitusyonal
 -  Tanging tagapangulo Tuanku Mizan Zainal Abidin
 -  Punong Ministro Najib Tun Razak
Kalayaan
 -  Mula sa Pinag-isang Kaharian (lamang Malaya) 31 Agosto 1957[1] 
 -  Kalipunan (may Sabah, Sarawak at Singaporeb) 16 Setyembre 1963[2] 
Lawak
 -  Kabuuan 329,750 km2 (Ika-64)
127,287 sq mi 
 -  Tubig (%) 0.3%
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2010 27,565,821 (Ika-46)
 -  Kakapalan 83.57/km2 (Di-alam)
216.45/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2003
 -  Kabuuan US$271.2 bilyon (Ika-33)
 -  Bawat kapita US$10,544 (Di-alam ang ranggo)
TKT (2003) 0.796 (high) (61st)
Pananalapi Ringgit ng Malaysia (RM)
Pook ng oras UTC +8
Internet TLD .my
Kodigong pantawag 60 c
a  Kasalukuyang lumilipat ang pederal na pamahalaan sa bagong-tayong Putrajaya.

b  Singapore ay naging isang malayang bansa sa 9 Agosto 1965.[3]

c  020 mula sa Singapore

Ang Unyon ng Malasya /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2.[4][5] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon.[5] Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[5] Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at sa Pilipinas.[5] Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[5] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[6][7] Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.[8]

Etimolohiya[baguhin]

Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapore, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[1] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuying ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[9] Minsan rin inisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[10] Ang iba pang pangalang naisip noon 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na matatagpuan sa hilagagn bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[11]

Dibisyong Pampolitika[baguhin]

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Selangor, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

Demograpiya[baguhin]

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[12] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ay ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[12]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantala ang mga Indiyan ay nasa 8% [12]. Karamihan sa mga Indiyan ay Tamil.

Relihiyon[baguhin]

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[12] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[12]

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[13] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[14][15] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay limitado lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Mga palabas na kawing[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Ang UK batas Batas ng Database: Akto pagsasarili pederasyon ng Malaya 1957(c. 60)
  2. "No.10760: Kasunduan na may kaugnayan sa Malaysia" (pdf). United Nations Treaty Collection. United Nations. July 1963. http://untreaty.un.org/unts/1_60000/21/36/00041791.pdf. Nakuha noong 2010-07-29. 
  3. Kasaping estado mga Nagkakaisang Bansa
  4. Article 1. Constitution of Malaysia.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 CIA. The World Fact Book: Malaysia. Retrieved 9 Disyembre 2006.
  6. Article 33. Constitution of Malaysia.
  7. Article 43. Constitution of Malaysia.
  8. Ang Federation of International Trade Associations. General Information of Malaysia. Retrieved 7 Disyembre 2007.
  9. The New Student's Reference Work. 1914.
  10. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  11. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 "Population and Housing Census" Press statement , Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)
  13. Artikulo 160 (2). Saligang Batas ng Malaysia.
  14. Inter Press Service: Temple Demolitions Spell Creeping Islamisation. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)
  15. BBC : Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)