Bhutan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Butan)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kaharian ng Butan
འབྲུག་ཡུལ
Druk Yul
Pambansang Kasabihan: Isang Bansa, Isang Sambayanan
Pambansang Awit: Druk tsendhen
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Thimphu
28°28′N 89°35′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Dzongkha
Pamahalaan Wagas na monarkiya
 -  Hari Jigme Khesar Namgyel Wangchuck
 -  Punong Ministro Tshering Tobgay
Pagkabuo
 -  Dinastiyang Wangchuk 12 Disyembre 1907 
Lawak
 -  Kabuuan 47,500 km2 (ika-130)
18,340 sq mi 
 -  Katubigan (%) negligible
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 2,232,291 (pinagtatalunan)[1] (ika-139)
 -  Senso ng 2005 672,425 
 -  Kakapalan 45/km2 (ika-123)
117/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $2.913 bilyon (ika-162)
 -  Bawat kapita $3,330 (ika-124)
TKT (2003) 0.536 (medium) (ika-134th)
Pananalapi Ngultrum (BTN)
Pook ng oras BTT (UTC+6:00)
Internet TLD .bt
Kodigong pantawag 975
Bhutan topo en.jpg

Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng Himalaya, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng cypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.

Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.

Kawil[baguhin]

Tala[baguhin]

  1. Ang populasyon ng Bhutan ayon sa sensus ng Pamahalaan ng Bhutan ay 734,320 (2003) [1]. Ang taya ng populasyon sa CIA Factbook ay 2,232,291 kahit na itinatakda rin nito na may pagtatayang kasimbaba ng 810,000. [2]. Ang pagtataya ng United Nations ay 2,163,000 (2005). Hindi naka-dokumento ang pamamaraang ginamit sa pagtataya ng populasyon ng CIA o ng United Nations, sa kabilang panig, nagbigay ng detalyadong bilang ng populasyon ang pamahalaan ng Bhutan hanggang sa antas ng gewog. Noong Hunyo 2005, isang sensus ang ginawa at ang pinakahuling bilang ng populasyon na binanggit ng pamahalaan batay sa sensus ay 672,425. Ang detalyadong pagkakahati ng impormasyon ay makikita sa sumusunod na websayt http://www.bhutancensus.gov.bt. Ang mga ranggo ay nakabatay sa CIA Factbook.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.