Timog Asya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Timog Asya
Location of South Asia
Mga Bansa 7 hanggang 10 (see text)
Mga Teritoryo 0, 1, o 2 (see text)
GDP (Nominal) $1.854 trilyon (2009)
GDP per capita (Nominal) $1,079 (2009)
Mga Wika Assamese/Asomiya, Balochi, Bengali, Bodo, Burmese, Dari,[1] Dhivehi, Dogri, Dzongkha, Ingles, Gujarati, Hindi, Hindko, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayalam, Marathi, Manipuri, Nepali, Oriya, Pahari, Pashto, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Sinhala, Saraiki, Tamil, Telugu, Tibetan, Urdu, at iba pa
Time Zones UTC +6:30 (Burma) to UTC +3:30 (Iran)
Mga malalaking lungsod Ahmedabad, Amritsar, Bangalore, Chittagong, Chennai, Cochin, Colombo, Delhi, Dhaka, Faisalabad, Hyderabad, Hyderabad, Islamabad, Jaipur, Kanpur, Karachi, Kathmandu, Kolkata, Kozhikode, Lahore, Lhasa, Lucknow, Malé, Multan, Mumbai, Patna, Peshawar, Pune, Quetta, Rawalpindi, Sukkur, Surat, Thimpu, Thiruvanathapuram, Visakhapatnam and Yangon
██ Timog Asya ██ Katimogang Asya(UN subregion), kasama sa taas

Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyong ng kontinenteng Asya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang Indiyano sa timog, at sa kalupaan, nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.

Iba iba ang mga pahayag ng iba't ibang mga sanggunian kung aling mga bansa ang bahagi ng rehiyon. Halimbawa, ayon sa kaurian ng rehiyong heograpikal ng UN,[2] Binubuo ang Katimugang Asya ng mga bansang Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Subalit, binanggit ng UN ang "pagtatalaga ng mga bansa o lugar sa pagpapangkat na ito ay para sa kaayusang estatistikal at hindi nagpapakahulugan nang anumang palagay pampolitika o iba pagkakaugnay ng mga bansa o teritoryo."[3] Sa ibang katuringan, ang ibang mga bansa ay hindi bahagi ng rehiyon, at sa iba pang katuringan, ang Burma at Tibet ay ibinibilang din sa rehiyon.

Ang pangunahing relihiyon ang Hinduismo. Tinatawag ding "Land of Mysticism" dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga relihiyon at mga pilosopiyang umusbong dito. Umusbong din dito ang mga relihiyong Buddhism, Jainism at Sikhism.

Mga sanggunian[baguhin]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.