Rebolusyong Industriyal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang makinang sumisingaw na Watt, ang makinang sumisingaw na pangunahing ginagatungan ng uling na nagbunsod sa F sa Britanya at sa buong mundo.[1]

Ang industriyalisasyon, rebolusyong industriyal, rebolusyong pang-industriya, himagsikang pang-industriya, o himagsikang industriyal ay isang prosesong nangyayari sa ilang mga lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang lipunan kung saan ito nagaganap. Habang nangyayari ang industriyalisasyon, ang pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong bahagi ng proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas mainam na teknolohiya, nagiging maaaring makagawa ng mas maraming mabubuting mga daladalahin sa loob ng mas maiksing dami ng panahon. Mas maraming magagawang produktong bagay ang isang tao. Mas nakakagawa rin ng mas maraming natatanging mga bagay ang tao.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Rebolusyong Industriyal ay isang panahon noong huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo nang nagkaroon ng marubdob na epekto sa sosyo-ekonomika at pang-kulturang katayuan sa Britanya ang malaking pagbabago sa agrikultura, paggawa ng produkto, pagmimina, at transportasyon. Lumaganap sa kalaunan ang mga pagbabagong ito sa Europa, Hilagang Amerika at sa buong mundo. Nagtatak ng isang malaking pag-inog sa lipunan ng tao ang pagdating ng Rebolusyong Industriyal; halos naimpluwensiyahan ang lahat ng aspeto ng buhay sa ilang paraan, mula sa manwal na paggawa at ekonomiyang nakabatay sa paghila ng mga hayop patungo sa paggawa ng produkto sa makina. Nagsimula ito sa mekanisasyon ng industriya ng tela, ang pagsulong ng mga kaparaanan sa paggawa ng bakal at ang pagdagdag ng gamit ng pinong uling. Pinahintulutan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kanal ang paglawak ng kalakalan. Nasuporthan ang dramatikong pagtaas ng kakayahan ng produksiyon ng pagpapakilala ng makinang sumisingaw na pangunahing ginagatungan ng uling, malawak na paggamit ng lagumba (water wheel) at makinarya binigyan ng lakas (pangunahin sa paggawa ng tela).[2] Ang pagsulong ng makinang kagamitan na lahat-metal noong unang dalawang dekada ng ika-19 na siglo ang nagpadali sa paggawa ng mas marami pang makinang pang-produksiyon para sa paggawa ng produkto sa ibang industriya. Lumaganap ito sa Kanlurang Europa at Hilagang Amerika noong ika-19 na siglo, at naapektuhan sa kalaunan ang karamihan ng mundo. Napakalaki ang epekto nito sa pagababago ng lipunan.[3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Larawan ng makinang sumisingaw na Watt: matatagpuan sa bulwagan sa Paaralang Teknika Superyor ng mga Inhinyerong Industriyal ng UPM (Madrid)
  2. Negosyo at Ekonomika. Leading Issues in Economic Development, Oxford University Press US. ISBN 0-19-511589-9 Read it
  3. Russell Brown, Lester. Eco-Economy, James & James / Earthscan. ISBN 1-85383-904-3 Basahin ito



Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.