Brunei

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Brunay)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Brunei Darussalam
Negara Brunei Darussalam (Malay latin)
نڬارا بروني دارالسلام (Jawi)
Pambansang Kasabihan: Padron:Vunblist
Pambansang Awit: Padron:Vunblist
Kinaroroonan ng  Brunei  (pula)

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Bandar Seri Begawan
4°53.417′N 114°56.533′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Malay[a]
Kinikilala Ingles[b]
Iba pang mga wika[1][2]
Pangkat etniko (2004[3]) Padron:Vunblist
Pangalang-
turing
Bruneian
Pamahalaan Unitary Islamic absolute
monarchy
 -  Sultan Hassanal Bolkiah
 -  Crown Prince Al-Muhtadee Billah
Lehislatura Legislative Council
Formation
 -  Sultanate 1368 
 -  British protectorate 1888 
 -  Independence from
the United Kingdom
1 January 1984 
Lawak
 -  Kabuuan 5,765 km2 (172nd)
2,226 sq mi 
 -  Katubigan (%) 8.6
Populasyon
 -  Pagtataya ng Jul 2013[4] 415,717[4] (175th)
 -  Kakapalan 67.3/km2 (134th)
174.4/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2012
 -  Kabuuan $21.907 billion[5] 
 -  Bawat kapita $50,440[5] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2012
 -  Kabuuan $17.092 billion[5] 
 -  Bawat kapita $39,355[5] 
TKT (2013) 0.852 (30th)
Pananalapi Brunei dollar (BND)
Pook ng oras BDT (UTC+8)
Nagmamaneho sa kaliwa
Internet TLD .bn[6]
Kodigong pantawag +673[c]

Ang Brunei Darusalam (Malay:Brunei Darussalam), opisyal na taguri ay Bayan ng Brunei, Tahanan ng Kapayapaan (Malay: Negara Brunei Darussalam, Jawi: برني دارالسلام), ay isang bansa na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia, maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan sa Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay magkahiwalay sa dalawa na hinati ng Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.

Ang Brunei. ay natitirang pinakamakapangyarihang Kasultanan, ay nakatamtan ang kasarinlan mula sa Nagkakaisang Kaharian noong 1 Enero 1984.

Kasaysayan[baguhin]


Ang Brunei ay dating pinakamakapangyarihan sultanato noong ikalabing apat hanggang ikalabing anim na siglo.[7] Ang kaharian nito ay dating sumasakop sa mga rehiyong baybayin ng kasalukyang Sarawak at Sabah, ang arkipelago ng Sulu, at ang mga malalapit na mga pulo sa hilagang kanlurang bahagi ng Borneo. Ang impluwensiyang Europeo ang nagdulot sa paghina ng kapangyarihang rehiyonal nito. Hindi naglaon, may naganap na maikling digmaan sa pagitan nila at ng Espanya, kung saan nasakop ang kabisera ng Brunei. Hindi nagtagal nagwagi ang Sultanato subalit nawala ang mga nasasakupan nito at napunta sa Espanya. Ang paghina ng Emperyong Brunei ay nagwakas noong ikalabing siyam na siglo kung saan karamihan sa mga sakop nito ay natalo mula sa mga Puting Raha ng Sarawak, na nagdulot sa kasalukuyang maliit at magkahiwalay na lupain. Ang Brunei ay dating protectorate ng Nagkakaisang Kaharian mula 1888 hanggang 1984. Sinakop ng Hapon ang Brunei noong 1941 hanggang 1945 noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

May naganap na maliit na paghihimagsik laban sa monarkiya noong dekada '60, na pinigilan ng Nagkakaisang Kaharian. Ang kaganapan na ito ay nakilala bilang Pag-aaklas sa Brunei at nakadulot ng bahagya sa pagbagsak ng pagbubuo ng Kalipunan ng Hilagang Borneo. Nakaapekto rin ang pag-aalsa sa desisyon ng Brunei upang hindi sumali sa Kalipunang Malaysiano at naging unang yugto ng Paghaharap Indonesia-Malaysia.

Politika at Pamahalaan[baguhin]


Ang Kasultanan ng Brunei ay natagpuan ni Sharif Ali ng Hejadz na nakapangasawa ng katutubong prinsesang taga-Brunei. Dinala niya ang pananampalatayang Islam at nagpatayo ng maraming moske sa Brunei. si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, na ang titulo ay napasa sa loob na iisang dinastiya simula pa noong ikalabing limang siglo, ay ang pinuno ng bansa at ng pamahalaan ng Brunei. Ang Sultan ay pinapayuhan ng ilang mga lupon at ng mga kalihim ng mga ministro kahit na siya pa ang pinakamakapangyarhing namumuno. Ang media ay labis na maka-pamahalaan at ang mag-anak ng Sultan ay labis na ginagalang buong kabansaan. Ang Brunei ay isang dalisay na monarkiya at ang Sultan ay may dalisay na kapangyarihan. Walang inihahalal na kinatawan ng tagapagbatas. Noong Setyembre 2004, Ang Sultan ay bumuo ng mga itinalagang Batasan o Parliyamento na hindi natamasa simula pa noong kalayaan nito noong 1984, subalit ito ay walang kakayahang payuhan ang monarkiya.

Samahang Pandaigdig at Brunei[baguhin]

Ang Brunei ay kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa Commonwealth of Nations, ASEAN, APEC at Samahan ng Kapulungan Islamiko.

Mga Gusot Teritoryal[baguhin]

Ang Brunei ay inaangkin ang Sarawak gaya ng Limbang, at isa sa mga bansang naglabas ng pag-aangkin sa pinag-aagawang Kapuluan ng Spratly. Ang ilang mga pulo na matatagpuan sa pagitan ng Brunei at Labuan, kasama na ang Pulo ng Kuraman, ay patuloy pa ring pinag-aagawan ng Brunei at Malaysia. Ang Limbang ay patuloy pa ring pinagtatalunan at paksa ng kasalukuyang usapan sa pagitan ng Brunei at Malaysia.

Mga Distrito at mga mukim[baguhin]

Mga Distrito ng Brunei

Ang Brunei ay nahahati sa apat na mga distrito o daerah:

Ang mga distrito ay hinati pa sa tatlumpu't walong mga mukin

Heograpiya[baguhin]

Bx-map - 2.png

Ang Brunei Darussalam ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na bahagi ng lupa na may kabuuang sukat na 5,766 km. parisukat (2,226 mi. parisukat). 97% ng populasayon ay nakatira sa malaking kanlurang bahagi ng bansa, samantalang nasa 10,000 ang nakatira sa mabundok na bahagi sa silangan (Distrito ng Temburong). Ang kabuuang populasyon ng ng Brunei Darrusalam ay nasa 400,000 kung saan nasa 130,000 ang nakatira sa kabisera, ang Bandar Seri Begawan. Ang iba pang mga pangunahing mga baya ay ang bayang daungan ng Muara, Seria, at ang kalapit na bayan niyo na Kuala Belait. Sa Distrito ng Belait, ang bahagi ng Panaga ay tirahan ng malaking bilang ng mga migrante dahil sa Royal Dutch Shell at sa pabahay at libangang kagamitan para sa Sandatahang Ingles. Ang tanyag na Panaga Club ay matatagpuan sa lugar. Ang Liwasang Jerudong, na sikat na liwasang panlibangan, ay matatagpuan sa kanluran ng kabisera.

Klima

Ang Brunei Darussalam ay may klimang ekwatoryal. Ang karaniwan na taunang temperatura ay 27.1 °C (80.8 °F), na may karaniwang temperatura sa Abril-Mayo na 27.7 °C (81.9 °F) at may average na 26.8 °C (80.2 °F) tuwing Oktubre-Disyembre


Buwan Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Taon
Average Taas (°C)
27.8
27.8
29.2
29.1
29.5
28.1
28.4
28.3
28.0
27.5
27.4
28.0
27.9
Average Baba (°C)
25.1
26.0
26.5
26.9
26.9
26.7
26.1
26.3
26.3
26.1
26.2
25.6
26.5
Average Pag-Ulan (mm) 277.7 138.3 113.0 200.3 239.0 214.2 228.8 215.8 257.7 319.9 329.4 343.5
2873.9

Pangangalangang Pangkalusugan[baguhin]

Tinitiyak ng Brunei na ang lahat ng kanyang mga mamamayan ay may libreng pangangalagang pangkalusugan, na binibigay sa pamamagitan ng mga pampublikong mga pagamutan. Ang pinakamalaking pagamutan sa Brunei ay ang Pagamutang Raja Isteri Pengiran Anak Saleha, na kilala ring bilang Pagamutang RIPAS.

Mayroon ding mga pagamutang pribado, ang Sentrong Medikal ng Liwasang Jerudong.

Hanggang noong 2008, wala pang isang pagamutan sa Brunei ang sumailalim sa akreditasyon pang-internasyunal.

Sa kasalukuyan wala pang paaralang medikal sa Brunei, at ang mga taga-Brunei na nais mag-aral at maging manggagamot ay kailang mag-aral sa mga pamantasan sa ibang bansa.

Transportasyon[baguhin]

Ang Brunei ay maaaring lakbayin mapalakbay dagat o lupa. Ang pangunahing daanan ay nakatalag sa kabuuan ng Brunei ay ang Pan Borneo Highway, na isang proyektong kaanib ang Malaysia. Maliban sa Pan Borneo Highway, ang Brunei ay maaaring marating sa pamamagitan ng Paliparang Pandaigdig ng Brunei.

Mga Lahi[baguhin]

  • Malay 66.3%,
  • Intsik 11.2%,
  • Katutubo 3.4%,
  • Iba pa 19.1% (2004 est.)[8]

Demograpiya[baguhin]

Ang Moske ng Sultan Omar Ali Saifuddin sa Bandar Seri Begawan.
Silipin din: Islam in Brunei at Buddhism in Brunei

Ang 66.3% ng populasyon ay nagmula sa lahing Malay at matagal na pinangungunahan ang ekonomiya ng bansa, 11.2% ay mula sa lahing Intsik, 3.4% ay mga katutubo at 19.1% ay mula sa ibang lahi. Ang opisyal na wika ng bansa ay ang Wikang Malay (Malay: Bahasa Melayu), subalit ang mga kakaunting mga Instik ay nagsasalita ng Wikang Intsik. Ang Wikang Ingles ay sinasalita ng karamihan at may kalakihan din ang bilang ng mga pamayanan ng dumarayong Briton at Amerikano.

Ang Islam ay ang opisyal na relihiyon ng Brunei na may 67%, at ang sultan ang pinuno ng relihiyon sa bansa. Ang ibang paniniwala na mayroon ay ang Budhismo 13% (na karamihan ay Intsik), 10% Kristiyano, at sa mga maliliit na mga pamayanan ay mga relihiyong katutubo.

Kultura[baguhin]

Ang kalinangan ng Brunei ay halos Malay, na may malalim na impluwensiya mula sa Islam, at mas nakikitang mas makaluma kaysa sa Malaysia.[9]

Ang kultura ay naimpuwensiyahan din ng demograpiya ng bansa: 2/3 ng populasyon ay Malay, at ang nalalabi ay binubuo ng mga Intsik, Indiyano, at mga katutubong Malay.

Ang Brunei ay may malaking bilang ng mga banyagang mga manggagawa, na kinabibilangan ng mga taga-Indonesia at mga Pilipino, taga-Thailand, Bangladesh, at mga Amerikano at Briton na nagtatrabaho sa sektor ng industriya at edukasyon.

Mga Sanggunian[baguhin]

Bibliograpiya[baguhin]

  • Padron:Factbook
  • U.S. Department of State website (2003)
  • L. W. W. Gudgeon, British North Borneo, Adam and Charles Black: London, 1913.

Mga kawing panlabas[baguhin]

Government
General information
Travel