Dagat Pula

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Dagat Pula (Ingles: Red Sea) ay unang tumukoy sa serye o sunud-sunod na mga lawa at latiang nasa pagitan ng ulo ng Gulpo ng Suez at ng Mediteraneo, ang rehiyong malawakang itinuturing bilang pook o sityo ng mga kaganapan nilalarawan sa kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo ng Lumang Tipan sa Bibliya. Ginamit din ito dati bilang designasyon o katawagan para sa mismong Gulpo ng Suez, at maging para sa Gulpo ng Aqaba.[1]

Isa ang Dagat na Pula sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Itim, ang Dagat Puti, at ang Dagat Dilaw.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. American Bible Society. (2009). "Red Sea, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York., pahina 134.


HeograpiyaBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.