Australya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Komonwelt ng Australya (Commonwealth of Australia)
Pambansang Kasabihan: wala (dati'y Advance Australia)
Pambansang Awit: Advance Australia Fair
Kabisera Canberra
35°15′S 149°28′E / 35.25°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 35.25; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Sydney
Opisyal na wika English (de facto)1
Pamahalaan Monarkiyang konstitusyonal
 -  Reyna Elizabeth II
 -  Gobernador-Heneral Quentin Bryce
 -  Punong Ministro Tony Abbott
Kalayaan mula sa United Kingdom 
 -  Saligang-batas Enero 1, 1901 
 -  Kautusan ng Westminster Disyembre 11, 1931 
 -  Batas Australia Marso 1, 1986 
Lawak
 -  Kabuuan 7,686,850 km2 (6th)
2,967,909 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1
Populasyon
 -  Pagtataya ng September 2005 20,406,800 (52nd)
 -  Senso ng 2001 18,972,350 
 -  Kakapalan 2/km2 (191st)
5.2/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2006
 -  Kabuuan $674.97 billion (16th)
 -  Bawat kapita $32,686 (13th)
TKT (2003) 0.955 (high) (3rd)
Pananalapi Dolyar Australyano (AUD)
Pook ng oras iba't-ibang lugar ng Australia2 (UTC+8–+10)
 -  Tag-araw (DST) iba't-ibang lugar ng Australia2 (UTC+8–+11)
Internet TLD .au
Kodigong pantawag 61
1Ang wikang Ingles ay wala pa sa uring opisyal na de jure (source)
2May mga maliit na pagkakaiba mula sa tatlong nabanggit na timezones.

Ang Komonwelt ng Australya o Australya[1][2] (Kastila: Aus·tra·lia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australya ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australya ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, ang Solomon Islands at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australya ay pinaninirahan ng mga katutubong Australyano, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australya ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australya ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australya ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australya ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australya sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australya ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Australiya, Australia". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Panganiban, Jose Villa.. (1969). "Australiya, Australia". Concise English-Tagalog Dictionary.

Mga panlabas na kawing[baguhin]


Australya Ang lathalaing ito na tungkol sa Australya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.



Mga bansa sa Oceania
OceaniaAustralia.png Awstralya : Awstralya · Pulo ng Norfolk
Melanesia.png Melanesia : Pidyi · Bagong Caledonia · Papua New Guinea · Solomon Islands · Silangang Timor · Banwatu
Micronesia.png Micronesia : Guam · Kiribati · Marshall Islands · Northern Mariana Islands · Federated States of Micronesia · Nauru · Palau
OceaniaPolynesia.png Polynesia : American Samoa · Cook Islands · French Polynesia · New Zealand · Niue · Pitcairn · Samoa · Tokelau · Tonga · Tuvalu · Wallis at Futuna