New Zealand

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang watawat ng New Zealand.

Ang New Zealand o Bagong Selanda (Kastila: Nueva Zelanda[1] na nagmula sa salitang Olandes na Nova Zeelandia o Aotearoa Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island, Māori: Te Ika-a-Māui) at Timog Pulo (Ingles: South Island, Māori: Te Wai Pounamu) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang Bagong Selanda ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang Bagong Selanda sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Bagong Selanda ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Māori na Polinesyo at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.

Pinanggalingan ng salitang "Bagong Selanda"[baguhin]

Ang salitang "Bagong Selanda" ay galing sa wikang Olandes. Tinawag itong "Nove Zeelandia", pero iningles ito ni James Cook, isang kilalang eksplorador na bumisita sa Bagong Selanda noong 1769. Bagamat ito ang kalimitang ginagamit na pangalan ng bansang ito, may iba namang pangalan ang mga katutubo doon para sa bansa nila.

Kasaysayan[baguhin]

Ang unang mga tao na dumating sa Bagong Selanda ay mga Polynesian na ngayon ay tinatawag na Māori. 'Di tiyak ang maraming mga detalye ng kanilang pagdating. Bagamat may mga kuwento ang mga Māori tungkol dito, hindi masisigurado na tunay ang mga ito. Ayon sa mga Māori, ang ninuno nilang si Kupe ay naglakbay mula sa Hawaiiki hanggang nakarating siya sa Bagong Selanda. Ang unang ekspedisyon ng mga Europeo na nakarating sa Bagong Selanda ay pinangunahan ng taga-Olanda na si Abel Tasman. Pumunta siya doon noong taong 1642. Ang ilan sa mga kasama niya ay pinatay ng mga Māori, kaya bumalik sina tasman sa Olanda. Ang susunod na European na pumunta sa Bagong Selanda ay si Capitan James Cook, na dumaan doon noong paglalakbay niya noong 1768-1771. Gumawa si Cook ng mga maayos na mapa ng Bagong Selanda. Pagkatapos niya, dumami ang mga taga-Europa na pumunta doon. Ang karamihan sa kanila ay mga manghuhuli ng balyena at seal, at mga mangangalakal. Susunod na dumating ang mga misyonero. Maraming mga Māori ay tumalikod sa kanilang tradisyonal na pananampalataya at naging mga Kristyano.

Habang dumadami ang mga lumilipat sa Bagong Selanda mula sa Europa, natakot ang mga Māori. Ang iba sa mga Pakeha, o puting taga-Bagong Selanda ay gumagawa ng mga masasamang bagay. Gusto ng mga Māori na pangasiwaan ng reyna ng Inglatera ang mga Pakeha para maparusahan ang mga masasama. Natatakot naman ang mga taga-Inglatera na kukunin ng Pransiya ang Bagong Selanda. Noong 6 Pebrero 1840, pinirmahan ng mga Māori ang Treaty (o usapan) ng Waitangi. Ayon sa usapang ito, mamumuno ang Inglatera sa Bagong Selanda. Ngunit may mga problema ang salin ng usapang ito, at hanggang ngayon ay kontrobersiyal pa ang usapang ito.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Real Academia Española, Diccionario panhispánico de dudas, Nueva Zelanda



Mga bansa sa Oceania
OceaniaAustralia.png Awstralya : Awstralya · Pulo ng Norfolk
Melanesia.png Melanesia : Pidyi · Bagong Caledonia · Papua New Guinea · Solomon Islands · Silangang Timor · Banwatu
Micronesia.png Micronesia : Guam · Kiribati · Marshall Islands · Northern Mariana Islands · Federated States of Micronesia · Nauru · Palau
OceaniaPolynesia.png Polynesia : American Samoa · Cook Islands · French Polynesia · New Zealand · Niue · Pitcairn · Samoa · Tokelau · Tonga · Tuvalu · Wallis at Futuna