Ho Chi Minh

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Hồ Chí Minh (Pagbigkas sa Biyetnames[hô̤ tɕǐmɪɲ]  (Speaker Icon.svg listen)), ipinanganak bilang Nguyễn Sinh Cung at kilala rin bilang Nguyễn Ái Quốc (19 Mayo 1890 – 2 Setyembre 1969), sa Kimlein, Annam , ay isang komunistang manghihimagsik na Biyetnames at politikong naging punong ministro (1946–1955) at pangulo (1945–1969) ng Demokratikong Republika ng Biyetnam (Hilagang Biyetnam).

Galing siya sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ama, si Nguyen Sinh Sac, ay isang guro at tagapaglingkod at si Hoang Thi Loan, ang kanyang ina, ay namantay naman noong siya ay labing-isang taong gulang. Pagkatapos mag-aral sa Vinh at Quoc College sa Hué, si Ho ay nagturo sa isang pribadong eskwelahan sa Phan Thiet, sa Timog Annam. Ang kanyang pag-iisip ay nag-umpisa noong 1911, noong napagdesisyunan niyang umalis sa French Indo-China (Vietnam). Siya ay pumunta sa Saigon at nagging katukong sa kusina sa isang French passenger liner na Amiral Latouche-Treville. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa London (1915 – 1917) at Paris (1917 – 1923) bilang kusinero at iba pa. Siya rin ay nagpunta sa United States. Ang kanyang pamphlet, “La Race Noire”, na naipublish sa Moscow noong 1924, ay pinaniniwalaang ito ay base sa kanyang mga karanasan sa pagbyahe noong 1914 – 1916. Pinaniniwalaan ding pansamantala siyang tumira sa Harlem. (sorry kulang yung part na ito kasi hindi ko na alam yung buhay niya tapos nito)

Pinamunuan ni Hồ ang kilusang pangkasarinlang Viet Minh mula 1941 pasulong, na naglunsad ng Demokratikong Republik ang Biyetnam na pinamamahalaan ng mga komunista noong 1945 at nakatalo sa Unyong Pranses noong 1954 sa Labanan sa Dien Bien Phu. Nawalan siya ng kapangyarihang pampolitika sa loob ng Hilagang Biyetnam noong kahulihan ng dekada ng 1950, subalit nanatili bilang pinakanakikitang sinasagisag na pangulo hanggang sa kanyang kamatayan. Pagkaraan ng Pagbagsak ng Saigon, binago o muling pinangalanan ang dating kabisera ng Timog Biyetnam, Saigon na naging Lungsod ng Hồ Chí Minh bilang parangal sa kanya.



TalambuhayBiyetnamPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Biyetnam at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.