Pantalan ng Maynila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daungan ng Maynila)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isa sa mga daungan ng Lungsod ng Maynila.

Ang Pantalan ng Maynila, o Pier ng Maynila ay ang pinakamalaki at pangunahing pantalan ng Pilipinas na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila. Ito ang pangunahing sanhi ng ekonomiya ng Maynila, na sinundan ng Ermita at Malate, na mas kilala bilang poblasyon ng Maynila. Dito matatagpuan ang mga pinagmamalaking puerto ng kalakhang Maynila. Ang mga galing lalawigan at ang mga dayuhan na bumabiyahe gamit ang mga barko ay dumadaong sa puertong ito. Bilang pangunahing puerto ng Pilipinas, inaangat ng puerto ang mga negosyong panindustriya sa bansa.

Ang puerto ay ang bumabagsak sa ika-35 na puwesto na pinaka-okyupadong puerto ng daigdig.

Bilang distrito[baguhin]

Mga barko sa daungan sa katimugang panig.
Puerto ng Maynila

Ang lokasyon ng Pier ng Maynila

Lungsod Maynila
Kinatawan Benjamin Asilo
Populasyon (2007) 48, 684
 – Kapal ng populasyon 15,441.4
Lawak 606,740
 – Mga Barangay 5
 – Distritong pambatas: Unang distrito

Ang puerto, hindi lamang pang-industriyal at pang-negosyo ay isa na ring distrito kung saan ang karamihan ng sinasakupan ay mula sa alubyal ng look ng Maynila. Kilala ito bilang "Port Area". Ito ay maitituring na isang distrito na may natatanging mga katangian. Ang puerto ay may lawak na 606,740 kuwadrado kada metro. May populasyong itong 48,684[1] ayon sa pamahalaan. May limang barangay ang distrito kung saan ang karamihan ay naninirahan sa barangay 649 at ang mga tao nito ang unang bumabati sa mga dayuhan pagdaung sa pier.

Barangay Populasyon (2007)[1]
649 42,249
650 3,555
651 2,533
652 174
653 173

Ang puertong ito ay nasasakupan ng Tondo pero kalaunan ay ginawa rin bilang isang distrito. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng Tondo. Industriyal na maituturing ang puerto sa dami ng negosyong maaring pagkakitaan ng karamihan. Ito lang ang natatanging distrito ng lungsod na walang pamilihang bayan o simbahan.

Sipian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 "Final Results - 2007 Census of Population [Resulta - Populasyon ng Pilipinas ng 2007]" (sa Ingles) (HTML). Government of the Philippines. Pilipinas: The Philippine Government. Abril 2008. Archived from the original noong Abril 2008. http://www.census.gov.ph/data/census2007/index.html. Hinango noong Hulyo 21 2009. "Total Population and Annual Population Growth Rates by Region: Population Censuses 1995, 2000, and 2007"