Pamantayang Oras ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pamantayang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Standard Time, dinadaglat bilang PST) o, sa paraang 'di-opisyal, ang Oras ng Pilipinas (Ingles: Philippine Time, dinadaglat bilang PHT), ay ang pangalang ginagamit sa Pilipinas upang mailarawan ang lokasyon nito sa mga sona ng oras ng daigdig. Ang modernong Pamantayang Oras ng Pilipinas ay itinatag sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 8, ang batas na nagbibigay-katuturan sa sistemang metriko, na inapruba noong Disyembre 2, 1978 at ipinatupad noong Enero 1, 1983.

Sa heograpiya, nakalagay ang Pilipinas sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' kanluran ng Punong Meridyano (Prime Meridian), at dahil dito, nasa loob ito ng UTC+8 na sona ng oras. Pinapanatili ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas, o PAGASA, ang Pamantayang Oras ng Pilipinas.

Noong dekada '90, dahil sa madalas na kawalan ng kuryente, ipinatupad ang oras ng tag-init (summer time o daylight saving time). Habang patuloy na gumaganda ang kalagayan ng mga sistemang pantransmisyon at pansuplay ng kuryente, pinawalang-bisa ang oras ng tag-init, at kasalukuyang hindi ito ginagamit.

Pormat ng petsa at oras[baguhin | baguhin ang batayan]

Petsa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ingles: 11th April 2015 at April 11, 2015
  • Kastiia:
  • Filipino: ika-11 Abril 2015 at Abril 11, 2015 (Ikalabing-isa ng Abril dalawanlibo't labinlima)

Oras[baguhin | baguhin ang batayan]

Oras Ingles Kastila Filipino
1.00-11.59 Morning Umaga
12.00-12.59 Noon Tanghali
1.00-5.59 Afternoon Hapon
6.00-11.59 Evening/Night Gabi
12.00-12.59 Midnight Hatingabi
Oras Ingles Kastila Filipino
01.00 am One o'clock morning Una de la mañana Ika-isa ng umaga
07.00 pm Seven o'clock night Siete de la noche Ikapito ng gabi
01.15 Quarter past one
Fifteen past one
Forty-five to two
Una y cuarto Kapat makalipas ikaisa
Labinlima makalipas ikaisa
Apatnapu't-lima bago mag-ikaisa
02.30 Half past two
Thirty past two
Dos y media Kalahati makalipas ikalawa
Tatlumpu makalipas ikalawa
03.45 Three-quarter past three
Forty-five past three
Fifteen to four
Tres y cuarenta y cinco Tatlong-kapat makalipas ikatlo
Apatnapu't-lima makalipas ikatlo
Labinlima bago mag-ikaapat
04.25 Twenty-five past four
Thirty-five to five
Cuatro y veinticinco Dalawampu't-lima makalipas ikaapat
Tatlumpu't-lima bago mag-ikaapat
05.35 Thirty-five past five
Twenty-five to six
Cinco y treinta y cinco Tatlumpu't-lima makalipas ikalima
Dalawampu't-lima bago mag-ikaanim

Silipin din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.