Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
Buod ng ahensiya
Binuo 8 Disyembre 1972
Pumalit na ahensiya Kawanihan ng Panahon
Nasasakupan The Philippine Area of Responsibility (PAR)
Punong-tanggapan Science Garden Complex, Daang Agham, Diliman, Lungsod Quezon
Tagapagpaganap ng ahensiya Dr. Nathaniel T. Servando, Tagapangasiwa
Pinanggalingang ahensiya Department of Science and Technology
Websayt
http://www.pagasa.dost.gov.ph

Ang Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (Ingles: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pinaikli bilang PAGASA) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na linikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya, astronomikal at iba pang impormasyon at serbisyo na ang layunin ay ang maproteksiyonan ang buhay at ari-arian at para suportahan ang paglago at patuloy na pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Binuo ang pangasiwaan noong 8 Disyembre 1972 sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 78 (Presidential Decree No. 78), na nagsaayos ng Kawanihan ng Panahon (Weather Bureau) upang maging PAGASA.[1]

Kasaysayan[baguhin]

Nagsimula ang pag-obserba pang-meteorolohikal sa Pilipinas noong ika-1 ng Enero 1865, sa ilalim ng Observatorio Meteorológico del Ateneo Municipal de Manila, na pinapangasiwaan ng mga Paring Heswita na tinatawag na ngayong Manila Observatory sa Pamantasang Ateneo ng Maynila. Noong Abril 28, 1884, nagpalabas ng utos si Haring Alfonso XII na kumikilala sa obserbatoryo bilang isang opisyal na institusyon ng pamahalaang kolonyang Kastila sa Pilipinas.

Sa simula ng ika-20 dantaon, ang mga obserbatoryong pangmeteorolohikal ay inilipat mula sa Simbahang Katolika patungo sa pamahalaang kolonyang Amerikano.

Inilabas Pangulong Ferdinand Marcos ang Atas ng Pangulo Bld. 78 na magbubuo ng sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at isinama ang paglilingkod meteorolohikal at astronomikal na obserbatoryo sa ilalim ng iisang tanggapan. Ang atas ay kinapapalooban din ng paglipat nito sa ilalim ng saklaw ng Kagawaran ng Pambansang Tanggulan. Noong ika-2 ng Hunyo 1977, sinusog ng Atas ng Pangulo 1149 ang orihinal na tsarter ng PAGASA na nagsasama ang pagtatatag ng Typhoon Moderation Research and Development Office (TMRDO) at ng National Flood Forecasting Office (NFFO). Noong ika-18 ng Setyembre 1984, inilipat ang PAGASA sa ilalim ng saklay ng Ministro ng Pambansang Tanggulan patungo sa National Science and Technology Authority (NSTA).

Ang PAGASA ay nagbabantay sa mga namumuong sama ng panahon at nagbibigay ng babala para sa mga bagyo. Ang mga sumusunod na coordinates ay ang hangganan na sakop ng PAGASA.

25°N 120°E, 25°N 135°E, 5°N 135°E, 5°N 115°E, 15°N 115°E, 21°N 120°E at bumalik sa umpisa.[2]

Ang PAGASA ay naglalabas ng kanilang ulat bawat anim na oras sa lahat ng bagyo para sa mga lugar na maaaring maapektuhan nito at tuwing ika-labingdalawang oras naman kung walang bagyo makakaapekto sa Pilipinas. Noong ika-27 ng Agosto 2007, sinabi ng PAGASA na ang pangasiwaan ay maglalagay ng tornado warning system, pagkatapos ng sunod-sunod na malalakas at mapaminsalang buhawi ang sumira ng mga kabahayan sa Gitnang Luzon. Nagbigay din ng babala ang PAGASA sa mga nakatira sa Kanlurang bahagi ng Luzon na asahan ang pagdating ng iba pang buhawi simula Hulyo hanggang Setyembre dahil sa hindi wastong weather patterns at pagbabago sa klima. Noong 23 Agosto 2007, ang pangalawang buhawi ay sinira ang tatlumpung (30) kabahayan sa apat na lugar sa San Miguel, Bulacan, ang una ay sinira ang dalawampung-pito (27) sa San Rafael noong 8 Agosto 2007.[3]

Ang Lugar na Responsibilidad ng Pilipinas (PAR) ay isang babala para sa mga bagyo na papasok dito

References[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]