Lungsod Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod Quezon
—  Lungsod  —

Watawat

Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod Quezon
Lungsod Quezon is located in Philippines
Lungsod Quezon
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°38′N 121°2′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 14°38′N 121°2′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Lalawigan
Distrito Una hanggang pang-anim na Distrito ng Lungsod Quezon
Mga barangay 142
Pagkatatag 12 Oktubre 1939
Ganap na Lungsod 12 Oktubre 1939
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Herbert Bautista (Liberal)
Lawak
 • Kabuuan 166.2 km2 (64.2 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 2,761,720
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1100 (CPO)
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 137404000
Website www.quezoncity.gov.ph

Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.

Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.

Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.

Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago malikha ang Lungsod Quezon, ito ay binubuo ng mga maliliit na bayan, tulad ng San Francisco del Monte, Novaliches, at Balintawak. Noong 23 Agosto 1896, ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio ay nagsimula ng himagsikan laban sa Espanya sa tirahan ni Melchora Aquino sa Pugad Lawin (ngayon ay Bahay Toro at Project 8). Noong unang kalahati ng ikadalawampung siglo, pinangarap ni Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang bagong kapital ng bansa, papalitan nito ang Maynila na siyang kasalukuyan noong panahong iyon, at tirahan sa maraming manggagawa. Pinaniniwalaan na ang nauna niyang pagbisita sa bansang Mexico ay ang nag-impluwensiya sa pangarap na ito.

Noong 1938, nilikha ni Pangulong Quezon ang People's Homesite Corporation at bumili ng 15.29 km2 lupa mula sa lupain ng pamilya Tuason. Ipinasa ng Pambansang Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Commonwealth Act 502 na kilala bilang "Charter ng Lungsod Quezon" na noong una ay inimungkahing Lungsod ng Balintawak. Matagumpay na namungkahi nina Narcisco Ramos at Ramon Mitra, Sr. na maipangalan ang naturang lungsod sa kasalukuyang pangulo ng panahong iyon. Pinahintulutan ni Pangulong Quezon na maipasa ang naturang bill upang maging batas ng wala ang kanyang pirma noong 12 Oktubre 1939, at dito naitatag ang Lungsod Quezon.

Matapos ang digmaan, ang Republic Act No. 333 na kung saan naayos ang mga hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Kalookan ay pinirmahan ni Pangulong Elpidio noong 17 Hulyo 1948. Isinasaad din nito na ang nasabing lungsod ang magiging bagong kapital ng bansa at ang lawak nito ay 156.60 km2. Ang Baesa, Talipapa, San Bartolome, Pasong Tamo, Novaliches Poblacion, Banlat, Kabuyao, Pugad Lawin, Bagbag, at Pasong Putik na dating mga bahagi ng Novaliches ay may lawak na 8, 100 hektarya, ay kinuha mula sa Lungsod ng Kalookan at ibinigay sa Lungsod Quezon. Ito ang dahilan kung bakit nahati ang Lungsod na Kalookan sa dalawa - ang katimugang hati ay urbanisado at ang hilagang bahagi ay sub-rural. Noong 16 Hunyo 1950, binago ang Charter ng Lungsod Quezon ng Republic Act 537, kung saan nabago ang lawak ng siyudad sa 153.59 km2.

Eksaktong 6 na taon ang dumaan, noong 16 Hunyo 1956, marami pang binago sa lawak ng siyudad, ang Republic Act No. 1575 na nagbago sa lawak ng siyudad sa 151.06 km2. Nakasaad sa website ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na ang lawak ng lungsod ay 161.12 km2. Noong 1 Oktubre 1975, idinaos sa Lungsod Quezon ang "Thrilla in Manila" na laban nina Muhammad Ali, Jr. at Joe Frazier. Sa Presidential Decree No. 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos, nalikha ang Kalakhang Maynila (Metro Manila).

Ang Lungsod Quezon ay naging isa sa 17 lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila. Nang sumunod na taon, ibinalik sa Lungsod ng Maynila ang pagiging kapital ng bansa mula sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 940. Noong 31 Marso 1978, inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na ilipat ang mga labi ni Pangulong Manuel L. Quezon mula sa Manila North Cemetery papunta sa bagung-tayong Quezon Memorial Monument na napapalibutan ng Quezon Elliptical Road, Manuel L. Quezon monument, at ang City Hall. Noong 22 Pebrero 1986, ang bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue na nasa Lungsod Quezon ay ang lugar kung saan naganap ang mapayapang People Power Revolution Noong 23 Pebrero 1998, pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 8535. Isinasaad ng naturang batas na magkakaroon ng isang Lungsod ng Novaliches na binubuo ng 15 pinaka-hilagang mga barangay ng Lungsod Quezon. Ngunit sa sumunod sa plebesito noong 23 Oktubre 1999, mayorya ng mga nakatira sa lungsod ang tumutol sa paghiwalay sa Novaliches. Ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ang unang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na may kompyuterisadong paraan sa pagsisiyasat sa real estate at sa sistema ng pagbabayad nito. Nagdevelop ng sistemang database ang pamahalaang siyudad na ngayon ay may nasa 400, 000 property units na may kakayahan na itala ang mga bayad.

1939 Masterplan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1938, itinulak ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga plano para sa isang bagong lungsod kapital. Sumisikip na sa Maynila at ang mga tagapayong pangmilitar ni Pangulong Quezon ay nagsasabi na ang Maynila, na nasa tabi ng isang look, ay isang madaling target para bombahin ng barkong pandigma kung sakaling atakihin at ang mga posibilidad ay mataas noong mga taon bago ay giyera.

Wala sa isip ng mga tagapayo ni Pangulong Quezon ang posibilidad ng mga atake mula sa ere. Gayunman, itinulak pa rin ni Quezon ang ideyang magtayo ng kapital, 15 km mula sa Look ng Maynila (malayo para sa mga baril pandagat). Kinontak niya si William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto at planner, na siya ring konsultant na arkitekto mula pa sa simula ng okupasyon ng mga Amerikano sa bansa. Sinimulan ni Parsons ang plano at tumulong sa pagpili sa Diliman (Tuason) Estate bilang lugar para sa bagong lungsod. Sa kasamaang-palad, namatay si Parsons nang sumunod na taon. Ang partner niyang si Harry Frost ang nagtuloy ng plano. Nakipagtulungan si Frost kina Juan Arellano, Engr. E. D. Williams, at Arkitektong Panlandscape at Planner na si Louis Croft para gumawa ng isang grand master plan para sa bagong kabisera, ang Lungsod Quezon.

Inaprubahan ang plano ng mga Pilipinong awtoridad noong 1941. Sa kalagitnaan ng siyudad ay isang 400-ektaryang parke, halos kasing-laki ng Central Park ng New York at tinutukoy ng North, South (Timog), East, at West Avenues. Sa isang panulukan ng inimungkahing Diliman Quadrangle ang pinlanong ilagay ang isang 25-ektaryang lote. Dito ilalagay ang isang malaking gusaling kapitolyo parang sa Lehislaturang Pilipino at mababang mga istruktura para sa mga tanggapan ng mga kongresista. Sa magkabilang panulukan ay pinlanong itayo - ang bagong Palasyo ng Malacañan at ang gusali ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay sa wakas mailalagay na sa tabi ng isa't isa.

Topograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang siyudad ay nakapwesto sa itaas ng Talampas ng Guadalupe na isang medyo mataas na talampas sa hilagang-silangang bahagi ng siyudad - sa pagitan ng mga mababang lupain ng Maynila sa timog-kanluran at sa Lambak ng Marikina sa silangan. Sa katimugag bahagi matatagpuan ang makitid na Ilog San Juan at ang mga tributaryo nito sa Ilog Pasig, habang sa hilaga naman ng siyudad matatagpuan ang makitid ring Tullahan River.

Ang Lungsod Quezon ay hinahangganan ng Lungsod ng Maynila sa timog-kanluran, mga Lungsod ng Kalookan at Valenzuela sa kanluran at hilagang-kanluran. Sa timog naman ay ang mga Lungsod ng San Juan at Mandaluyong. Samantala, mga Lungsod ng Marikina at Pasig ang humahanggan sa Lungsod Quezon sa timog-silangan. Sa hilaga naman, sa kabila ng Ilog Marilao ay ang Lungsod ng San Jose del Monte sa probinsiya ng Bulacan at sa silangan ay ang mga bayan ng Rodriguez at San Mateo, parehong nasa probinsiya ng Rizal.

Nahahati ang siyudad sa ilang mga pook. Ang katimugang bahagi ng siyudad ay nahahati sa Diliman, Commonwealth, ang mga Project, Cubao, Kamias, Kamuning, New Manila, San Francisco del Monte, at Santa Mesa Heights. Ang hilagang bahagi ng siyudad ay ang Fairview at Lagro, ngunit kadalasan ay tinatawag itong Novaliches. Karamhian sa mga pook na ito ay walang nakatukoy na hangganan at sa kalikasan ay pamahayan (residential).

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Cubao matatagpuan ang sentrong pangkalakalan (commercial) ng lungsod kung saan makikita ang Aurora Tower at mga shopping mall. Isang langkap na panlibangang parke ang Fiesta Carnival na napalitan na ng isang sangay ng Shopwise, isang lokal na pamilihan. Makikita rin dito ang Araneta Coliseum, na isang kilalang lugar na pinagdadausan ng mga consyerto at laro.

Sa Quezon City rin matatagpuan ang punung-tanggapan ng mga malalaking estasyon ng telebisyon, tulad ng TV 5, ABS-CBN, GMA Network, GEM TV, UNTV, Net 25, PTV, RPN, at IBC.

Ang Tomas Morato Ave. at Timog Ave. ay kilala sa pagkakaroon ng mga hile-hilera ng mga restawran samantala ang Banawe Ave. ay kilala bilang "Autoparts Capital of the Philippines" dahil dito matatagpuan ang malakas na konsentrasyon ng mga tindahan ng mga bahagi at aksesoryas ng mga kotse at tirahan din sa mga kumpol ng mga awtentikong restawrang Tsino bukod sa Binondo.

Komunikasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang komunikasyong sistema ng Lungsod Quezon ay pinalakas ng PLDT, Globe Telecom, BayanTel, at iba pa. Ang networking selyular sa Pilipinas, patikular sa mga lugar metropolitano, ay bumibilis sa pagbilis kasama ang mababang halaga ng mga tawag at text messaging. Ilan sa mga malalaking kompanya na kumokontrol sa mga network selyular sa Pilipinas at sa Lungsod Quezon mismo ay ang Globe Telecom, Smart Telecommunications (PLDT), at Sun Cellular mula sa Digitel.

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Makikita sa lungsod ang ilan sa mga malalaking edukasyonal na mga institusyon. Dalawa sa mga pinakakilala rito ay ang Ateneo de Manila University at Unibersidad ng Pilipinas.