Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
UP logotype.png
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Unibersidad ng Pilipinas.png

The Centennial Logo of UP
Sawikain Honor and Excellence
Itinatag noong 1908 (system)
1949 (campus)
Uri National University
Kansilyer Dr. Sergio S. Cao
Pangulo Dr. Emerlinda R. Roman
Mag-aaral 22,148
Lokasyon Quezon City, Metro Manila, Philippines
Kampus 493 hectares
Hymn "U.P. Naming Mahal"
Nickname UP Fighting Maroons
Mascot U.P. Oblation
Apilasyon ASAIHL
UAAP
Websayt www.upd.edu.ph

Ang Unibersidad ng Pilipinas, Diliman o UP Diliman ay ang pangunahing yunit ng Unibersidad ng Pilipinas Sistema na matatagpuan sa Diliman, Lungsod Quezon. Ito rin ang pinakaunang kampo, upuan ng administrasyon, at pinakamalaking himpilan ng Unibersidad[1] na nagbibigay ng pinakamaraming kurso: Sining liberal, Agham panlipunan, Agham, Pagbabatas, Ekonomiks, Agham pangkalikasan, Inhinyeriya, Musika, at Sining biswal.Sa lahat ng pamantasan sa Pilipinas, ang UP Diliman ang nag-aalok ng pinakamaraming kursong di-gradwado at pang-gradwado.

Ang UP Diliman ay may programang ekstensiyon sa Olongapo at sa Pampanga.

Pamunuan[baguhin]

Ang Unibersidad ng Pilipinas Sistema ay pinangangasiwaan ng UP Lupon ng mga Rehente (UP Board of Regents) na siyang may pinakamataas na kapangyarihang pagpapasya sa lahat ng pamantasang UP. Ang kampus sa Diliman ay pinamumunuan ng Tsanselor at mga Bise-Tsanselor sa iba't iba namang mga opisina. Si Dr. Sergio S. Cao, ang kasalukuyang Tsanselor ng kampus ng Diliman ay iniluklok ng Lupon ng mga Rehente noong Pebrero 24, 2005 at inaasahang magtatapos hanggang Marso 2011 alinsunod sa pagkamit ng ikalawang termino noong Marso 1, 2005.

Sa kabuuan, ang pamantasan ay binubuo ng mga kolehiyo, na siyang opisyal na nagkakaloob ng mga digring akademiko[2]:

  • UP Kolehiyo ng Administrasyong Pangkalakalan
  • UP Pambansang Kolehiyo ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala
  • UP Kolehiyo ng Agham
  • UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
  • UP Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon
  • UP Programa sa Araling Arkeolohiko
  • UP Linangan ng Araling Islamiko
  • UP Kolehiyo ng Arkitektura
  • UP Kolehiyo ng Arte at Literatura
  • UP Sentrong Asyano
  • UP Kolehiyo ng Batas
  • UP Kolehiyo ng Edukasyon
  • UP Paaralan sa Ekonomiks
  • UP Kolehiyo ng Ekonomiyang Pantahanan
  • UP Paaralan ng Estadistika
  • UP Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
  • UP Kolehiyo ng Inhinyeriya
  • UP Kolehiyo ng Kinetikang Pantao
  • UP Linangan ng Maliliit na Industriya
  • UP Kolehiyo ng Musika
  • UP Paaralan ng Paggawa at Ugnayan sa Industriya
  • UP Paaralan ng Pagpaplanong Pang-urban at Panrehiyon
  • UP Sentro ng Pamamahala sa Teknolohiya
  • UP Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon
  • UP Kolehiyo ng Sining Biswal
  • UP Linangan ng Turismo sa Asya

Sanggunian[baguhin]

  1. Ang Unibersidad ay tutukoy sa Unibersidad ng Pilipinas Sistema
  2. UPD Glosaring Pang-Administrasyon

Mga Kawing Panlabas[baguhin]