Unibersidad ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
UP logotype.png
Unibersidad ng Pilipinas
Unibersidad ng Pilipinas.png
Tatak
Sawikain Dangal at Kagalingan (Honor and Excellence)
Uri Pamantasang pambansa
Pangulo Dr. Alfredo E. Pascual
Academic staff 4,135[1]
Admin. staff 10,044[1]
Mag-aaral 53,285[1]
Lokasyon Diliman, Lungsod Quezon (Pangunahing Kampus), Pilipinas
Kampus 11 mga kampus, 1 bukas na unibersidad
Awit U.P. Naming Mahal
Kulay UP colors.PNG Marun at Luntiang Gubat
Nickname UP Fighting Maroons
Apilasyon Association of Pacific Rim Universities
ASEAN-European University Network
ASEAN University Network
UAAP
Websayt www.up.edu.ph
UP Centennial Logo....jpg
U.P. Centennial Year Emblem

Ang Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: University of the Philippines, dinadaglat bilang UP), minsan ring Pamantasan ng Pilipinas, ay ang pambansang pamantasan ng Pilipinas.[2][3] Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang "University Act" mula sa autoridad ng Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa batas, medisina, inhinyeriya, agham pampolitika at ibang mga agham panlipunan hanggang sa narsing, kalusugang pampubliko, mga likas na agham, pagsasaka at mga araling pantao. 'Di tulad sa ibang mga pamantasan, ang UP ay ang nag-iisang pamantasan sa Pilipinas na gumagamit ng salitang "unibersidad" sa opisyal na salin ng pangalan nito sa Filipino.

Kinikilala ang Unibersidad bilang pangunahing institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Pilipinas, at napag-aral sa ilang mga pinakakilalang mga pinunong panlipunan at pampolitika, ekonomista, siyentipiko, manananggol, doktor medikal, inhinyero, malikhaing artista, guro at mangangalakal.[4][5][6] Pitong mga pangulo ng Pilipinas ay nag-aral sa Unibersidad bilang mga mag-aaral na 'di pa nagtapos o nagtapos na ng kolehiyo, habang 12 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 36 sa 57 Pambansang Alagad ng Sining at 30 sa 31 Pambansang Alagad ng Agham ay may kaugnayan sa Unibersidad.[2][4][7]

Tala ng mga yunit ng UP[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga naging Pangulo ng UP[baguhin | baguhin ang batayan]

Oblasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Oblasyon ang sagisag ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay naging sagisag at sentro ng aktibismo sa pamantasan. Si Rafael Palma ang nagkomisyon kay Guillermo Tolentino upang gawin ang obra maestrang ito. Ito ay may laki ng 3.5 metro na nagsisilbing simbolo ng 350 na taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 In the Know: University of the Philippines, Philippine Daily Inquirer Online. Accessed April 28, 2007.
  2. 2.0 2.1 About UP, University of the Philippines System Website. Accessed April 27, 2007.
  3. Republic Act 9500 An Act to Strengthen the University of the Philippines as the National University. Retrieved May 20, 2008.
  4. 4.0 4.1 UP in next 100 years, Philippine Daily Inquirer (Editorial). Retrieved May 20, 2008.
  5. Senate Resolution 278 A Resolution Expressing the Sense of the Senate to Honor the University of the Philippines in its Centennial Year as the nation's premier university..., Senate of the 14th Congress of the Republic of the Philippines. Retrieved May 20, 2008.
  6. Hawaii legislature congratulates UP, University of the Philippines System Website. Retrieved May 20, 2008.
  7. List of National Scientists, DOST - National Academy of Science and Technology. Accessed April 27, 2007.


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]