Rafael Palma

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rafael Palma
Kapanganakan 24 Oktubre 1874
Maynila
Kamatayan 24 Mayo 1939
Maynila
Hanapbuhay Senador

Si Rafael V. Palma ay ipinanganak sa Tundo, Maynila noong 24 Oktubre 1874. Ang kanyang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.

Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong abogasya. Siya ay naging bahagi ng La Independencia o Ang Kalayaan, isang malaganap na pahayagan noong panahon ng Kastila.

Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea ng Pilipinas. Siya rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya ay nagretiro sa politika.

Ang tinaguriang Tagabunsod ng Pilipinismo ay mapayapang yumao sa gulang na 65 noong 24 Mayo 1939.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.