Muhammad Ali

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Ali (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Muhammad Ali (paglilinaw).
Si Muhammad Ali.

Si Muhammad Ali (ipinanganak bilang Cassius Marcellus Clay, Jr. noong 17 Enero 1942) ay isang Amerikanong boksingero. Naging isa siya sa pinakabantog na mga boksingero sa mundo dahil sa kanyang teknikong "rope-a-dope" (literal na "itali ang malapot na likido" o "igapos ang narkotiko"). Kilala rin siya dahil sa kanyang matatalinong mga pagpapantig o rima ng tula. Noong 1999, pinangalanan siya bilang "Manlalaro ng Daang Taon" o "Sportsman of the Century" ng magasing Sports Illustrated. Napagwagian niya ang kampeonato sa World Heavyweight Boxing ng may tatlong ulit. Nanalo rin siya ng medalyang ginto sa palarong Olimpiko para sa pagboboksing noong Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 1960 sa Roma, Italya.

Ipinanganak si Ali sa Louisville, Kentucky. Pinangalanan siya mula sa kanyang amang si Cassius Marcellus Clay, Sr. Binago ni Ali ang kanyang pangalan pagkaraan maging isang Muslim noong 1975. Dahil sa kanyang mga paniniwalang Islamiko, ayaw niyang makilahok sa pakikidigma noong Digmaan ng Biyetnam noong subukin ng hukbong katihan na italaga siya bilang isang sundalo. Ipinabilanggo siya dahil dito. Nagretiro siya mula sa larangan ng boksing noong 1981. Noong kaagahan ng dekada ng 1980, natuklasan na mayroong karamdaman ni Parkinson si Ali.
TalambuhayEstados UnidosPalakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.