Makati

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Makati
—  Lungsod  —

Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Makati
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Lalawigan
Distrito Una hanggang pangalawang Distrito ng Makati
Mga barangay 33
Pagkatatag 1 Hunyo 1670
Ganap na Lungsod 2 Enero 1995
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Jejomar Erwin "Junjun" S. Binay (2013-2016; PDP-Laban)
Lawak
 • Kabuuan 21.57 km2 (8.33 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 476,719
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1200 (CPO)
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 137602000
Website makati.gov.ph


Ang Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte ng Kalakhang Maynila. Ito ay ang sentro ng pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang Makati Central Business District o MCBD. Maraming mga maimpluwensiyang mga negosyante tulad ng pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizal ngunit inilipat ito sa Kalakhang Maynila noong 1975. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital of the Philippines).

Kasaysayan[1][baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang maybahay na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati.

Nakita ni kongkistador Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at itinanong sa mga katutubo ang pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng “Makati-na” sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana de Saya sa pamamahala ng isang paring Fransiscanong si Pedro de Makati. Tinawag ang lugar na “Sampiro”.

Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.

Nagkaroon ng isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg. 137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal.

Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na pangalan nito.

Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng Neilson.

Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956.

Itinayo ang bagong gusali ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng Makati. Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992, 1995, 2001 at 2004.

Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2 Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Barangay Populasyon (2004) Sukat (km2) Distrito
Bangkal 22,433 0.74 Ika-1
Bel-Air 9,330 1.71 Ika-1
Carmona 3,699 0.34 Ika-1
Cembo 25,815 0.22 Ika-2
Comembo 14,174 0.27 Ika-2
Dasmariñas 5,757 1.90 Ika-1
East Rembo 23,902 0.44 Ika-2
Forbes Park 3,420 2.53 Ika-1
Guadalupe Nuevo 22,493 0.57 Ika-2
Guadalupe Viejo 13,632 0.62 Ika-2
Kasilawan 6,224 0.09 Ika-1
La Paz 8,843 0.32 Ika-1
Magallanes 7,509 1.20 Ika-1
Olympia 20,172 0.44 Ika-1
Palanan 16,614 0.65 Ika-1
Pembo 35,035 1.23 Ika-2
Pinagkaisahan 6,186 0.16 Ika-2
Pio del Pilar 22,495 1.20 Ika-1
Pitogo 13,367 0.14 Ika-2
Poblacion 8,446 0.46 Ika-1
Post Proper Northside 1,475 0.45 Ika-2
Post Proper Southside 25,037 0.60 Ika-2
Rembo 12,226 0.89 Ika-1
Rizal 37,022 Ika-2
San Antonio 12,226 0.89 Ika-1
San Isidro 8,686 0.50 Ika-1
San Lorenzo 6,487 2.09 Ika-1
Santa Cruz 7,419 0.47 Ika-1
Singkamas 6,226 0.13 Ika-1
South Cembo 13,570 0.20 Ika-2
Tejeros 16,820 0.29 Ika-1
Urdaneta 3,817 0.74 Ika-1
Valenzuela 5,908 0.24 Ika-1
West Rembo 28,889 0.55 Ika-2
Tanaw ng Makati
Magnify-clip.png
Tanaw ng Makati

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Modyul ng Makati. Pamahalaan ng Makati. 2006. 




PilipinasKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.