SM Mall of Asia
Kinaroroonan | Lungsod Look, Lungsod ng Pasay, Pilipinas |
---|---|
Petsa ng pagbubukas | 21 Mayo 2006 |
Bumuo | SM Prime Holdings |
Nangangasiwa | SM Prime Holdings |
Magmamay-ari | SM Prime Holdings |
Arkitekto | Arquitectonica |
Bilang ng mga pamilihan at serbisyo | 750 pamilihan, 220 kainan |
Bilang ng nakapundong nangungupahan | 9 |
Kabuoang pook ng palapag na pampagtitingi | 390,193 metro kuwadrado |
Paradahan | 8 000 kotse |
Bilang ng mga palapag | 2 para sa Main Mall at Entertainment Mall, 5 para sa Hilagang Paradahan ng Kotse at 8 sa Timog Paradahan ng Kotse |
Websayt | SM Mall of Asia SM Mall of Asia sa SMPH |
14°32′6.24″N 120°58′55.75″E / 14.5350667°N 120.9821528°E
Ang SM Mall of Asia (MOA) ay isang pamilihang mall na pag-aari ng SM Prime Holdings, ang pinakamalaki developer at nagmamay-ari ng mga mall sa Pilipinas. Ang SM Mall of Asia ay ang ikalawang pinakamalaking pamilihang mall sa Pilipinas at ang ikatlong [1] (Sanggunian Sampung Pinakamalaking mga Pamilihang Mall ng Forbes) pinakamalaking pamilihang mall sa buong mundo. Ang SM Mall of Asia ay may lawak ng 42 hektarya at may kabuuang lawak ng sahig na mahigit-kumulang na 390,193 metro kuwadrado (4.2 million square feet)[2] at 407,101 metro kuwadrado ng kabuuang laki. Ang mall ay makikita sa Lungsod Look sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na malapit lang sa Pangunahing Business Park ng SM, ang Look ng Maynila sa dulong timog-silangan ng Abenida Epifanio de los Santos o EDSA Ang mall ay tumatanggap nga 200,000 tao araw-araw.
Kinalalagyan at mga nakapaligid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Mall of Asia ay itinayo sa isang reclamation area. Ito ay nakatayo sa 19.5 hektarya ng kinuhang lupa at may kabuuang lawak ng sahig na 390,193 kilometro kuwadrado. Ang mall ay makikita sa pinaka-timog na dulo ng Abenida Epifanio de los Santos. Isang paikot ang itinayo sa harap ng mall na may dambuhalang tansong globo na kapareho sa mga globo ng Universal Studios Theme Parks at ng Unispero sa Liwasan ng Flushing Meadows sa boro ng Queens sa Lungsod ng Bagong York. Noong 18 Nobyembre 2009, ang globo ay ginawang Globong LED na kilala rin sa pangalang GlobAmaze. Ang kauna-unahan at nag-iisang full global video display sa Asya na may mataas na resolusyon at full display graphics na naging posible sa pamamagitan ng 26,300 piraso ng ilaw ng LED. Ang makabagong teknolohiya ng LED ay kasama sa iba pang mga katangian ng globo gaya ng hindi ito natitinag ng panahon may nangingibabaw na liwanag at may mahabang buhay.[1]
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang SM Mall of Asia ay naglalaman ng apat na gusali na magkakakabit sa pamamagitan ng mga tawiran. Ang mga gusali ay ang Pangunahing (Main) Mall, ang Entertainment Mall, at ang Hilaga at Timog na Paradahan ng Kotse.
Ang Main Mall ay naglalaman ng mga pamilihan at mga kainan at ang food court. Ang Entertainment Mall ay may dalawang palapag at ang karamihan ng mll ay nakabukas na nakaharap sa Look ng Maynila.
Ang 5,000 lugar-paradahan ng kotse ng mall ay hinati sa dalawang anim na palapag na gusali n maayos na inilagay bilang ang Hilaga at ang Timog na gusali. Ang Timog Paradahan gusali ay naglalaman ng opisyal na SM Department Store habang ang supermarket ng mall na ang SM Hypermarket ay makikita sa Hilagang Paradahang gusali.
Isa sa mga mukhang kakaibang mga nilalaman na katangian ng mall ay ang 20-upuang tram na lumilibot sa buong mall para magsilbing panglibot ng mga mamimili.
Ang mga tanggapang pangangasiwa ay makikita sa Main Mall at ang Entertainment Mall.[3]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Karatula ng Mall
-
Pasukan ng Main Mall
-
Atrium sa Unang Palapag ng Main Mall
-
Lobby sa Ikalawang Palapag ng Main Mall
-
Pandaigdigang Ice Skating Rink
-
Cinema Complex
-
Music Hall
-
SM Science Discovery Center
-
MetroStar Ferry Terminal
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "SM Mall of Asia lights up Globamaze" Naka-arkibo 2012-09-08 at Archive.is, Philippine Star, 2009-12-07
- ↑ Van Riper, Tom (2008-01-18). "The World's Largest Malls". Forbes. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-02. Nakuha noong 2009-09-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vasquez, Dinna Chan (2006-05-19). "MALL OF ASIA: Raising the ante on shopping". Life & Entertainment stories (sa wikang Ingles). Manila Standard Today. Nakuha noong 2007-02-15.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)