Nueva Ecija
Nueva Ecija | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Nueva Ecija | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Nueva Ecija | |||
Mga koordinado: 15°35'N, 121°0'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Gitnang Luzon | ||
Kabisera | Palayan | ||
Pagkakatatag | 25 Abril 1801 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Aurelio Umali | ||
• Manghalalal | 1,541,685 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 5,751.33 km2 (2,220.60 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 2,310,134 | ||
• Kapal | 400/km2 (1,000/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 572,583 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 10.00% (2021)[2] | ||
• Kita | ₱3,790,352,820.341,635,204,039.251,841,793,844.992,109,748,395.442,602,962,037.692,789,275,934.853,298,852,297.393,614,775,108.863,368,303,287.344,042,410,039.155,254,209,102.54 (2020) | ||
• Aset | ₱12,510,106,089.644,005,236,114.714,395,409,345.645,091,071,322.665,492,885,263.197,226,987,791.458,443,937,229.869,660,157,867.7411,431,802,101.3113,703,454,240.5413,780,139,223.35 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱3,312,971,377.441,375,956,482.461,479,374,605.401,656,852,671.971,736,859,999.202,223,773,284.282,467,006,862.212,751,652,856.573,127,315,891.954,558,716,737.823,684,415,078.66 (2020) | ||
• Paggasta | ₱2,684,617,570.731,099,860,869.541,368,757,389.811,426,080,554.721,867,395,650.722,160,710,409.182,389,672,542.072,526,084,908.712,115,079,538.783,827,247,553.254,061,189,076.57 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 5 | ||
• Bayan | 27 | ||
• Barangay | 849 | ||
• Mga distrito | 4 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 3100–3133 | ||
PSGC | 034900000 | ||
Kodigong pantawag | 44 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-NUE | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | wikang Kapampangan wikang Tagalog Southern Alta Umiray Dumaget | ||
Websayt | https://www.nuevaecija.ph/ |
Ang Nueva Ecija (Filipino: Bagong Esiha/Nuweba Esija) ay isa sa walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan at Aurora.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na lalawigan sa Pilipinas ang Nueva Ecija. At saka ang nangungunang taga-gawa ng mga sibuyas (sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya. Sikat din rito ang mga Gatas ng Kalabaw, gulay at prutas na inaani ng Nueva Ecija.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Nueva Ecija sa 27 mga munisipalidad at 5 mga lungsod.
Mga Lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lungsod ng Cabanatuan
- Lungsod ng Gapan
- Lungsod ng Palayan
- Lungsod ng San Jose
- Lungsod Agham ng Muñoz
Mga Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Clavería[kailangan ng sanggunian], kasama ang kapital sa Baler (bahagi na ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga. Mula sa pagkatatag nito sa simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko —Las Islas Filipinas at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula 1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa paglikha ng ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon) ay nalikha mula sa Nueva Ecija.
Ipinangalan ang lalawigan sa lumang lungsod ng Écija sa Sevilla, Espanya.
Noong 1896, isa ang Nueva Ecija sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa Espanya, at isa sa mga lalawigan na nagdeklara ng kalayaan noong 1898.
Unang Sigaw ng Nueva Ecija
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "Unang Sigaw ng Nueva Ecija" ay isang pag-aaklas nong 1896 sa pangunguna ni Heneral Mariano Llanera, na inagapayan nina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte ng Bayan ng Gapan, Nueva Ecija and kolonel Alipio Tecson ng Cabiao, Nueva Ecija na kamalaunan ay naging Brigadyer Heneral. Ang pag-aaklas ay ginanap sa Cabiao, Nueva Ecija. Si Alipio Tecson ay naging Governadorcillo naman ng Cabiao, Nueva Ecija.[3]
Bahay Sideco
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinokrama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang San Isidro, Nueva Ecija bilang kapitolyo ng Kauna-unahang Republika ng Pilipinas noong 29 Marso 1899. Si Heneral Aguinaldo ay nanirahan sa bahay na ito na pag-aari ni Crispulo "Kapitan Pulong" Sideco na noon ay naging de facto Philippine capitol. Noong dumating ang mga Amerikano sa bayan ng San Isidro, ang Sideco House ang naging tang-gapan ni Col. Frederick Funston na siya ring nakadakip kay Heneral Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Sa bahay rin na ito pinag-usapan ang pagdakip kay Heneral Aguinaldo.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nueva ecija tourist site Naka-arkibo 2010-03-22 sa Wayback Machine.
- ↑
"Province: Nueva Ecija". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HISTORY OF "UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA"". Ginto ang Inaani.[patay na link]