Lungsod ng Biñan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Biñan
—  Lungsod  —
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Biñan.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Laguna
Distrito Unang Distrito ng Laguna
Mga barangay 24
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Marlyn Alonte-Naguiat
Populasyon (2000)
 • Kabuuan 201,186
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kaurian ng kita Unang Klase

Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang klaseng Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging parehong pamayanang urban ng Kalakhang Maynila at ang lugar ng pinakamamalaking industiya at isang export processing zone sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, mayroon itong populasyon 201,186 sa 42,307 kabahayan.

Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.

Mga nilalaman

Mga Barangay [baguhin]

Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.

  • Biñan (Poblacion)
  • Bungahan
  • Santo Tomas (Calabuso)
  • Canlalay
  • Casile
  • De La Paz
  • Ganado
  • San Francisco (Halang)
  • Langkiwa
  • Loma
  • Malaban
  • Malamig
  • Mampalasan
  • Platero
  • Poblacion
  • Santo Niño
  • San Antonio
  • San Jose
  • San Vicente
  • Soro-soro
  • Santo Domingo
  • Timbao
  • Tubigan
  • Zapote

Kasaysayan [baguhin]

Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng Hunyo 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.

Noong 1769, ang kabiserang panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.

Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa mismong bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang plake ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang monumento naman ang itinayo sa gitna ng plaza ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.

Ekonomiya [baguhin]

Ang Biñan ay kilalang sentro ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at Heneral Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga tindero sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.

Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga patinda sa kanila kanilang mga pwesto, ang iba pa nga ay sa mga kalsada at eskinita pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng prutas, gulay, mga produktong gawa sa mantikilya, karne, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 oras na ang oras nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.

Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.

Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.

Edukasyon [baguhin]

Ang Biñan ay kinikilala na ring sentro ng edukasyon sa unang distrito ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa lugar. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:

Mga kawing panlabas [baguhin]

Coordinates: 14°20′ N 121°05′ E