Baguio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Baguio
(Ilokano) Ciudad ti Baguio
—  Lungsod  —
City of Baguio

Watawat

Sagisag
Baguio is located in Philippines
Lungsod ng Baguio
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 16°25′N 120°36′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 16°25′N 120°36′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Cordillera Administrative Region
Distrito Nag-iisang Distrito ng Baguio
Mga barangay 129
Pagkatatag 1909
Pista Panagbenga
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Reinaldo Bautista, Jr. (gumaganap) (Lakas - Timpuyog ti Baguio)
 • Pangalawang Punong Lungsod Daniel Fariñas
 • Kinatawan Mauricio Domogan
Lawak
 • Kabuuan 57.51 km2 (22.20 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 318,676
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 2600
Kodigong pantawag 74
Mga wika Ilocano, Kankana-ey, Ibaloi at Ingles
PSGC 141102000
Website www.baguio.gov.ph

Ang Baguio (bigkas /bá·gyo/) ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsiya ng Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong 1 Setyembre 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.

Ayon sa senso ng 2007, may kabuuan itong populasyon na 301,926.[1]

Heograpiya[baguhin]

Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Central sa hilagang Luzon. Ito'y napapaligiran ng probinsiya ng Benguet. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5 kilometro kwadrado. Ang ayos ng lungsod ay naaayon sa naunang plano ng tanyag na arkitektong si Daniel Burnham. Ang bahay-pamahalaan ng lungsod ay itinayo sa mismong gitna ng lungsod.

Ang Lungsod ng Baguio ay kilala dahil sa kanyang katamtamang klima. Dahil sa kanyang taas, ang temperatura ng lungsod ay mas mababa ng 8 sentigrado kumpara sa temperatura sa mga mabababang lugar. Maburol ang kabuuan ng lungsod at ang kanyang mga lansangan ay ginawa ayon sa ayos ng lupa.

Kasaysayan[baguhin]

Ang lugar na kung saan nakatayo ang lungsod ay unang tinirhan ng mga katutubong Ibaloi at Kankana-ey. Una itong naging pastulan ng mga baka at mga iba pang alagang hayop. Noong panahon ng pamamhala ng mga Kastila hindi gaano binigyang pansin ang lugar.

Dahil sa klima ng lugar, nahikayat ang mga Amerikano na ayusin ang lugar bilang isang bakasyonan. Noong taong 1901, inumpisahang gawin ang "Kennon Road". Sa pamumuno ng mga Amerikano at sa tulong ng mga manggagawang Pilipino at mga Hapon, inukit ang daanang ito sa pagitan ng mga bundok at sinusundan ang ilog ng Bued mula sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union hangang sa Kafagway. Naging madali ang paglalakbay patungo sa lugar na ito, at pagkatapos ng ilang taon ay lumaki ang populasyon. Idineklarang "Summer Capital" ng "Philippine Commission" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo taong 1903. Noong 1904, inatasan ang sikat na arkitekto na si Daniel Burnham na gawan ng plano ang pagpapaunlad ng lungsod. Noong ika-1 ng Setyembre taong 1909 ay idineklarang lungsod and Baguio ng "Philippine Assembly".

Isa ang Lungsod ng Baguio sa mga unang binomba ng pwersa ng Imperyo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Madaling nasakop ng mga Hapon a lugar. Sa pagbalik ng mga Amerikano sa mga huling buwan ng digmaan, sa lungsod umatras ang karamihan ng mga sundalong Hapon sa Luzon kasama na si Hen. Tomoyuki Yamashita. Noong ika-3 ng Setyembre ay pormal na isinuko ni Hen. Yamashita sa mga hukbong Amerikano at Pilipino ang mga natitirang puwersa ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay ginanap sa "Camp John Hay" na matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod.

Patuloy ang pagunlad ng lungsod pagkatapos ng digmaan hangang noong ika-16 Hulyo taong 1990, naranasan ng mga residenta ng lungsod ang isa sa pinakamalakas na lindol na tumamasa bansa. Maraming mga nasirang gusali at maraming mga tao ang nasawi. Karamihan sa mga gusaling nasira ay mga hotel.

Sa ika-1 ng Setyembre ng taong 2009 ay gaganapin ang pagdiriwang ng ika-100 taon anibersaryo ng lungsod.

Ekonomiya[baguhin]

Ang Ekonomiya ng Lungsod ng Baguio ay nakadepende sa kanyang kinaroroonan at sa kanyang klima. Maraming mga Unibersidad ang umusbong dito dahil sa dami ng mga magaaral na gustong magaral sa lugar na tahimik at malamig. Madali rin itong puntahan kahit ito ay nasa mabundok na lugar. Ito rin ang centro ng kalakalan sa Cordillera. Karamihan ng mga kalakal ng mga kalapit na probinsiya ay dumadaan muna sa lingsod bago ito maipamahagi sa mga ibang probinsiya. Dahil sa kanyang klima, ang lungsod ang karaniwang bakasyonan ng mga turistang galing sa mga kalapit na probinsiya at maging mga turistang dayuhan lalo na sa tag-araw.

Matatagpuan din sa lungsod ang isang sangay ng "Philippine Economic Zone Authority" na nagbibigay kabuhayan sa mga residente ng lungsod. Karamihan sa mga produktong ginagawa sa lugar an ito ay iniluluwas sa ibang bansa.

Sentro ng Edukasyon sa Hilagang Luzon[baguhin]

Tinatawag na "university town" ang Lungsod ng Baguio. Ayon sa ginawang senso noong 2007, halos kalahati ng populasyon ng lungsod ay mga magaaral. Mayroong bilang na 141,088 ang naitalang mga magaaral na karamihan ay galing pa sa mga kalapit na mga probisya. Maraming mga bahay paupahan ang naitayo para magsilbing tirahan ng mga magaaral. Karamihan sa mga gamit sa pagaaral ay sa lungsod din binibili. Dahil dito, maraming mga negosyong nakabase sa edukasyon ang umusbong.

Mayroong walong pangunahing institusyon o pamantasan ang matatagpuan dito. Dahil sa mga ito, and Lungsod ng Baguio ay ang sentro ng edukasyon sa buong hilagang luzon.

  1. "University of the Philippines" - ang pambansang pamantasan ng Pilipinas.
  2. "Philippine Military Academy"
  3. "Saint Louis University"
  4. "University of the Cordilleras" - ang pinakamatandang pamantasan sa CAR
  5. "University of Baguio"
  6. "Pines City Colleges"
  7. "Baguio Central University"
  8. "Easter College"
  9. Data Center College of the Philippines.

May mga institusyon din na tumatangap ng mga dayuhang mag-aaral. Karamihan sa mga dayuhang ito ay pumupunta sa lungsod para mag-aral ng salitang Ingles, o kaya'y para makapag-aral sa isa sa mga kilalang pamantasan sa lungsod. Karamihan sa kanila ay mga Koreano, Indiyano, at mga taga Nepal.

Turismo[baguhin]

Dahil sa klima, mga magagandang tanawin, at sa mga makasaysayang lugar sa lungsod, maraming mga turista ang gustong magbakasyon dito. Sa panahon ng tag-araw, halos nadodoble a populasyon ng lungsod dahil sa dami ng mga dumadayo dito[2]. Dahil dito, mahigit sa walumpong hotel ang naitayo sa lungsod[3]. Marami ding mga bahay paupahan ang nagsislbing pansamantalang tirahan ng mga turista.

Ang Panagbengga Festival ang isa sa mga pangunahing kaganapan sa Lungsud ng Baguio na humuhikayat sa mga turista na akyatin ang lungsod. Ito ay isang buwang pagdiriwang na binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikhasan sa panahon ng pamumulaklak ng mga halaman.

Dahil din sa turismo, umusbong ang mga iba't ibang mga negosyo na nagbibigay serbisyo ayon sa mga pangangailangan ng mga turista.

Sentro ng Kalakalan sa Cordillera[baguhin]

Karamihan ng mga produktong galing sa mga kalapit probinsiya ng Cordillera ay iniimbak muna sa lungsod bago ito maipamahagi sa buong bansa. Karamihan sa mga produktong ito ay mga gulay na bihirang tumubo sa mga maiinit na lugar. Naging kilala ang lungsod bilang bilihan ng mga gulay na may mataas ka kalidad.

"Baguio City Economic Zone"[baguhin]

Isa sa mga pinakaprudoktibong lugar ng "Philippine Economic Zone Authority" ay matatagpuan sa lungsod. Karamihan sa mga produktong ginagawa dito ay iniluluwas sa ibang bansa. Ang mga dayuhang kompanya dito ang syang nagbibigay kabuhayan sa mga residente ng lungsod. Ang ilan sa mga kompanyang matatagpuan dito ang isa sa pinakamalaking pagawaan ng gamit pang elektroniko, ang "Texas Instruments", ang MOOG na gumagawa ng mga piyesang pang makina, at ang SiTEL na isang "BPO Company" o mas kilala sa tawag na "call center".

Kultura[baguhin]

Ang Lungsod ng Baguio ay isang lugar na kung saan nagtatagpo ang mga iba't ibang kultura.

Mga barangay[baguhin]

Nahahati ang lungsod ng Baguio sa 129 barangay.

  • Apugan-Loakan
  • Asin Road
  • Atok Trail
  • Bakakeng Central
  • Bakakeng North
  • Happy Hollow
  • Balsigan
  • Bayan Park West (Bayan Park)
  • Bayan Park East
  • Brookspoint
  • Brookside
  • Cabinet Hill-Teacher’s Camp
  • Camp Allen
  • Camp 7
  • Camp 8
  • Campo Filipino
  • Crystal Cave
  • City Camp Central
  • City Camp Proper
  • Country Club Village
  • Cresencia Village
  • Dagsian, Upper
  • DPS Area
  • Dizon Subdivision
  • Quirino Hill, East
  • Engineers' Hill
  • Fairview Village
  • Fort del Pilar
  • General Luna, Upper
  • General Luna, Lower
  • Gibraltar
  • Greenwater Village
  • Guisad Central
  • Guisad Sorong
  • Hillside
  • Holy Ghost Extension
  • Holy Ghost Proper
  • Imelda Village
  • Irisan
  • Kayang Extension
  • Kias
  • Kagitingan
  • Loakan Proper
  • Lopez Jaena
  • Lourdes Subdivision Extension
  • Dagsian, Lower
  • Lourdes Subdivision, Lower
  • Quirino Hill, Lower
  • General Emilio F. Aguinaldo
  • Lualhati
  • Lucnab
  • Magsaysay, Lower
  • Magsaysay Private Road
  • Aurora Hill Proper
  • Bal-Marcoville (Marcoville)
  • Quirino Hill, Middle
  • Military Cut-off
  • Mines View Park
  • Modern Site, East
  • Modern Site, West
  • New Lucban
  • Aurora Hill, North Central
  • Sanitary Camp, North
  • Outlook Drive
  • Pacdal
  • Pinget
  • Pinsao Pilot Project
  • Pinsao Proper
  • Puliwes
  • Pucsusan
  • MRR-Queen Of Peace
  • Rock Quarry, Lower
  • Salud Mitra
  • San Antonio Village
  • San Luis Village
  • San Roque Village
  • San Vicente
  • Santa Escolastica
  • Santo Rosario
  • Santo Tomas School Area
  • Santo Tomas Proper
  • Scout Barrio
  • Session Road Area
  • Slaughter House Area
  • Sanitary Camp South
  • Saint Joseph Village
  • Teodora Alonzo
  • Trancoville
  • Rock Quarry, Upper
  • Victoria Village
  • Quirino Hill, West
  • Andres Bonifacio
  • Legarda-Burnham-Kisad
  • Imelda R. Marcos (La Salle)
  • Lourdes Subdivision, Proper
  • Quirino-Magsaysay, Upper
  • A. Bonifacio-Caguioa-Rimando
  • Ambiong
  • Aurora Hill, South Central
  • Abanao-Zandueta-Kayong-Chugum
  • Bagong Lipunan (Market Area)
  • BGH Compound
  • Bayan Park Village
  • Camdas Subdivision
  • Palma-Urbano (Cari?o-Palma)
  • Dominican Hill Mirador
  • Alfonso Tabora
  • Dontogan
  • Ferdinand (Happy Homes-Campo)
  • Happy Homes (Happy Homes-Lucban)
  • Harrison-Claudio Carantes
  • Honeymoon (Honeymoon-Holy Ghost)
  • Kabayanihan
  • Kayang-Hilltop
  • Gabriela Silang
  • Liwanag-Loakan
  • Malcolm Square-Perfecto
  • Manuel A. Roxas
  • Padre Burgos
  • Quezon Hill, Upper
  • Rock Quarry, Middle
  • Phil-Am
  • Quezon Hill Proper
  • Middle Quezon Hill Subdivision
  • Rizal Monument Area
  • SLU-SVP Housing Village
  • South Drive
  • Magsaysay, Upper
  • Market Subdivision, Upper
  • Padre Zamora

Mga larawan[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]