Meycauayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
City of Meycauayan
—  Lungsod  —
Mapa ng Bulacan na nagpapakita ng lokasyon ng Meycauayan.
Coordinates 14°44'N 120°57'E
Bansa Pilipinas
Rehiyon Central Luzon (Region III)
Lalawigan Bulacan
Distrito Pang-apat na Distrito ng Bulacan
Mga barangay 23
Ganap na Lungsod Disyembre 10, 2006
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Joan Alarilla (Nationalist Peoples Coalition)
Laki
 • Kabuuan 32.1 km2 (12.4 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 199,154
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 3020
Kodigong pantawag 44
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 031412000

Ang Meycauayan ay isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay matatagpuan labingsyam na kilometro sa hilaga ng Maynila at dalawampu't dalawang kilometro mula sa Siyudad ng Malolos. Ang Lungsod ng Meycauayan ay napaliligiran ng Marilao sa Hilaga, Siyudad ng Valenzuela sa Timog, Siyudad ng Caloocan sa Silangan at ng Obando sa Kanluran.

Kilala ang Bayan ng Meycauayan bilang Sentro ng Industriya ng Pag-aalahas sa Pilipinas.

Mga Baranggay[baguhin]

Ang Lungsod ng Meycauayan ay nahahati sa 27 na mga baranggay.

  • Bagbaguin
  • Bahay Pare
  • Bancal
  • Bancal Extsension
  • Banga
  • Bayugo
  • Calvario
  • Caingin
  • Camalig
  • Hulo
  • Iba
  • Langka
  • Lawa
  • Libtong
  • Liputan
  • Longos
  • Malhacan
  • Pajo
  • Pandayan
  • Pantoc
  • Perez
  • Poblacion
  • Saluysoy
  • Gasak
  • Tugatog
  • Ubihan
  • Zamora

Kasaysayan[baguhin]

Ang taguring "Meycauayan" ay mula sa wikang Tagalog na "may kawayan". Ito ay dahil sa ang lugar noon ay katatagpuan ng maraming kawayanan. Ayon sa alamat, mayroong dalawang magkalabang tribo, ang tribo ni Raha Yantok at Raha Sugod. Nais ni Raha Yantok na sakupin ang pangkat ni Raha Sugod kaya ito ay natakda ng labanan. Sa paglawig ng kanilang labanan natuklasan nila ang isang lugar na puno ng kawayan na siya nilang tinawag na "pook na may kawayan".

Noong 1578, ilang taon matapos maitatag ang Siyudad ng Maynila, naitatag ang bayan ng Meycauayan sa ilalim ng mga Fraileng Pransiskano na sina Juan de Placencia at Diego Oropeza. Sila ay nagtayo ng isang kapilyang gawa sa pawid sa isang nayon na nasa gawing silangan ng bayan at ito ay isinailalim sa pamamatnubay ni San Fransisco ng Assisi bilang kanilang patron. Ito ay kanilang tinawag na Sitio Torril. Ang maliit na pamayanang ito ay tumagal ng humigit kumulang sampung taon hanggang ito ay masira dahil sa isang malakas na bagyo. Taong 1588, inilipat ang pamayanan sa isang lugar na tinatawag na Lagolo (ngayon ay sakop ng Banga at Caingin) sa pamumuno ng fraileng si Padre Fransisco Pusiquit. Dahil sa pagsalakay ng mga Ita, inilipat ang kabayanan sa kasalukuyan nitong kinalalagyan sa Baranggay Poblacion. Dito matatagpuuan ang lumang Munisipyo at ang Simbahan ng Parokya ni San Fransisco ng Assisi.

Ang Meycauayan ay kilala noong Panahon ng Kastila bilang lugar na mayaman sa adobe. Ang mga batong ito ay ginamit hindi lang sa pagpapatayo ng mga gusali sa bayan kundi gayundin ang mga pangunahing gusali sa Maynila tulad ng moog ng Intramuros at ang Katedral ng Maynila.

Ang Bayan ng Meycauayan ay kinilala noon bilang isa sa pinakamalaking bayan sa Bulacan. Ang mga bayan ng San Jose Del Monte, Bocaue, Marilao, Valenzuela, Obando, Santa Maria at Pandi ay nasa ilalim noon ng pamahalaan ng Meycauayan.

Noong panahon ng Himagsikan, nakapag-ambag ang Meycauayan ng mga Dakilang Anak nito upang tumulong sa pagpapalaya sa ating bansa. Ilan dito ay sina Andres Pacheco, Ciriaco Contreras, Guillermo Contreras, Guillermo Bonque, at Liberato Exaltacion. Lahat ng mga nabangit na ito ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng mga pagunahing kalye sa Meycauayan sa kanilang karangalan.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling naging matatag ang kabuhayan at ekonomiya sa Meycauayan. Subalit ito ay naunsyami noong 1949, nang masunog ang sentro ng kabayanan kasama na ang munisipyo nito at ang lumang simbahan.

Ang pagpasok ng Dekada 60 at 70 ay nagbigay ng bagong pag-asa sa pagsulong ng bayan. Nagkaroon ng rehabilitasyon at pagtatayo ng mga imprastraktura upang tugunan ang paglago ng ibat-ibang industriya sa bayan.

Noong taong 2000, sinubukan ng Pamahalaan ng Meycauayan na iakyat ang estado nito sa pagiging siyudad ngunit ito at natalo sa isang plebisito.

Noong taong 2005, inilipat ang munisipyo nito sa mas malaking lupa sa Baranggay Camalig. Ang lumang Munisipyo ay pinananahanan ngayon ng Mariano Quinto Alarilla Polytechnic College.

Noong ika-10 ng Disyembre, 2006 sa bisa ng isang plebisito ay naging isang ganap na lungsod ang meycauayan mula sa pagiging isang bayan ng Meycauayan. [1]

Mga Sanggunian[baguhin]

Mga Kawing Panlabas[baguhin]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.