Angat, Bulacan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Lalawigan ng Bulakan
Bayan ng Angat
Larawan
B (3).jpg
Simbahan ng Sta. Monica de Angat.
Mapa
Ph locator bulacan angat.png
Tungkol ito sa bayan sa Pilipinas. Para sa prinsa pumunta sa Saplad ng Angat.

Ang bayan ng Angat ay isa sa mga 21 bayan na bumubuo sa lalawigan ng Bulakan. Ang hangganan ng Angat sa hilaga ay ang bayan ng San Rafael, sa hilagang-kanluran ang bayan ng Doña Remedios Trinidad,sa hilagang-silangan ang bayan ng Baliuag, sa silangan ang bayan ng Bustos, sa timog ang bayan ng Norzagaray, at sa timog-silangan ang mga bayan ng Pandi at Santa Maria.

Heograpiya[baguhin]

Lawak at Lokasyon[baguhin]

Ang bayan ng Angat ay lawak na 65.25 kilometro kwadrado o 6,525 ektarya.Ito ay matatagpuan 52 kilometro sa hilagang-kanluran ng Maynila.

Coordinates: 14°56′ N 121°02′ E

Populasyon[baguhin]

Ayon sa senso noong 2000, ang Angat ay may populasyon na 46,033 sa 9,483 kabahayan.

Mga Barangay[baguhin]

Ang Angat ay binubuo ng 16 na barangay:

  • Banaban
  • Baybay
  • Binagbag
  • Donacion
  • Encanto
  • Laog
  • Marungko
  • Niugan
  • Paltok
  • Pulong Yantok
  • San Roque (Poblacion)
  • Santa Cruz (Poblacion)
  • Santa Lucia
  • Santo Cristo (Poblacion)
  • Sulucan
  • Taboc

Mga Mataas na Paaralan[baguhin]

  • Angat National High School
  • Kalinangan Integrated School
  • Lourdes College of Bulacan
  • Colegio de Sta. Monica de Angat
  • Franklin Delano Roosevelt Memorial High School
  • President Diosdado P. Macapagal Memorial High School
  • Angel M. Del Rosario High School

Mga Kawing Panlabas[baguhin]