Baliuag, Bulacan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Baliwag
—  Bayan  —
Mapa ng Bulacan na ipinapakita ang lokasyon ng Baliwag.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Luzon
Lalawigan Bulacan
Distrito Ika-2 Distrito Kongresyonal ng Bulakan
Mga barangay 27
Pamahalaan
 • Punong-bayan Romeo Estrella
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 136,982
Zip Code 3006
Kaurian ng kita Unang klase; urbano
PSGC 031403000

Ang Baliuag o Baliwag ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may kabuuang populasyon na 119,675 sa 25,050 kabahayan. Napapalibutan ito ng mga bayan ng San Rafael sa dakong silangan, Bustos sa timog, Pulilan at Plaridel sa timog-kanluran, at Candaba (sa lalawigan ng Pampanga) sa hilagang-kanluran. Maraming pamilihan at malalaking bangko ang matatagpuan dito bagama't malaking bahagi ng kabuhayan nito ay nasa sektor ng agrikultura. Kilala ang Baliuag sa makulay nitong prusisyon tuwing Semana Santa at sa sikat nitong produkto na "buntal hat".

Ang bayan ng Baliuag ay may layong 50 kilometro mula sa Maynila. Mararating ito sa loob ng 2 oras sa pamamagitan ng pagdaan sa North Luzon Expressway mula Balintawak hanggang Sta. Rita Exit sa Guiguinto. Maari ding sumakay sa mga bus ng Baliwag Transit sa mga istasyon nito sa Divisoria, Caloocan at Cubao.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Baliuag ay binubuo ng 27 mga barangay:

  • Bagong Nayon
  • Barangca
  • Calantipay
  • Catulinan
  • Concepcion
  • Hinukay
  • Makinabang
  • Matangtubig
  • Pagala
  • Paitan
  • Piel
  • Pinagbarilan
  • Poblacion
  • Sabang
  • San Jose
  • San Roque
  • Santa Barbara
  • Santo Cristo
  • Santo Niño
  • Subic
  • Sulivan
  • Tangos
  • Tarcan
  • Tiaong
  • Tibag
  • Tilapayong
  • Virgen delas Flores

Mga Larawan[baguhin]