Oroquieta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Oroquieta
—  Lungsod  —
Mapa ng Misamis Occidental na nagpapakita ng lokasyon ng Oroquieta.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
Lalawigan Misamis Occidental
Lawak
 • Kabuuan 237.88 km2 (91.85 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 68,945
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 7207
Kodigong pantawag 88
PSGC 104209000

Ang Lungsod ng Oroquieta ay isang ika-3 klaseng lungsod sa lalawigan ng Misamis Occidental, Pilipinas. Ito ang ulung-lungsod ng Misamis Occidental. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 59,843 katao sa 12,417 kabahayan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Panandaliang naging kabiserang pandigmaan ng Pilipinas ang Oroquieta noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagaman hindi pa ito noong nakakaklasipika bilang isang kabisera. Habang patungong Estados Unidos na daraan muna sa Australya, dumating si Pangulong Manuel L. Quezon at itinatag ang pandigmaang ulung-bayan. Bago ito siya sunduin ng USAFFE at mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas. Lumisan siyang lulan ng isang submarino patungong Australya. Matapos ang pagsuko ng Hapon at matapos din ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas, pinalitan ng pamahalaan ang katayuan ng Oroquieta mula sa munisipalidad at naging ganap na lungsod bilang pagkilala sa kahalagahan nito sa kapanahunan ng digmaan.

Nilusob ng mga pwersa ng Imperyong Hapon ang Oroquieta noong 1943

Napalaya ito ng mga hukbo ng Komonwelt ng Pilipinas mula sa mga hapon noong 1945.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Lungsod ng Oroquieta ay nahahati sa 47 mga barangay.

  • Apil
  • Binuangan
  • Bolibol
  • Buenavista
  • Bunga
  • Buntawan
  • Burgos
  • Canubay
  • Clarin Settlement
  • Dolipos Bajo
  • Dolipos Alto
  • Dulapo
  • Dullan Norte
  • Dullan Sur
  • Lamac Lower
  • Lamac Upper
  • Langcangan Lower
  • Langcangan Proper
  • Langcangan Upper
  • Layawan
  • Loboc Lower
  • Loboc Upper
  • Rizal Lower
  • Malindang
  • Mialen
  • Mobod
  • Ciriaco C. Pastrano (Nilabo)
  • Paypayan
  • Pines
  • Poblacion I
  • Poblacion II
  • San Vicente Alto
  • San Vicente Bajo
  • Sebucal
  • Senote
  • Taboc Norte
  • Taboc Sur
  • Talairon
  • Talic
  • Toliyok
  • Tipan
  • Tuyabang Alto
  • Tuyabang Bajo
  • Tuyabang Proper
  • Rizal Upper (Tipalac)
  • Victoria
  • Villaflor

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]


Coordinates: 8°29′ N 123°48′ E