Bohol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa isang lalawigan sa Pilipinas. Para sa sayaw, tingnan ang Mazurka Boholana.
Lalawigan ng Bohol
—  Lalawigan  —

Sagisag
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Visayas (Region VII)
Pagkatatag Marso 25, 1565
Kabisera Lungsod Tagbilaran
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—0,
Lungsod (bahagi)—1,
Bayan—47,
Barangay—1,109,
Distrito—3
Pamahalaan
 • Gobernador Edgar M. Chatto
Lawak(ika-29 pinakamalaki)
 • Kabuuan 4,117.3 km2 (1,589.7 sq mi)
Wika Bisaya, Cebuano (Boholano), Tagalog, Ingles

Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kabisera nito at nasa kanluran nito ang pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, ang Mindanao.

Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.[1] Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong tanawin sa lalawigan. Ang Pulo ng Panglao, na matatagpuan sa timog kanluran ng Lungsod ng Tagbilaran, ay tanyag na lugar pansisid at palaging nakatala bilang isa sa sampung pinakamagandang sisiran "diving location" sa buong daigdig. Ang tarsier, ang sinasabing pinakamaliit na unggoy sa buong daigdig, ay matatagpuan sa pulo.

Ito ang lalawigan ng ika-8 pangulo ng Pilipinas, si Carlos P. Garcia, na naging pangulo ng Pilipinas noong (1957–1961), ay isinilang sa Talibon, Bohol.[2]

Heograpiya[baguhin]

Ang Chocolate Hills ng Bohol

Ang pulo ng Bohol ay isang pulong may hugis habilog, na may mga katamtamang taas ng mga bundok. Sa mga bundok ng Bohol matatagpuan ang mga pambihirang mga uri ng halaman at hayop. Binubuo rin ang pulo ng lalawigan ng mga burol. Sa Carmen, Batuan, at Sagbayan matatagpuan ang mga halos perpektong hugis na apang burol na tinatawag bilang Chocolate Hills. Ang Chocolate Hills sa Carmen, Bohol ay sinasabing isa sa mga natural na hiwaga ng Bohol at kadalasang sinasabing Hiyas ng Pilipinas.

May mga dalampasigan din sa pulo ng Bohol na puti ang buhangin. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang mga dalampasigan ng Pulo ng Panglao.

May apat na pangunahing mga ilog na dumadaloy sa Bohol. Ang Ilog Loboc ang pinakatanyag sa lahat dahil sa mga bangkang may kainang naglalayag doon na matatagpuan sa timog silangang bahagi ng pulo.

Mga bayan at lungsod[baguhin]

Unang Distrito[baguhin]

Corella, Cortes, Dauis, Loon, Maribojoc, Panglao, Sikatuna, Tubigon

Ikalawang Distrito[baguhin]

Pres. Carlos P. Garcia, Sagbayan, San Isidro, San Miguel, Talibon, Trinidad, Ubay

Ikatlong Distrito[baguhin]

Garcia Hernandez, Guindulman, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Mabini, Pilar, Sevilla,
Sierra Bullones, Valencia
Bohol Capitol

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang socioecon); $2
  2. Bountiful Bohol www.aenet.org Retrieved November 15, 2006.