Agusan del Sur

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lalawigan ng Agusan del Sur
—  Lalawigan  —

Sagisag
Bansa Pilipinas
Rehiyon Caraga (Rehiyon XIII)
Pagkatatag 17 Hunyo 1967
Kabisera Prosperidad
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—0,
Lungsod (bahagi)—0,
Bayan—14,
Barangay—314,
Distrito—1
Pamahalaan
 • Gobernador Adolph Edward G. Plaza
Laki(ika-4 pinakamalaki)
 • Kabuuan 8,966.0 km2 (3,461.8 sq mi)
Wika Cebuano

Ang Agusan del Sur (Filipino: Timog Agusan) ay isang lalawigan ng Pilipinas na walang baybayin. Matatagpuan ito sa Rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Prosperidad ang kabisera nito. Pinalilibutan ang lalawigan ng mga lalawigan ng Agusan del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Compostela, Davao del Norte, Bukidnon at Misamis Oriental.

Demograpiya[baguhin]

Noong 2000, ang lalawigan ay may populasyon na 559,294. Ang taunang pagtaas ng populasyon ay nasa 1.79%.

Kristiyanismo ang pinakamalking relihiyon sa lalawigan, 79% ng mga ito ay mga Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon sa lalawigan ay ang Seventh-day Adventist Church, Aglipay at Iglesia ni Cristo.

May limang katutubong pangkat ang matatagpuan sa lalawigan: ang mga Aeta, Mamanwa, Bagobo, Higaonon, at Manobo. Naninirahan ang mga Manobo sa kahabaan ng kalsada at mga bayan sa tabi ng ilog patungo sa hangganan ng lalawigan sa Lambak ng Compostella. Ang mga Higaonon ay nakatira sa kanlurang bahagi ng Ilog Agusan, pinakamarami sa Esperanza hanggang sa hangganan ng lalawigan sa Bukidnon.

Ang wikang Cebuano ang pinakasinasalitang wika sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Heograpiya[baguhin]

Pampolitika[baguhin]

Ang Agusan del Sur ay nahahati sa 13 na bayan at isang lungsod.



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.