Leyte

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lalawigan ng Leyte
—  Lalawigan  —

Sagisag
Bansa Pilipinas
Rehiyon Silangang Visayas (Rehiyon VIII)
Pagkatatag 1543 at 10 Marso 1917
Kabisera Lungsod Tacloban
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—1,
Lungsod (bahagi)—1,
Bayan—40,
Barangay—1,641,
Distrito—5
Pamahalaan
 • Gobernador Jericho Petilla
Lawak(ika-12 pinakamalaki)
 • Kabuuan 5,712.8 km2 (2,205.7 sq mi)
Wika Waray, Cebuano, Tagalog, Ingles
Para sa ibang paggamit, tingnan ang Leyte (paglilinaw).

Ang Leyte (o Hilagang Leyte) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital nito at sinasakop ang 75 bahagdan ng hilagang bahagi ng pulo ng Leyte. Matatagpuan ang Leyte sa kanluran ng Samar, sa hilaga ng Katimogang Leyte at sa timog ng Biliran. Sa kanluran ng Leyte sa ibayo ng Dagat Camotes, naroon ang lalawigan ng Cebu.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang manlalakbay na si Ruy López de Villalobos ay unang dumating sa pulo noong 1543 at ipinangalan ang lugar bilang Las Islas Felipinas.

Labanan sa Golpo ng Leyte[baguhin | baguhin ang batayan]

Nang nalusob ng mga Amerikano ang baybayin ng Leyte, natupad nito ang pangako ni Hen. Douglas MacArthur na babalik ito pagkatapos niya itong sabihin noong bumagsak ang laban ng Pilipinas sa mga Hapon noong 1942.


Ang Labanan sa Golpo ng Leyte ay naganap sa mga karagatang nakapalibot sa pulo simula noong 23 Oktubre hanggang 26 Oktubre 1944. Iyon ang pinakamalaking labanang pandagat sa modernong kasaysayan, kung saan tinatayang 212 mga barko ng Amerika ang nakipaglaban sa mga 60 barko ng Imperyo ng Hapon, kasama na ang mga barking pandigma nitong Yamato' at ang Musashi.

Naganap ang unang labanan sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Isang matagumpay na pagsakop ng mga Alyadong bansa sa pulo ang naganap at naging isang mahalagang bahagi ng tuluyang pagkapanalo ng hukbong Pilipino at Amerikano sa Pilipinas.

Tao at kultura[baguhin | baguhin ang batayan]

Sensu ng populasyon ng lalawigan ng Leyte
Senso Populasyon +/-
1990 1,230,925
1995 1,343,941 1.8%
2000 1,413,697 1.09%
2007 1,506,096 0.88%
2010 1,567,984 0.56%
Hindi kabilang ang Lungsod ng Tacloban
Source: National Statistics Office[1]

Nahahati sa wika ang Leyte sa dalawang pangunahing pangkat. Sa kanluran at timog ang mga nagsasalita ng Cebuano, habang sa hilaga at silangan ang mga nagsasalita ng Waray-waray.

May mga pag-uugnay ang mga Cebuano sa Cebu, ang pinakamataong lalawigan sa Visayas; mas may mga pag-uugnay ang mga Waray sa Leyte at Samar.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Umaasa ang ekonomiya ng Leyte sa agrikultura. Itinatanim ang palay sa mga mababang patag na lugar, partikular sa may Tacloban, habang pagtatanim ng buko, para sa langis nito, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mga bulubunduking lugar. Isang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ang pangingisda.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati ang Leyte sa 40 bayan at 3 lungsod.

Isang malayang lungsod ang Lungsod ng Ormoc sa Leyte. Pinamamahalaan ito na malaya sa lalawigan at hindi naghahalal ang mga residente ng mga opisyal ng lalawigan, na nakasaad sa kasulatan ng lungsod.

Mga lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga bayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang NSO); $2