Pumunta sa nilalaman

Batangas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Batangas
Lalawigan ng Batangas
Watawat ng Batangas
Watawat
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Batangas
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Batangas
Map
Mga koordinado: 13°50'N, 121°0'E
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon
KabiseraLungsod ng Batangas
Pagkakatatag1581 (Huliyano)
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorHermilando Mandanas
 • Manghalalal1,819,071 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan3,119.75 km2 (1,204.54 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan2,908,494
 • Kapal930/km2 (2,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
716,192
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan4.30% (2021)[2]
 • Kita₱4,492,393,637.272,093,761,978.002,344,080,497.012,589,887,193.032,864,265,769.043,091,548,956.503,606,968,260.113,773,262,619.164,344,959,874.564,939,122,211.086,697,538,624.81 (2020)
 • Aset₱25,236,432,230.435,372,299,675.965,707,818,362.686,238,394,830.936,407,981,300.829,978,679,419.4215,568,468,588.4518,185,648,427.7120,793,500,861.1729,705,206,874.8231,999,034,591.55 (2020)
 • Pananagutan₱3,380,172,074.331,930,724,708.111,638,606,180.811,856,726,076.431,904,949,786.281,739,417,595.832,340,383,657.762,817,379,715.532,955,467,887.853,413,987,834.964,207,110,968.45 (2020)
 • Paggasta₱3,708,221,348.35621,760,964.941,812,445,388.791,992,211,516.172,043,916,460.472,345,486,227.403,067,629,350.792,848,006,723.013,274,587,140.304,297,530,886.275,771,357,221.38 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod5
 • Bayan30
 • Barangay1,078
 • Mga distrito4
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
4200–4234
PSGC
041000000
Kodigong pantawag43
Kodigo ng ISO 3166PH-BTG
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaTagalog Batanggenyo
wikang Tagalog
Websaythttp://www.batangas.gov.ph

Ang Batangas (pagbigkas: ba•táng•gas) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng Calabarzon. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.

Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.

Etimolohiya

Ang pinakaunang naitalang pangalan ng lalawigan ay Kumintang. Ang sentro nito, ang kasalukuyang bayan ng Balayan, ay ang pinakamaunlad na bayang lalawigan at ang daing sentro ng pamahalaan. Lumaon, dahil sa pagkawasak ng bayan dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal, inilipat ang sentro ng lalawigan sa Taal, na dating tinatawag na Bonbon at ang pangalan ng lalawigan ay pinalitan sunod sa pangalan ng bayan na iyon.

Ang salitang Batangan ay nangahuhulugang balsa, ang tawag ng mga katutubo sa sasakyang pantubig na gamit ng mga katutubo sa kanilang pangingisda sa kalapit na Lawa ng Taal. Maaari rin siyang mangahulugang kahoy na gawa matatagpuan sa Ilog Calumpang, ang bahagi ng tubig na dumadaloy sa hilagang silangang bahagi ng bayan.

Mamamayan

Ang Tagalog ng Batangas na sinasalita sa lalawigan ay malapit sa sinaunang wikang Tagalog na sinasalita bago dumating ang mga Kastila. Kaya ayon sa Summer Institute of Linguistics[1], tinawag nila ang lalawigan bilang sentro ng wikang Tagalog.

Sa mga nakalipas na mga taon, ang pagdagsa ng mga katutubo mula sa Kabisayaan ang nagdulot ng pagdami ng mga Bisaya sa lalawigan. Mayroon din ilang nakapagsasalita ng Kastila, dahil isang mahalagang sentro rin ang Batangas noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Isa ang Batangas sa may pinakamataas na antas ng kamuwangan sa Pilipinas sa 96.5%, kung saan ay higit na mataas ang muwang ng mga lalaki na nasa 97.1% kaysa sa mga babae na 95.9%.

Heograpiya

Pisikal

Magkahalong kapatagan at kabundukan ang lalawigan ng Batangas, kung saan matatagpuan din ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, ang Bulkan Taal, na may taas na 600 metro, na nasa gitna ng Lawa ng Taal. Ang ilan pang mahahalagang bundok ay ang Bundok Makulot na may taas na 830 m, Bundok Talamitan, na may taas na 700 m, Bundok Pico de Loro na may taas na 664 m, Bundok Batulao, Bundok Manabo, at Bundok Daguldol.

Wika

Bagaman may sariling pamamaraan ng pagsasalita ng Tagalog ang mga Batangueño, matatas din manalita ng Ingles ang mga mamamayan nito. Nakauunawa din ng iilang salita sa wikang Kastila ang ilan sa mga Batangueño. Sa katunayan, ang ilang bayan gaya ng Nasugbu, Taal at Lemery ay maroon pa ring iilang mananalita ng wikang Kastila. Marami rin ang nagsasalita ng Cebuano dahil sa iilang dayo mula sa katimugan ng Pilipinas.

Pamahalaan

Politika

Ang Kapitolyo ng lalawigan ng Batangas

Kasama ang mga lalawigan ng ng Pulo ng Panay, Ilocos Sur at Pampanga, isa ang Batangas sa mga naunang ekonomiyang binuo ng mga Kastilang nanirahan sa Pilipinas. Pinamunuan ito ni Martin de Goiti at simula noon ay naging mahalagang sentro ang Batangas ng Pilipinas, hindi lamang para sa mga Tagalog. Unang nakilala bilang Bonbon ang Batangas. Isinunod ang pangalan nito sa kamangha-manghang Lawa ng Taal, na dati ay tinatawag na Bonbon. Ang ilan sa mga naunang pamayanan sa Batangas ay naitatag malapit sa Lawa ng Taal. Noong 1534, naging kauna-unahang lalawigan naayos sa Luzon ang Batangas. Naging kabisera nito ang Balayan simula noong 1597 hanggang 1732. Noong 1732, inilipat ito sa Taal, at naging pinakamaunlad na bayan sa lalawigan hanggang noong 1754, nang mawasak ito ng pagsabog ng Taal. Noong 1889, inilipat ang kabisera sa kasalukuyang Lungsod ng Batangas.

Pagkakahating Pampolitika

Mapang Pampolitika ng Batangas

Nahahati ang lalawigan sa 30 mga bayan at 4 mga lungsod.

  •  †  Panlalawigang kabisera at bahaging lungsod
  •  ∗  Bahaging lungsod
  •      Bayan

Mga sanggunian

Padron:More footnotes

  1. "Province: Batangas". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Province: Batangas". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas